THIS STORY PART IS GOING TO BE TOLD BY GHOST SPADE. (the one who's in the book cover.)
PLEASE CHECK THE MULTIMEDIA!
------------------------------------------------------
1894
Kapiyestahan sa San Domingo, araw ng Hulyo 16, 1894. Sa kanilang barangay, mayroon isang napaka gandang dilag na anak ng isang kapitana. Ubod ng ganda nito sa puntong sinusundan ito ng mga ibon, at sinasayawan siya ng mga magagandang bulaklak.
Ngunit, kahit ano pang ganda nito.. hindi pa ito nag kakaroon ng nobyo. Ang mga kalalakihang nag alay ng pag ibig sa kaniya ay umuuwing luhaan.
Sapagkat ito ay dahil sa kaniyang mahigpit na ama.
Ang kanyang ama ay ubod ng istrikto. Lahat ng kanyang pinag uutos ay dapat na masunod. Kaya naman, ang dalaga ay nabubuhay lamang sa gusto ng kanyang ama. Dahil mula noong bata pa lamang ito, lagi ng sinasabi ng kanyang ama na siya'y sundin palagi, at hwag kailanman suwain. Sapagkat, alam lagi ng isang magulang ang makakabuti sa kanyang anak.
"Victoria! Anak.. paki hatid naman itong mga pagkain sa labas. Rumarami na ang ating mga bisita, kailangan nating kumilos ng mabilis!" sabi ni kapitana Matilda.
"Masusunod po, ina." sagot ng dalaga. Nag lakad ito palapit sa kanyang ina at kinuha ang mga pagkaing ihahatid sa labas para sa mga bisita.
Nag simulang mag lakad si Victoria patungong labas. At talaga naman ang kanyang angking kagandahan ay walang kupas. Bawat bisitang nadadaanan nito ay napapalingon sa kanya, ang iba naman ay masaya siyang binabati.
Nakatungo na sa kanyang pinaroroonan, inilapag na ni Victoria ang mga pagkain sa lamesa. Akmang aalis na sana ito ng may lumapit sakanya na isang ginang.. kasama ang kanyang binatang anak na lalaki.
"Ikaw ang nag iisang anak ni kapitana Matilda, kung hindi ako nag kakamali?" nakangiting sabi nito sa dalaga.
Ngumiti pabalik si Victoria sakanya. Kitang kita tuloy ang kanyang mga mapuputing pantay pantay na ngipin.
"Opo, ako po iyon. Kayo po? Marahil.. matalik ninyo'ng kaibigan ang aking ina.." magalang na saad ng dalaga.
Natutuwang nangingiti ang ginang sakanya. Sino bang hindi? Si Victoria ay walang kapintasan. Wala na siyang halos katulad. Kung mayroon man, kakaonti na lamang sila.
"Ah.. Oo! Si Matilda, simula pa lamang noong dalaga kami, matalik na talaga kaming mag kaibigan. Napaka bait niyang si Matilda.. puno siya ng hustisya sa katawan. " sagot nito sa dalaga at bahagya pa itong natawa, kaya naman nahawa at natawa na rin si Victoria.
"Oo nga po.. ganoon po talaga ang aking ina. Maingat sa lahat ng mga bagay." nangingiting sabi ni Victoria. Mag sasalita pa sana ang ginang ng may biglang malakas na boses na tumawag sa kaniya.
"Sally! Nariyan ka lang pala, kanina ka pa hinahanap ni Matilda!" sigaw ng isang ginang rin.
"Naku, naku. Hinahanap na ako ng iyong ina, siguro ay makikipag kwentuhan sakin iyon." humahagikgik na saad niya.
Napangiti si Victoria. "Sige po, tutal ay hinahanap na po kayo ng aking ina.. pwede na po kayong tumuloy. Ayos na po ako rito." magalang na sabi ng dalaga.
"Maraming salamat, Victoria. O, bueno.. Felix, anak.. maiwan ka rito at kausapin mo si Victoria. Anak yan ng kaibigan ko, kaya nararapat lamang na magka mabutihan rin kayo." bilin ng ginang sa kanyang binatang anak na si Felix.
"Opo, ina. Mag ingat po kayo sa inyong pag lalakad, huwag niyo rin pong sobrahan ang pag inom." bilin pabalik ng binata sa kanyang ina.
"Huwag kang mag alala sa akin, anak! Kasama ko ang mga amigas ko. Sa ngayon, ihahabilin ko muna sa iyo ang anak ni Matilda, naiintindihan mo ba?" anya ng ginang. Tumango ang kanyang anak.
Nag lakad na paalis ang kanyang ina matapos ang usaping iyon. Kaya naman, ang dalagang si Victoria ay nakaramdam ng matinding pag kailang. Sapagkat, hindi siya sanay na may lalaking umaaligid sa kaniya.
"Kung hindi mo sana ikagagalit.. binibini, pwede ko bang malaman ang iyong pangalan?" maginoong sabi ng binata.
Napalingon si Victoria kay Felix at paulit ulit na lumunok. Napaka lakas ng pintig ng kanyang puso. Para bang hihimatayin siya anumang oras.
"V-victoria ang aking pangalan.. ikaw, ginoo?" tanong pabalik ng dalaga, pilit na inaayos ang kanyang pag sasalita.
"Ako si Felix. Sana magkasundo tayo.." sabi ng binata at naglahad siya ng kamay.
Tinignan pa ni Victoria saglit ang kamay ni Felix, bago unti unting tinanggap iyon.
"Nagagalak akong makilala ka, Felix.." nangingiting anya ni Victoria. Ngayon, unti unti na siyang nagiging komportable. Ang kanyang pakiramdam ay bago sa kanya, para bang nililipad siya sa alapaap.
"Ako rin.. binibining Victoria.." makahulugang ngiti at tingin na tugon ng binata sa dalaga.
At sa kanilang unang pag kikita, ang kanilang murang kalooban ay parehas na nahulog sa isa't isa.
----------------------------------------------------
UPDATED NA YUNG PART 1 YEHEYYYY~! HINTAYIN NATIN ANG PART 2! ANO KAYANG MANGYAYARI? ANY IDEAS? HIHIHISTAY TUNED FOR THE NEXT UPDATE MGA BEBE KO! MWA MWA!

BINABASA MO ANG
The Tale of Humans
TerrorHey, are you afraid of ghosts? No? Yes? Do you have any idea, what is more scarier than them? No? Yes? If you wanna know, then proceed.. let's find out..