CHAPTER 13

22 1 0
                                    

ZYRION POV

Umuwi akong may ngiti sa labi.

'Sweet dreams.... i love you.'

Muli akong napangiti nang inaalala ko ang mga sinabi ko kay Zhawphia kanina.

Thank God! Nasabi ko narin sa kanya na mahal ko siya.

Oo, mahal ko na si Zhawphia at wala akong pakialam kung ilang araw lang kaming magkakilala, basta ang mahalaga nasabi ko na ang dapat kong sabihin.

Basta ang importante, mahalaga.

Juk onleh!

Nang makarating ako sa bahay ay dali- dali akong pumasok upang ihatid kay Joyce ang magandang balita.

Akmang papasok na ako sa loob ng biglang may narinig akong pagbasag ng isang bagay.

JOYCE POV

"Kuya! Galingan mo ha!" Sigaw ko kay kuya nang makarating na sila sa gate.

"Naman! Sayang lahi kapag nabasted!" Natatawang sabi niya.

Kaya tumawa din alo at bahagyang napailing.

'Si kuya talaga palabiro'

Tuluyan nang nakaalis sina kuya, kaya ako na naman mag- isa sa bahay.

"Hmm.. kailan kaya ako liligawan ni Zero?" Tanong ko sa sarili ko.

'Psh! Pano ka niya liligawan nun? Eh parang wala nga siyang gusto sayo eh!' Sabi ng neurons ko.

"Ay! Oo nga!" Sambit ko sabay yuko.

Kung titignan, parang wala ngang gusto sa akin si Zero, makikita ko na yun sa pamamagitan ng kanyang pakikitungo sa akin.

Napabuntong- hininga na lang ako at nakasimangot na umupo sa sala at nanood nalang ng TV.

Habang nanonood, may napansin akong parang nakakaiba sa paligid ko, pero sa iisiping guni- guni ko lang yon eh, hinayaan ko nalang.

Plaaaakk!!!

Kinabahan na ako nang marinig ang pagbasag ng kung ano.

Kaya pinuntahan ko ang pinanggalingan ng tunog. Nagulat ako nang makakita ako ng dalawang lalakeng naka- mask.

Bahagya silang natigilan nang makita ako. Bigla naman ngumisi ang isa at nagsalita.

"Pre, siya yung babae." Sabi ni manong Hudas.

Nagkatinginan naman sila at sabay- sabay lumapit sa akin.

"S- sino kayo?!" Kinakabahang tanong ko sa kanila, pero ngisi lang ang itinugon sa akin.

Lumapit sila sa akin, habang ako naman ay umatras at humahanap ng tiyempong makatakas.

Nang makahanap na, dali- dali akong tumakbo palayo sa kanila, pero nahablot ang braso ko ni manong hudas 2.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko sabay nagpumiglas mula kay manong hudas 2.

Hihilahin na nila sana ako palabas, nang biglang may sumigaw.

"Bitawan mo ang kapatid ko o ipaparanas ko ang impyernong pinanggalingan ko?" Nangangalaiti sa galit na sabi ni Kuya Zyrion.

I FELL IN LOVE WITH THE CLOWN PRINCE OF CRIMEWhere stories live. Discover now