CHAPTER 5

40 1 2
                                    

ZHAWPHIA POV

"D- dianene..." bulong ko nang makita kong nakangisi si Dianene sa harap namin.

"Well, well, well. The predator has chosen her prey, which is you. My love Zyrion. Wag kang magpapadala sa kademonyohan ng Zhawphia na yan." Sabi ni Dianene with matching 'nakakadiri look'.

''If you want some fight then i will give it to you, just don't hurt Zhawphia.'' Nag-aalalang sambit ni Zyrion.

''Mr. Zyrion Leigh Mendes, just saved the slut's life from the beautiful danger. How sweet, parang gusto kong sirain ang relasyon niyo. Ako dapat ang nasa pwesto mo, total mas maganda naman ako sayo.'' confident na sabi ni Dianene.

''Dianene, what's the use of your beauty if you don't have GMRC?'' di ko na mapigilan ang pagka-irita kaya sumali na ako sa uasapan.

Nanlaki naman ang mata niyang nakatingin sakin.

''HOW DARE YOU!'' akmang sasampalin niya ako nang sinangga ni Zyrion ang kanyang kamay.

''Subukan mo lang siyang saktan, ipaparanas ko sayo ang impyerno.'' Cold pero may nakakatakot na sabi ni Zyrion.

Napangiwi naman sa sakit si Dianene ng higpitan ni Zyrion ang pagkakahawak sa kamay nito.

''Isang lapit mo pa kay Zhawphia, hindi lang ito ang aabutin mo.'' sabi niya kay Dianene sabay hila sa akin papasok ng school.

Tulala lang ako sa mga oras na hinila ako ni Zyrion papasok ng school. Napabalik na lang ako sa huwisyo ng napagtanto kong nasa garden kami ng school.

"Ayos ka lang?" Nag- aalang tanong ni Zyrion sa akin.

Tumango lang ako bilang tugon.

"Ayos daw pero umiiyak naman." Sarkastikong sabi niya.

Bigla naman akong naalarma nang sabihin niyang umiiyak ako, di ko na siguro napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Bigla niya akong hinatak at nilagay ang ulo ko sa kanyang balikat, at dun na ko naibuhos ang mga luhang sabik nang lumabas sa aking mga mata.

"Malandi ba talaga ako?" Naiiyak na tanong ko sa kanya.

"Shhh... tahan na okay, hindi ka malandi, sa ganda mong to, malandi ka?" Birong tugon niya.

Nagpatuloy lang ako sa pag- iyak.

"Tahan na, geh ka kung iiyak ka pa wala kang mukhang ihaharap kay Dianene mamaya. Baka isipin niyang mahina ka." Dagdag pa niya.

Tumahan naman ako at ngumiti bahagya. Bakit ba ang bilis umalis ng lungkot ko kung palagi siyang nasa tabi ko?

Napatigil ako sa pag- iisip ng biglang naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Heart, wag muna ngayon, wag ka munang umasa, masasaktan ka lang.

Sabi ko sa aking isipan.

"Ba't naging mabait ka bigla?" Natatakang tanong ko kay Zyrion.

Ngumiti siya "wala lang pampadagdag points" sabi niya habang may nakakalokong ngiti.

"Tangina...." bulong ko nalang pero alam kong narinig niya iyon.

Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan. Dafuq!

I FELL IN LOVE WITH THE CLOWN PRINCE OF CRIMEWhere stories live. Discover now