CHAPTER 20

11 1 0
                                    


ZYRION POV

"Anata wa dokini ita? Sudeni mayonaka."

"H-Hiruma?" Bahagya akong nagulat sa naabutan sa loob ng bahay.

"Yes, sino pa ba?" Nagmamayabang niyang sagot.

"Gago ka parin hanggang ngayon." Walang emosyon kong sabi.

"At sutil ka parin hanggang ngayon." Walang emosyon rin niyang sabi.

Nagtitigan muna kami ng ilang segundo bago matawa sa mga inasta namin.

Lumapit ako sa kanya habang nakangiti.

"Welcome back." Sabi ko sabay ginawa ang hand shake namin.

"Kanina ka pa rito?" Tanong ko.

"Yeah, mga 1 hour ago siguro. And by the way, may kasama ako, dalawa sila." Sambit niya.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Palagi niyang kasama si Mamori-- may gusto siya dun eh malamang isasama niya yun dito.

"Alam ko na! Kasama mo si Mamori no? Eh pero sabi mo dalawa. Sino ang isa?" Nagtataka kong tanong.

"Si Taba." Simpleng tugon niya.

"Si Jino nandito rin?!" Di makapaniwalang tanong ko.

"Tsk!" Sambit niya sabay talikod sa akin.

Gago talaga...

Aakyat na sana ako sa taas nang makarinig ako ng ingay na nanggalgaling sa kusina.

At dahil sa aking pagtataka, walang pag- alinlangan kong tinungo ang kusina upang malaman ang mga kaganapan doon.

"Oh, kailan mo nga siya sasagutin?" Tanong ni Mamori kay Zhawphia.

Alam ko namang ako ang tinutukoy niya. Sino pa ba ang nanliligaw kay Zhawphia bukod sa akin? Maliban na lang kung may nanliligaw talaga sa kanya?

Hmmm...

Tuluyan na akong pumasok sa kusina. Bumaling naman ang mga mata nila sa akin.

Bigla namang lumaki ang ngisi ni Mamori nang makita ako.

"Oh, nandito na pala siya eh." Nakangiting sambit niya sabay lapit at yakap sakin.

"Kamusta na?" Tanong niya.

"Heto, hulog na hulog sa kanya." Tugon ko sabay turo kay Zhawphia.

"Saan pala si Jino?" Dagdag ko pang tanong.

"Bumili ng pagkain, lam mo na, palagi siyang gutom." Sagot naman ni Mamori.

Tinignan ko naman si Zhawphia para malaman kung ano ang reaksyon niya ginawa ko.

Bigla naman siyang namula sa sinabi ko, ikinatawa ko naman ang inasta niya.

"Gago." Yun lang ang isinambit niya.

Tatayo na sana siya pero bigla ko siyang pinigilan.

I FELL IN LOVE WITH THE CLOWN PRINCE OF CRIMEWhere stories live. Discover now