ISANG linggo ang lumipas.
Hindi na muling lumiban sa trabaho si Shakira lalo pa't ipinagkatiwala sa kanya ni Chacha ang bar habang nasa bakasyon ito kasama ang fiance nitong si Daniel. Nakatakda ang kasal ng best friend niya sa susunod na buwan. Naiingit siya rito. Pumayag din siya sa pamimilit ni Jereck na mag-extra ito bilang waiter sa bar ni Chacha. Sabay silang pumapasok at umuuwi.
Namangha siya nang malamang may knowledge sa business si Jereck at marami itong naging suhesyon para mas mapalakas ang bar ni Chacha. Pumayag si Chacha sa suhesyon ni Jereck na magdagdag ng lodge at KTV, tutal maluwag pa ang space ng establismento. Maliban sa gabi-gabing banda, nagdagdag din sila ng mga bar games para makahikayat ng maraming costumer. Mayroon na ring offer na eat all you can ang restaurant at unlimited cocktail tuwing Sabado.
Kinagabihan ng Linggo ay dumating si Chacha. Naabutan pa siya nito sa accounting office na gumagawa ng weekly income report.
"Napansin ko bigla kang nag-mature, best," ani Chacha, habang nakatayo ito sa tabi niya.
"Paano mo naman nasabi 'yan?" aniya habang abala sa pagtipa sa keyboard ng computer.
"Nawala ang bisyo mo. Nagka-interes ka sa paperwork at subsob na trabaho. At obvious na interesado ka na sa business industry. Epekto ba 'yan ng pagdating ni Jereck sa buhay mo?" anito.
Ngumiti siya. "Gano'n na nga siguro. Masaya ako sa nangyayari sa amin ni Jereck," wika niya.
"Pero may amnesia pa rin siya. Paano kung bigla siyang makaalala at malaman mo na may mahal pala siyang iba, or kasal na siya. Usually ganoon ang posibilidad at madalas nangyayari. Nag-aalala lang ako sa 'yo. Seryoso ba kayo sa mga nararamdaman ninyo?" nababahalang usig ni Chacha.
Napatda siya. Nabuhay nang muli ang takot niya. Hindi na niya nagawang magsalita nang dumating si Jereck. Nagyayaya na itong umuwi.
Nauna na si Jereck sa kotse niya. Pagkuwan ay nagpaalam na siya kay Chacha. Pagdating niya sa counter ng bar ay nasorpresa siya nang makita roon ang Kuya Jairo niya. Iginiya niya ito sa bakanteng mesa para makapag-usap sila nang maayos.
"Uuwi si Daddy rito next week para sunduin ka," batid ni Jairo.
Parang nasamid si Shakira, hindi siya kaagad nakapagsalita. "B-bakit?" natatarantang tanong niya.
"He will force you to go with him in New York. You don't have choice, my dear sister. Huwag mo nang hintayin na gumamit ng tauhan niya si Daddy para sapilitan kang iuwi. Umuwi ka na sa bahay bago siya dumating."
May kung anong pumipiga sa puso niya. Alam niya mahihirapan siyang iwasan ang Daddy niya. Naguguluhan na siya. Iniisip niya si Jereck. Hindi puwedeng iwan niya ito.
"Give me time for it, Kuya, please," samo niya.
"But it's over, Sha. Si Daddy na ang makakalaban mo. You know him."
"No! I'm sorry," aniya saka siya bumalikwas ng tayo. Tumakbo siya palabas ng bar.
Nagtungo kaagad siya sa kanyang kotse at binuhay ang makita.
"What happened?" 'takang tanong ni Jereck na nakaupo sa tabi niya.
Nagbabanyang pumatak ang luha niya ngunit pilit niyang pinatibay ang loob niya. Nagmaniobra siya at nang makarating sa kalsada ay pinaharurot niya ang sasakyan.
"Calm down, Sha. May humahabol ba sa atin?" balisang sabi ni Jereck.
"Wala. Inaantok na kasi ako," sagot niya.
"Drive slowly, makakarating din tayo," anito.
Kumalma rin siya at bumagal ang pagmamaneho niya. Napa-paranoid na siya. Iniisip niya na baka pagdating sa apartment ay nakaabang doon ang Daddy niya. Pagdating nila ay kaagad siyang pumasok sa kuwarto niya. Hindi naman siya inabala ni Jereck. Dahil sa pagdaramdam ay mabilis siyang nakatulog.
BINABASA MO ANG
The Black Sheep's Nightmare (Complete)
RomanceA Short story romance novel Teaser Nagrerebelde si Shakira nang sabihin ng parents niya na magpapakasal siya sa isang hotel Tycoon na anak ng business partner ng mga ito. Naglayas siya. At dahil sa pagmamaneho na lasing ay isang inosenteng lalaki an...