CHAPTER 9

15 1 0
                                    


ZHAWPHIA POV

"Zyrion?!" nagulat ako nang makita kong si Zyrion ang bumabato sa bintana ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" nagtatakang tanong ko.

Sumenyas siya sa akin na umatras daw, kaya naman umatras naman ako.

Mas lalo akong nagulat nang Makita siyang inaakyat ang bintana ko.

Gago ba siya? May lahi ba siyang akyat bahay? Amputs!

Nang makaakyat siya, dali- dali niya akong nilapitan at siniil ng halik, nagpaubaya lang ako sa kanya, hindi ako sumagot sa mga halik niya, dahil isa akong tunay na dalagang pilipina. Mag- mala- Maria Clara muna tayo ngayon, baka iba-iba naman ang iisipin niya kung hahalikan ko siya pabalik.

Humiwalay na ang mga labi naming at matiim niya akong tinignan.

"Ba't di ka sumagot?" tanong niya

"Di ko naman sinasagot mga halik mo ah." Maang- maangan na sabi.

"Sinagot mo ang halik ko noon." Pangangatwiran niya.

"Yan ka na naman sa pag i-imagine mo nang mga bagay- bagay! Sinabihan na kita na tigilan mo na ang pagbibisyo mo! Tigilan mo na ang pagkain ng 'krimstick'! iba- iba na ang ini- imagine mo! Hay! Imagination mo talaga walang limit!" mahabang sambit ko.

Napanguso naman siya. Sasalita na sana siya nang inunahan ko.

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" tanong ko.

" Hindi pa ba obvious?, nandito ako dahil gusto lang kitang halikan, namiss kita ei." Sabi niya

Enebe! Kenekeleg se ekesh!

"Nambola pa ang gago! Wag mo nga akong lokohin!" pabebe na sabi ko.

Paki niyo ba kung pabebe ako!

"Di kita binobola nuh! Pramis, namiss lang talaga kita, at gusto kong kamustahin ka kung ayos ka lang." nag- aalalang sambit niya.

Emegesh! Concerned siya sakin! Kinikilig si ako!!!

Selp kalma,  sweet gestures pa lang yan, ano na lang kaya kung nanligaw na?

Napabalik na lang ako sa tamang huwisyo nang halikan niya ako ulit  pero smack lang.

"Hey, anong iniisip mo? Ang lalim ata." Tanong niya. Hay Zyrion! Kung alam mo lang! haist!

"Ha? Ah wala yun! At tsaka okay na ako! Naka move- on na hehe" masiglang sambit ko para maging magaan naman ang atmosphere na pumapalibot sa amin.

"You sure?"  concerned ulit na sabi niya.

"Oo nga! At umalis kana dahil alas tres na nang umaga! Wag mo naman akong puyatin!" sabi ko sa kanya, at oo! Alas tres na! hanggang alas tres ini- imagine si Zyrion!

Balisa na tinignan niya ang kanyang wrist watch.

"Ay syete!  Sige na matulog  ka na at di na kita iisturbohin, hintayin mo na lang ako ditto sa lunes, sabay na tayong papasok sa school." Sambit sabay halik sa akin sa noo at tumalon palabas ng aking bintana.

Napangiti naman ako bahagya, ito na ba ang sweet side ni Zyrion? Parang mababaliw na ako sa kakaisip! Syete makatulog na nga.

Akmang sasampa na sana ako sa kama ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Tiiiiiiiinnnnggggg!!!!!

Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nag- text.

From: unknown number

I FELL IN LOVE WITH THE CLOWN PRINCE OF CRIMEWhere stories live. Discover now