Chapter Four

1.6K 71 2
                                    


NAGISING si Shakira nang manoot sa ilong niya ang mabangong ginisang bawang at sibuyas. Bumalikwas siya ng upo nang madama niya ang pamumulikat ng kanang binti niya. Marahan niya itong hinihilot. Nang kumalma ang kirot ng binti niya ay saka lamang niya namalayan na hindi siya sa kuwarto niya nakatulog.

Napatingin siya sa gawi ng kusina. Doon nagmumula ang mabangong niluluto. Biglang humilab ang sikmura niya. Tumayo siya at mahinhing humakbang patungong kusina. Nasorpresa siya nang mamataan niya si Jereck na nagluluto suot lamang ay itim na jersey pants at tanging pulag apron ang suot nito pan-itaas. Naggagalawan ang mga nagkaparte-parteng muscles nito sa likod habang hinahalo nito ang niluluto sa kawali gamit lamang ang kaliwang kamay dahil ang isa'y nakaalalay sa saklay nito.

"You should take more rest, first," walang excuse na sabi niya.

Bahagyang nagulat ang lalaki at marahas na lumingon sa kanya. Nakaangat ang katamtamang kapal na mga kilay nito habang walang kurap na nakatitig sa kanya.

"Hindi mo dapat ginagawa 'yan," patuloy niya.

Ibinalik ni Jereck ang tingin sa niluluto nito. "It's eight o'clock in the morning. Suppose to be it's a perfect time for breakfast but I'm still cooking. I'm hungry and I guess you too. Just take your seat and wait for the fried rice. I've done cooking sausage and scrambled eggs," wika nito.

"I'll take a bat first," sabi niya saka nagtungo sa kanyang kuwarto.

Tuluyang nawala ang antok at pananamlay ni Shakira matapos ang halos kalahating oras na pagligo. Nagsuot lamang siya ng manipis na puting T-shirt at maigsing maong pants na hantad ang makikinis at mahahaba niyang hita.

Pagbalik niya sa kusina ay nakahain na ang almusal. May umuusok pang instant crab and corn soup. Nakaupo na si Jereck sa silyang nasa dulo ng mesa. Hindi pa ito kumakain. Natigilan siya nang mapansing pinapasadahan siya nito ng tingin. Saka niya napansin na sa sobrang nipis ng T-shirt niya ay bumabakat at visible nang kaunti ang kanyang dibdib. Tumitig din si Jereck sa hita niya. Nag-abala pa siyang hatakin ang pants niya pababa.

"Is something wrong?" untag niya.

"No, but you look uncomfortable in that cloths. I can wait while you take it off," walang gatol na wika nito.

May kung anong bumara sa lalamunan niya. She swallowed away the uncomfortable truth. She's not prepared for his boldness.

"Komportable ako sa suot ko. Hindi ko kailangang mag-adjust kung hindi mo gusto ang pananamit ko," sabi niya saka siya umupo sa silyang katapat nito.

"Hinihila mo kasi pababa ang laylayan ng pants mo so I thought you're not comfortable. Sorry. This is your house. If you choose to wear your shirt and sexy short, I guess it's your business. Anyway, enjoy our breakfast. I'm not sure if I have talent in cooking but I tried basic breakfast menu," sabi nito.

Hindi na niya pinansin ang pagpuna nito sa damit niya. "You're not fully recovered so please don't force yourself to work. What ever happens to you, it's my responsibility," sabi na lamang niya.

"But I'm hungry. Ayaw kong maghintay kung anong oras kang magigising. Hindi na kita nailipat sa kuwarto mo kagabi dahil nahihirapan pa akong magbuhat ng mabigat."

"Enough. Kumain ka na. Mamaya pag-iisipan ko kung paano aayusin ang schedule ko. Sa ngayon ay hindi ko pa maaasikaso ang paghahanap sa kaanak mo. Marami pa akong iniisip," aniya.

"Take your time. Kapag tuluyan akong gumaling ay tutulong ako para madali akong mahanap ng kaanak ko."

Hindi na siya kumibo. Tahimik siyang kumakain. Hindi na masama. Masarap ang fried rice na niluto ni Jereck. Ang totoo problemado siya dahil wala siya masyadong alam na lutuin. Natuto lang siyang magluto ng adobo dahil tinuruan siya ng yumao niyang nobyo. Ni pagsaing nga noon ay hindi niya alam. Kahit paglalaba ay hindi pa niya magawa nang perpekto. Tinuruan siya ni Joseph kung paano mamuhay nang simple at maging independent.

The Black Sheep's Nightmare (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon