Chapter Ten

1.3K 74 2
                                    


HUMINTO sa parking lot ng bar si Shakira nang napansin niya na may munting liwanag siyang naaaninag mula sa loob ng kotse niya. Dagli siyang lumapit at binuksan ang pinto sa driver side. Nasorpresa siya nang makita si Jereck na nakaupo sa harap ng manibela at pinapakialaman ang cellphone niya. Iniwan pala niya rito ang susi ng kotse at cellphone niya kaninang nagpi-perform sila sa hotel.

Sa halip na magalit sa bigla nitong pag-alis ay pinaghaharian ng pag-aalala at takot ang puso niya sa akalang naglayas na ito. Noon niya napagtanto na nasanay na siya sa binata at hindi niya malaman ang gagawin kapag nawala ito. Bumaling siya sa kabilang pinto at sumakay. Sinilip niya ang ginagawa nito sa cellphone niya. Naglalaro ito ng candy crash.

"Let's go home," sabi niya.

"May performance pa kayo 'di ba? Maghihintay ako rito hanggang matapos ang trabaho mo," seryosong wika nito.

"Nakapagpaalam na ako sa mga kasama ko."

"You have to choose them. Don't mind me. I just need some fresh air."

Lumabi siya. "Am I offend you? I'm sorry. Dapat nagpasalamat ako sa ipinakita mong concern. Ang totoo, matagal ko nang balak tumiwalag sa grupo dahil nga kay Klint. Hindi siya pioneer ng grupo. Siya ang pumalit sa ex-boyfriend ko. Noong una, okay siya. Pero habang tumatagal ay lumalabas ang tunay niyang ugali," aniya.

"Mahalaga sa 'yo ang banda ninyo. Malamang dahil sa banda kayo nagkakilala ng first love mo. Kaya hindi ako magtataka kung hindi mo basta maiwan ang banda. You can chose them as always. Hindi ang isang katulad ko ang magiging dahilan para tuluyan kang umalis sa grupo."

May kung anong pumipiga sa puso niya. Hindi iyon dahil sa memory ng first love niya, kundi sa bagong damdaming natagpuan niya kay Jereck.

"Ano man ang desisyon ko, walang kinalaman doon ang first love ko o ang banda. Na-realize ko na malaki rin ang binago ng kabanda ko sa pagkatao ko. Inaamin ko na sa kanila ko natutunan ang bisyo sa alak at sigarilyo. I also admit that they are not a problem, it's me."

"And why you chose to leave them aside of Klint?" usig nito.

Iniisip niya ang magangdang sagot sa tanong nito. Minsan na niyang naisip na higit pa ang nagawang impluwensiya ni Jereck sa buhay niya kaysa sa first love niya. Mas mabilis siyang napapalambot ni Jereck. At tila mas mabilis ding nahuhulog ang loob niya rito.

"Naisip ko lang, it's enough time to move on and accept the other opportunity," sagot niya.

"Opportunity for what?"

Hindi niya ito sinagot. Gusto muna niyang mag-explore at pag-aralang mabuti ang feelings niya para kay Jereck. Natatakot siyang tuluyang ma-in love rito gayong alam niyang wala iyong kasiguruhan. Baka matutulad lang ang sitwasyon sa mga napapanood niyang romance drama at nababasang novels na na-in love ang girl sa may amnesia na lalaki at sa huli ay matutuklasan niya na kasal na ito. Ayaw niyang maramdaman ang naramdaman ng mga bida sa kuwento.

"Umuwi na tayo," sabi niya pagkuwan.

"Are you sure?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Hindi na naman siya nakasagot nang napansin niya ang pamilyar na puting Toyota Inova na pumarada sa tabi ng kotse niya. Nang bumaba ang lalaking driver ay ganoon na lamang ang kabog ng dibdib niya. It was her brother Jairo, wearing his black suit and red rimmed eyeglasses.

Napamilyar ata nito ang kotse niya kaya ito pasipat-sipat sa katawan ng kotse niya. Dagli siyang yumuko.

"Hey! What's wrong?" 'takang tanong ni Jereck.

"Ang Kuya ko," aniya.

"Alin? 'Yang lalaki sa labas?"

"Oo."

The Black Sheep's Nightmare (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon