MAALINSANGAN ang klima dahil pasado ala-una na ng hapon. Mahaba pa ang pila sa registrar's office at maraming kailangang sulatang papel para makapag-enroll. Inatahe ng pagkainip si Shakira. Hindi pa siya nananghalian dahil akal niya mabilis lang. Huling araw pa naman iyon ng enrollment sa university sa Quezon city kung saan siya nag-aaral. Dapat ay ga-graduate na siya sa taong iyon sa kursong business management pero dalawang taon pa lang ang nabubuno niya. Kasalukuyang enrollment para sa second semester.
Nang tila hindi umuusad ang pila ay nagdesisyon ang dalaga na huwag na lamang mag-enroll. Pangalawang beses na niya iyong ginawa at noong nakaraang taon ay nag-drop siya dahil naaliw siya sa siinalihang banda. Tumutugtog sila sa mga bar tuwing Sabado at regular ang pagtugtog nila sa bar ng best friend niyang si Chacha, kung saan din siya nag-invest ng tatlong daang libong piso mula sa naipong monthly allowance na natatanggap niya sa kanyang mga magulang na nasa New York at abala sa pamamahala ng international hotel and casino na pag-aari nila. Nag-migrate na roon ang parents niya simula noong nakapag-invest roon ng business ang Japanese niyang ama. Nang lumakas ang hotel business ng Daddy niya ay sumunod na roon ang Mommy niya. Ang Kuya Jairo niya ang naiwan sa bansa at namamahala ng Yasaki Manufacturing Corporation.
Nag-iisang anak siyang babae at bunso sa tatlong magkakapatid. Ang Kuya Tanaka niya ang panganay at isang engineer sa malaking kumpanya sa Hongkong. Katuwang pa rin ito ng Kuya Jairo niya sa pamamahala ng kumpanya sa bansa.
Mula sa university ay nagtungo si Shakira sa bar ni Chacha kung saan nagre-rehearse ang ka-banda niya. Simula pagkabata ay mahilig na siyang kumanta. Iyon ang passion niya at iyon talaga ang gusto niyang pagtuunan ng pansin. Subalit hindi alam ng mga magulang niya ang ginagawa niya. Maraming pagkakataon na ang ibinigay sa kanya ng parents niya matapos ang ilang beses na pagbalewala niya sa kanyang pag-aaral. Twenty-three years old na siya at hindi pa natatapos ang kanyang kurso. Marami siyang alibis. Kasehodang na-late siya ng enroll. Walang pagkakataon ata na nag-usap sila ng Mommy niya sa phone na hindi nag-aargumento. Simula noong pinag-almusal siya nito ng sermon ay hindi na niya dinala ang kanyang cellphone. Bumili siya ng bagong cellphone at sim card.
Pagdating niya sa bar ni Chacha ay dumeretso siya sa banyo. Nagbilis siya ng maong na pantalong gulanit ang biyas at itim na blouse. Pinag-isang tirintas niya ang ga-baywang niyang buhok na tuwid at natural ang pagkakaitim. Nagpahid siya ng mapulang lips stick at face powder. Ginuhitan din niya ng eyeliner ang mga mata niya maging ang maninipis niyang kilay. Pagkatapos ay nagtungo siya sa back stage studio kung saan nagsasanay ang mga kabanda niya.
Nang hawiin niya ang itim na kurtinang nagsisilbing pinto ng studio ay napako ang mga paa niya sa sahig nang masulyapan si Joseph na naggigitara. Kumurap-kurap siya. Biglang naglaho sa paningin niya si Joseph at naging si Carlos ito, ang gitarista na pumalit kay Joseph. Saka niya naisip na may limang buwan na palang wala sa grupo nila si Joseph, ang first love niya.
Siya ang babaeng vocalist ng banda na pumalit kay Joseph. Dati ay madalas silang duet ni Joseph sa lahat ng kanta. Maliban sa pagkanta, alam ding gumamit ni Joseph ng kahit anong musical instrument. Doon niya unang hinangaan ang lalaki. Si Joseph ang lalaking nagpatino sa kanya minsan, pero ito rin ang dahilan kung bakit bumalik ang mga bisyo niya at lalong nagpatigas sa ulo niya. Sa edad na biyente-uno ay naging boyfriend niya si Joseph, subalit noong natuklasan ng Mommy niya ang lihim niyang pakikipagrelasyon ay nakialam ito sa kanila ni Joseph. Nang matuklasan nitong nagmula lamang sa simpleng pamilya si Joseph at hindi nakapagtapos ng kolehiyo ay ginawa ng Mommy niya ang lahat para mawala sa buhay niya si Joseph. Inalok pa nito ng sampung milyon si Joseph para lang layuan siya. Nadismaya si Joseph at hindi niya inaasahan na biglang susuko ang binata. Isang araw ay bigla na lang itong naglaho at tanging sulat ang iniwan sa kanya. Subalit hindi ang kanyang ina ang dahilan nito kundi ang katotohanang may malubha itong karamdaman. Nabalitaan niyang mayroon nang stage four leukemia si Joseph. At sa huling buhay nito ay naroon siya sa tabi nito. Ang pagkawala ni Joseph ay siyang dahilan ng pagkawalan niya ng gana sa mga bagay-bagay. Natagpuan niya ang pagiging komportable sa bisyong alak at maglilibang sa bar.
BINABASA MO ANG
The Black Sheep's Nightmare (Complete)
RomanceA Short story romance novel Teaser Nagrerebelde si Shakira nang sabihin ng parents niya na magpapakasal siya sa isang hotel Tycoon na anak ng business partner ng mga ito. Naglayas siya. At dahil sa pagmamaneho na lasing ay isang inosenteng lalaki an...