HINAYAAN ni Shakira na matulog si Jereck. Hindi pa napuno ng pasahero ang bus ay lumarga na ito. Inaantok siya pero ayaw niyang matulog. Nahihilo kasi siya kapag natutulog sa ganoong klaseng sasakyan. Sa tabi talaga siya ng bintana natulog dahil gusto niya na nakikita ang labas. Payapa pa ang takbo ng bus dahil walang pumapara para bumaba. Hindi na niya napigil ang antok niya.
Nang biglang huminto ang bus ay naalimpungatan si Shakira. Napatingin siya kay Jereck na sumubsob ang mukha sa kanyang balikat. Bigla itong nagising at dumaing habang hinihipo ang nasaktang ilong.
"Ano ba ang nangyayari? Bakit biglang huminto?" tanong nito.
"Nasa bus tayo. Huminto dahil may sumakay," sagot niya.
Palinga-linga sa paligid si Jereck. May ilang pasaherong malapit sa kanila ang napapatingin sa kanila. Napapansin niya ang pananamlay ng binata. Tumatakbo na ulit ang bus. Alas-sais na ng umaga.
"Nagugutom ka ba? May sandwich dito," aniya.
Umiling ito. "Sinisikmura ako," reklamo nito.
"Kumain ka ng candy." Naglabas siya ng candy saka binigay rito. Sumubo naman ito ng candy.
Mamaya ay nakatulog na naman si Jereck. Humimlay na ang ulo nito sa balikat niya. Habang pasan niya ang bigat ng ulo nito ay hindi niya nalimitahan ang kanyang sarili na pagmasdan ang nahimbing nitong mukha. Umaalog ang bus kaya minsan ay nahuhulog ang ulo nito. Para hindi ito maistorbo sa pagtulog, marahan niya itong pinaunan sa mga hita niya.
Pagkalipas ng isang oras ay muli na namang huminto ang bus dahil mayroong pumara. Nagising pa rin si Jereck. Umupo ito nang maayos pero mayamaya rin ay muling nakatulog. Hinayaan niyang humimlay ulit ang ulo nito sa balikat niya. Inalalayan lang niya ang ulo nito. Hindi na niya napigil ang antok. Pumikit na lamang siya.
Nang muling huminto nang biglaan ang bus ay kumislot si Shakira. Ganoon din si Jereck.
"Shit! Bakit pabigla-bigla namang humihinto?" reklamo ni Jereck nang mairita na ito sa maya't-mayang paghinto ng bus. Napalakas pa ang boses nito.
Maagap na tinakpan ni Shakira ng palad ang bibig nito. Napatingin sa kanila ang ibang pasahero maging ang kondoktor ng bus.
"Huwag kang maingay. First time mo bang sumakay ng pampasaherong bus?" aniya.
"I don't know but I hate this. I'm not comfortable." angal nito.
"Normal lang ito sa mga pampasaherong bus. Maya't-maya kasi ay may bumababa at sumasakay kaya pahinto-hinto," paliwanag niya rito.
"Ilang oras pa ba bago tayo makakarating sa lokasyon natin? What time is it? Where we going?" palatak nito.
"Malapit na tayo," sabi na lamang niya para tumahimik na ito.
Hindi na umimik si Jereck. Inalok niya ito ng sandwich pero tumanggi ito. Napansin niya na namumutla ito at namumungay ang mga mata.
"Are you alright?" nag-aalalang tanong niya rito.
"Nahihilo ako," reklamo nito.
Bigla siyang kinabahan. Hindi manlang niya naisip na baka hindi sanay bumiyahe si Jereck sakay ng bus. Mabilis na ang takbo ng bus dahil papasok na sila sa probinsiya.
Natataranta na siya. Ayaw kumain ni Jereck ng kahit ano. Hindi na rin ito makatulog. May ilang oras pa bago sila makarating sa La Union. Baka bigla itong magsuka.
"Para akong masusuka," sabi ng binata.
Hindi na niya malaman ang gagawin. Naghagilap siya ng plastic bag sa bag ng pagkain nila. Kinuha niya ang dalawang plastic bag na pinaglagyan ng mineral water. Saktong dumuwal si Jereck ay nailapit niya rito ang plastic bag. Tinitingnan sila ng mag-asawang senior citizen na nakaupo sa hanay nila. Hinahagod niya ang likod ni Jereck hanggang sa mahimasmasan ito. Ginamit na niya ang panyo niya para malinis nito ang bibig. Namumula ang mukha nito. Binigyan din niya ito ng tubig.
BINABASA MO ANG
The Black Sheep's Nightmare (Complete)
RomanceA Short story romance novel Teaser Nagrerebelde si Shakira nang sabihin ng parents niya na magpapakasal siya sa isang hotel Tycoon na anak ng business partner ng mga ito. Naglayas siya. At dahil sa pagmamaneho na lasing ay isang inosenteng lalaki an...