TINAWAG kaagad ni Shakira ang doktor nang mapatunayang walang maalala na kahit ano ang lalake. Sinuri naman kaagad ito ng doktor at kinompirma nito na nagkaroon ng temporary amnesia ang lalaki. Lalo lamang siyang kinabahan. Hindi niya malaman ang kanyang gagawin. Nangako siya sa lalaki na tutulungan itong mahanap ang kaanak nito.
Nang ma-discharge sa ospital ang lalaki ay nagdesisyon siya na dalhin na muna ito sa tinutuluyan niyang apartment. Mabuti na lang malaki pa ang savings niya sa bangko bago naputol ang sustento niya mula sa kanyang mga magulang.
"Is this your house?" tanong ng lalaki pagdating nila sa apartment.
Inalalayan niya ito sa pagpasok. Binilihan niya ito ng saklay dahil hindi pa magaling ang pilay nito sa kanang binti.
"Oo, pansamantalang tirahan. Umuupa lang ako rito," sagot niya.
Magaling ding magsalita ng Tagalog ang lalaki. Malamang matagal din itong tumira sa Pilipinas at sigurado siya na may dugo itong pinoy. Pinaupo niya ito sa sofa.
"Wala ba akong gamit?" tanong nito.
"Wala. Pinuntahan ko ang hotel na malapit sa pinangyarihan ng insedente at ipinakita ko ang picture mo na nasa cellphone ko pero walang nakakakilala sa 'yo. Hindi ko alam kung saan ka nanggaling noong gabing nabangga kita. Wala ka man lang wallet na sana ay makitaan ko ng ID. Wala ka ring cellphone. Siguro tumalsik noong nabangga kita at hindi ko na napansin dahil sa pagkataranta. Malamang napulot na 'yon ng mga dumadaan," kuwento niya, habang inaayos ang mga pinamili niyang gamit para sa lalaki.
"Shakita," bigkas nito.
"No. I'm Sha-ki-ra," pagtatama niya.
"Alright, Shakira. Naisip ko lang kung paano mo ako nabangga. Lasing ka ba na nag-drive?" deretsong usisa nito.
Nagtagis ang bagang niya. Ayaw niyang magsinungaling. "Uminom ako pero hindi pa ako masyadong lasing. Iniwasan ko ang tumawid na aso pero hindi ko napansin na naroon ka sa tabi at sana'y tatawid ng kalsada."
"Kasalanan mo pa rin ang nangyari."
"I admit. Kinargo ko ang hospital bills at nasa iyo kung kakasuhan mo pa ako," aniya.
"That's not my concern now. Let's set aside about the incident. Now, would you suggest a temporary name for me?" pagkuwan ay sabi nito.
"Jereck," mabilis niyang sagot. Hindi niya masyadong napag-isipan ang pangalan. She just love letter 'J'.
"Sounds good. I like it," wika ng lalaki. Pinagmamasdan siya nito na tila binabasa ang nasa isip niya.
Naging uneasy siya at bigla na lang dumapo sa isip niya ang kanyang first love.
"You look sad. I feel strange in your aura," mamaya ay puna nito sa kanya.
Uminit ang bunbunan niya. Tumayo siya ng tuwid pero hindi siya nag-abalang tingnan ang lalaki. Ayaw niya sa lahat na pinupuna siya.
"Consulting my feelings was not your business. Stay here. I will prepare your room," aniya saka iniwan ang lalaki.
Isinasalansan ni Shakira sa mini closet ang mga damit na binili niya para kay Jereck. Natigilan siya nang maramdaman niya ang presensiya ng lalaki na pumasok. Maingay ang saklay nito.
"Can I do that? Hindi pa naman ako disabled, eh," sabi nito.
"Kailangan mong magpahinga. Aalis ako mamayang hapon kaya maiiwan ka rito. Mag-iiwan na lang ako ng pagkain," sabi niya saka ipinagpatuloy ang ginagawa.
"Where are you going?" tanong nito.
"Magtatrabaho ako sa bar ni Chacha. Cashier ako roon. Hanggang ten pm ang duty ko."
BINABASA MO ANG
The Black Sheep's Nightmare (Complete)
RomansaA Short story romance novel Teaser Nagrerebelde si Shakira nang sabihin ng parents niya na magpapakasal siya sa isang hotel Tycoon na anak ng business partner ng mga ito. Naglayas siya. At dahil sa pagmamaneho na lasing ay isang inosenteng lalaki an...