PASADO alas-onse na ng gabi nakauwi si Shakira dahil nag-rehearse pa siya para sa kakantahin niya sa Sabado. Pagpasok niya sa apartment ay nadatnan niya si Jereck na nakahiga sa sofa habang natutulog. Nagising ito nang isara niya ang pinto. Nakasuot lamang ito ng pulang jersey short pants at puting T-shirt. Umayos ito ng upo nang makita siya. Sinipat nito ang suot na relong pambisig.
"It's already quarter to twelve," sabi nito.
Inilapag niya ang paper bag na dala niya sa center table. Brandy ang laman niyon at buong lechon manok.
"Mas maaga pa ito kaysa sa regular kong pag-uwi," sagot niya.
"Aside of your work, what do you do outside at night?" usisa nito.
Naiinis siya. Ayaw niya sa lahat na may nag-uusisa sa mga ginagawa niya. "I'm also a part time vocalist of a local band. After ng duty ko, nagre-rehearse ako. Kumain ka na ba?" aniya. Inilabas niya ang maliit na bote ng brandy sa paper bag at ang naka-styro box na lechon manok.
Mabusising tinitingnan ni Jereck ang inilabas niya sa bag. "Kumain ako ng alas-kuwatro ng hapon pero hindi ako naghapunan. Hinintay kita na darating ng alas-diyes. Umiinom ka ba ng alak?" anito saka nagtanong.
"Yes. Pampatulog lang," sagot niya.
"That's not good for you?" komento nito.
"Why not? Liquor has an element that temporary ease some bad emotions."
"But liquor can't solve your problem," buwelta nito.
"I know that. But at least, it helps me a lot to escape the reality."
"Do you hate your life? Do you have family?"
Hindi siya sumagot. Itinago niya ang inis niya. Kumuha siya ng shot glass at sinalinan ng brandy. Lumuklok siya sa sofa'ng katapat ni Jereck.
"Kumuha ka ng kanin at kumain. Hati tayo sa lechon manok," sabi niya.
"You have to eat rice first," sabi nito.
"Kumain na ako ng kanin sa bar kanina. Sa susunod, huwag mo na akong hintayin. Kumain ka at matulog pagkatapos."
Tumayo naman si Jereck at nagsasaklay patungong kusina. Pagbalik nito ay may dala na itong platong may kaunting kanin. Bumalik ito sa tapat niya at umupo.
Inisang lagok niya ang laman ng shot glass niya. Sinisikmura siya kaya dumukot siya ng isang stick ng sigarilyo sa kahon nito. Inipit na niya sa kanyang bibig ang puno ng sigarilyo at sana'y sisindihan ng lighter ngunit nagulat siya nang biglang kunin ni Jereck sa bibig niya ang sigarilyo. Awtomatikong tumitig siya rito.
"Cigarette will destroy your organs. Hindi rin ako natutuwang tingnan ang babaeng katulad mo na gumagamit nito. Bumababa ang tingin ko sa kanila at honestly, nakakairitang tingnan. Do you know that most of people died because of cigarette smoke including infant and kids?" prangkang sabi ng lalaki.
Natigagal siya. Sa tanang buhay niya, hindi siya nakarinig ng ganoong litanya kahit kay Joseph. Sinasaway siya pero hindi siya nakakarinig ng ganoong salita at mula pa sa isang taong may amnesia. Hindi niya inaasahan na ganoon ka prangkang magsalita ang lalaking ito. And for the first time, she felt discomfort.
Itinapon nito sa malapit na trashcan ang sigarilyo. Hindi na lamang siya nagpumilit magsindi ng sigarilyo. Sinalinan niya ulit ng brandy ang baso niya pagkatapos ay pumapak siya ng lechon. Tahimik na ring kumakain si Jereck.
Natapos nang kumain si Jereck pero patuloy pa rin sa pag-inom ng brandy si Shakira. Inaasahan niya na papasok na sa kuwarto nito si Jereck pero nanatili ito sa harapan niya at pinapanood siya.
"What are you waiting for? You should go to sleep," mataray na sabi niya rito. Umiepekto na rin ang alak sa sistema niya.
"Hindi ako inaantok. Ikaw, kailan ka ba matatapos sa ginagawa mo?" balik nito.
"Dalawang shot na lang, matutulog na ako," aniya.
"Namumula ka na. Namumungay na rin ang mga mata mo," puna nito.
Dahil sa epekto ng alak ay hindi niya nakokontrol ang inis niya. Hindi niya gusto ang pangingialam ng lalaki sa ginagawa niya.
"Please stop acting like you know me already. Wala kang karapatang punain ang mga ginagawa ko dahil kung tutuusin, ni katiting wala kang alam sa buhay ko. You're still a stranger. Matulog ka na bago ako tuluyang mainis sa 'yo," sabi niya sa basag na tinig.
"I feel that. I know you hate me but I don't care. You put me in this situation so be nice to me. And to be honest, I hate your guts at the first time I met you," walang gatol na sabi nito saka ito tumayo at naglakad habang may saklay patungo sa kuwarto nito.
Tulalang nakatitig si Shakira sa iniwang sofa ni Jereck. Nilamon siya ng guilt at iritasyon sa kanyang sarili. Inisang lagok niya ang laman ng baso niya. Pinukaw ng mga salita ni Jereck ang emosyon niya. Udyok na rin ng alak, hindi niya napigil ang kanyang damdamin. Kasabay ng pag-alala ng kanyang sitwasyon ay bigla siyang napahagulhol.
HINDI pa tuluyang isinara ni Jereck ang pinto ng kuwarto. Narinig niya ang malakas na hagulhol ni Shakira. Sinilip niya ito. Naramdaman niya ang bigat na dinadala ng puso nito. Wala siyang maalala na kahit ano pero siguro human nature na niya ang nagdadala sa katawan niya. Naiinis siya sa dalaga dahil sa sinapit niya at nadagdagan pa ang inis na iyon nang matuklasan niya ang bisyo nito. Pero sa nakikita niya ngayon ay biglang naglaho ang inis niya.
Nararamdaman niya na may mabigat na pinagdadaanan ang babae kaya ito nagkakaganoon. Ang inis niya'y nahalinhan ng awa. Hindi pa niya lubos na kilala si Shakira pero may nararamdaman siyang magandang side nito.
Hindi dapat niya kaagad husgahan ang dalaga. Pagbibigyan niya ito ng pagkakataong mapalapit sa kanya. Kailangan din niyang pakisamahan ito dahil ito lang ang makakatulong sa pagkakataong iyon para maibalik ang alaala niya.
Nang muli niyang silipin ang dalaga ay tumigil na ito sa pag-inom. Nang mapansin niyang nakahiga na ito sa kama ay marahan siyang naglakad palabas at nilapitan ito. Nakapikit na ito. Hindi na masyadong makirot ang binti niya at naigagalaw na niya pero kailangan pa rin niya ng saklay para makapaglakad nang maayos. Iniligpit niya ang kalat sa mesa. Ang natirang lechon manok ay ipinasok niya sa refrigerator.
Hindi niya mabubuhat ang dalaga dahil sa kalagayan niya. Kinuha na lamang niya ang isang unan niya at kumot. Marahang iniangat niya ang ulo nito saka nilagyan ng unan saka ito kinumutan. Nang iiwan na niya ito ay napahinto siya nang magsalita ang dalaga.
"J-Joseph... 'wag mo 'kong iwan..." bigkas nito habang nakapikit.
Noon niya napatunayan na may mapait na nakaraan ang dalaga na siyang nagpapabigat sa kalooban nito. Nang mahimbing na ang tulog nito ay iniwan na niya ito.
BINABASA MO ANG
The Black Sheep's Nightmare (Complete)
RomanceA Short story romance novel Teaser Nagrerebelde si Shakira nang sabihin ng parents niya na magpapakasal siya sa isang hotel Tycoon na anak ng business partner ng mga ito. Naglayas siya. At dahil sa pagmamaneho na lasing ay isang inosenteng lalaki an...