Matapos ang mga ilang oras na pag aayos at pag lilinis, naupo ang mag asawa sa kanilang salas dahil sa labis na kapaguran.
"Haayyy! Pagod na pagod ako!" anya ni Constancia habang nag uunat ng kanyang mga kamay.
Si Paulito naman ay napasandal na lamang ang ulo sa sandalan ng upuan.
"Mahal ko, Paulito.. kung titignan mong maigi itong bahay na ipinamana sa iyo, masyadong malaki para sa ating dalawa.. hindi ba?.." makahulugang pag sasalita ni Constancia habang inililibot ang tingin sa bawat sulok ng salas.
"Tama ka.. pero anong ibig mong sabihin, Constancia ko?" mahinhin na tanong ng kanyang asawa.
"Paulito.. alam mo namang gustong gusto ko ng mag karoon tayo ng munting mga anghel.. ngunit, hindi tayo pinapalad. Hindi ko naman minamasama ang ating kapalaran, asawa ko. Pero ayokong lumipas ang panahon na wala tayong batang inaalagaan.." paliwanag ni Constancia, nahihimigan pa sa boses nito ang kanyang tinatagong kalumbayan.
Napangiti si Paulito ngunit nakaramdam din ito ng kalungkutan. Parehas sila ng nararamdaman ng kanyang asawa.. mag mula pa lang na sila'y mag kasintahan, pinapangarap na niyang mag karoon ng anak na kamukha ni Constancia.
Hinaplos niya ang buhok ng kanyang asawa at hiniga ito sa kanyang balikat. "Constancia.. nais mo bang mag ampon na lang tayo?" tanong nito sa asawa.
Napatango ng dahan dahan si Constancia at napatingin ito sa asawa.
"Kung ayos lang sa'yo.." sagot niya.
Napangiti muli si Paulito ngunit wala ng bahid na kung anong kalungkutan. "Bakit naman hindi, Constancia? Basta't makita kitang masaya.." anya nito at hinalikan sa noo si Constancia.
"Hayaan mo, sa susunod paparoon tayo sa bahay ampunan.." dagdag pa ni Paulito.
Matapos ang kanilang sandaling pamamahinga, napag kasunduan nilang pumunta sa pinaka malapit na palengke para bumili ng mga rekado.
Ang palengke ng Paraiso, tambak ang mga tindera at tindero dito at may dalang kaonting panganib sa mga mamimili dahil sa mga taong malilikot ang kamay. Gayunpaman, ang palengke na ito ay dinadagsa ng maraming tao dahil sa mura nitong mga benta.
"Paulito, mahal. Napag desisyunan kong magkaroon ng munting selebrasyon para sa ating bagong tahanan. Nag imbita ako ng konting mga panauhin at inuna ko sa listahan si Imelda. Na aalala mo pa ba siya? Yung matalik kong kaibigan sa dati nating tinutuluyan?" tanong ni Constancia ng makababa silang dalawa sa sakayan.
"Ah, oo.. yung babaeng palagi mong kakwentuhan sa tuwing wala ako?" tanong ng kanyang asawa pabalik. Napatango si Constancia.
"Oo, siya nga. Bago kasi tayo lumisan doon, nangako ako sakanya na iimbitahin ko siya para makita ang ating bagong tahanan." nakangiti nitong sabi.
Napangiti si Paulito dahil sa kabaitan ng kanyang asawa. Magsasalita pa sana siya ng makarinig ng isang malakas na pag sigaw.
"MAGNANAKAW! IBALIK MO YAN, BATA!" sigaw ng isang tindero ng mga tinapay.
At doon, hinahabol ng tindero ang batang babae na may bitbit na tinapay habang tumatakbo ng mabilis. Patingin tingin pa ito sa kanyang likuran na tila bang sinisigurado niyang hindi siya ma aabutan. Ngunit sa kanyang muling pag sulyap, nagkamali siya ng kanyang inapakan at natalisod ito at nadapa.
Lahat ng kanyang ninakaw na tinapay ay nahulog sa lupa.
"Dios ko.." bulong ni Constancia habang tinakpan ang bibig.
Dahil sa pagkadapa ng batang babae, nahirapan na itong makatayo. Kaya naman, naabutan siya ng tinderong pinag nakawan niya.
"Huli ka! Isa kang pasaway na paslit! Hala ka, bayaran mo ang ninakaw mo! Kundi, isasama kita sa mga pulis!" pananakot ng tindero.
Napaiyak na lamang ang bata sa takot ng marinig ang mga iyon. Sinandal niya ang kanyang pisngi sa lupa habang humahagulgol. Gusto niya lang naman ng makakain, gusto niya lang naman malagpasan ang labis na pagkagutom.
"ANO? BATA? BABAYARAN MO BA O ISASAMA NA KITA SA PULIS?" panakot muli ng tindero.
Dahil doon mas lalong lumakas ang iyak ng bata. Dahil sa sobrang awa, hindi naka tiis si Constancia at nilapitan niya ang nakadapang bata at ang tindero.
"Bata.. bakit mo ginawa iyon?..masama yun, diba?" panimula ni Constancia sa batang babae. Habang si Paulito naman ay nakabantay sa likod ng asawa.
"G-gutom po ako.. ilang araw na akong hindi nakaka kain.. p-pasensya na po.." naiiyak na banggit ng paslit. Napangiti ng matipid si Constancia dahil sa sinagot ng bata.
"Sandali lang po, ha. Kilala niyo ba ang batang ito? Kung hindi, isasama ko na sa pulis! Madaming beses na itong nag nakaw dito!" pagalit na sabi ng tindero habang hatak hatak ang damit ng batang babae.
Lumapit si Paulito at hinarap ang tindero. "Magkano ba lahat ang kinuha ng batang ito?.." tanong niya.
Napatingala naman ang tindero na tila ba'y nag iisip.
"Hmmm.. lahat lahat ng ninakaw niya, ay halagang isang daan at limampu!" sagot nito.
Napatango na lamang si Paulito at tahimik na dumukot ng pera sa kanyang pitaka, tska ito inilahad sa tindero.
"Ayan, ma aari mo ng bitawan ang bata. Nasasaktan siya sa pagkakahawak mo." malalim na sabi ni Paulito. Napabitaw naman bigla ang tindero sa damit ng bata at nakangisi itong umalis, habang binibilang ang salapi na natanggap niya.
Napangiti si Constancia dahil unti unti ng humihina ang iyak ng bata. Lumapit si Paulito sa kanilang dalawa at nag tanong.
"Constancia.. halina, mamili na tayo.." anyaya nito sa asawa.
Napatingin si Constancia sakanya na may mapangusap na mata. "Mahal ko, gusto ko siyang iuwi sa atin.." ani ni Constancia.
Napakunot ang noo ni Paulito. "Sigurado ka ba riyan?.." tanong niya. Napatango si Constancia.
Napabuntong hininga si Paulito dahil sa nais ng kanyang asawa. At sa huli, napangiti na lang din ito.
"O, siya.. sige. Itayo na natin siya't isama sa ating pag uwi.." anyaya ni Paulito. Napangiti ng malawak si Constancia dahil sa labis na kasiyahan. Kaya naman, mabilis ngunit maingat niyang itinayo ang batang babae.
"Halika na! Iuuwi ka namin sa bago mong tahanan!" masayang sambit ni Constancia.
------------------------------------------
NYAY! UPDATED NA ANG PART 2! HIHI STAY TUNED BEBE KO~! LUV KO KAYO HIHIHIHEHINTAY SA NEXT UPDATES HA? I VOTE DIN NATIN! HART HART! <3
![](https://img.wattpad.com/cover/204267035-288-k41969.jpg)
BINABASA MO ANG
The Tale of Humans
HorreurHey, are you afraid of ghosts? No? Yes? Do you have any idea, what is more scarier than them? No? Yes? If you wanna know, then proceed.. let's find out..