Makaraan ang mga ilang araw, ang musmusing bata na kanilang inampon ay nabihisan na ng maayos.
Galak na galak si Constancia sa kadahilanang mayroon na siyang isang taong itinuring niyang anak. Ang kanilang anak ay ipinangalang Rose, dahil sa hilig ni Constancia sa rosas, hindi siya nagdalawang isip na ipangalan ito sa kanya.
Hindi niya inalintana kung sino man ito, o kaya naman kung anong nagawa ng batang iyon. Basta para sa kanya, kahit hindi niya kadugo, ibubuhos niya sa anak ang lahat ng kanyang pagmamahal na matagal na niyang pinaka tatago.
Hindi lang si Constancia ang masaya, maging si Paulito rin. Ang lihim na pananabik niyang magkaroon ng anak ay naisakatuparan. Noong una ay tutol siya sa ideyang ampunin ito, pero dahil na rin sa kagustuhan ng mahal niyang asawa, wala na siyang nagawa para sa bahay na iyon.
"Sa araw ng bukas, paparito ang mga amigo at amiga ko na nakilala ko sa dati nating bahay. Pati na rin ang matalik kong kaibigan na si Imelda. Nananabik na akong makita siya, naku kung alam niya lang! Panigurado ay mabibigla yun kapag nalaman niyang may anak na tayo." nakangiting sabi ni Constancia sa asawa habang nag aayos ng pinggan sa hapag kainan.
"Panigurado rin ay mas ikabibigla niyang malaman na inampon lang natin ang anak na iyon." tugon naman ng asawa niya, tska sumulyap sa anak nilang si Rose.
Napabuntong hininga si Constancia. "Mahal ko, maaari ba nating kalimutan ang bagay na inampon lang natin si Rose? Gusto kong maiparamdam sakanya ang pagmamahal ng isang tunay na ina, isang bagay na pinagkait sa kanya." malungkot na sabi ni Constancia. Tumingin ito sa asawa na may mga matang tila'y nangungusap. Ngumiti at tumango si Paulito.
"Oo, sige.. pasensya na, Constancia. Pangako, hindi na mababanggit."
Kinabukasan..
Kinabukasan ay maagang gumising ang mag asawa para sa handaan. Nag handa sila ng iba't ibang masasarap na putahe na sakto sa bilang ng mga bisitang darating.
Naglaon ang mga ilang oras ang mga bisitang kanilang inimbita ay nagsidagsaan na. Galak na galak at halos mapunit na ang mga labi ni Constancia sa kakangiti dahil sa sobrang kasiyahan. Si Paulito naman ay masaya niya ring sinalubong at kinamayan ang mga kakilala.
"Nasaan na daw si Imelda, Constancia? Wala pa ba siya?" tanong ni Paulito sa asawa. Si Imelda na lang kasi ang natatanging bisita na hindi pa dumarating.
Nakasimangot si Constancia. "Maghintay pa tayo. Siguradong darating iyon, pinangako niya sa akin." sabi ng asawa ni Paulito.
Pumasok si Rose na nanggaling sa labas at lumapit sa ina. "Ina, may babae po doon sa labas. Hinihintay ka." sabi nito kay Constancia.
"Naku! Baka si Imelda na iyon. O teka, paki asikasuhin muna ang mga bisita. Sasalubungin ko muna si Tita Imelda mo." nasisiyahang sabi ni Constancia at mabilis na tumungo papuntang labas.
"Paulito, sino yang batang iyan? Ang ganda naman, bagay sila ng binata kong anak!" sabi ng isang lalaki na kakwentuhan ni Paulito.
Napangiti si Paulito sa sinabi ng kaibigan. "Anak ko siya, Carlo. Hindi man namin kadugo ni Constancia, anak ko siya. Pumapangalawa siya sa prinsesa ko sa buhay." tugon ni Paulito. Lihim na napangiti si Rose, dahil kailanman sa kanyang buhay, hindi niya naranasan marinig ang mga iyon sa labi ng kanyang mga magulang. Sa halip, siya ay iniwan sa bahay ampunan.. at hindi na binalikan pa.
"Paulito, Paulito asawa ko! Halika, narito na si Imelda." anyaya bigla ni Constancia sa kanyang asawa na kakapasok sa kanilang bahay. Kasama nito ang isang babaeng maputi at nakangiti ng malapad sa madla. Unang dinapuan nito ng tingin ay si Paulito, tapos ay si Rose.
BINABASA MO ANG
The Tale of Humans
HorrorHey, are you afraid of ghosts? No? Yes? Do you have any idea, what is more scarier than them? No? Yes? If you wanna know, then proceed.. let's find out..