IIWMBF : Chapter 20

124 4 2
                                    

Daniel's POV

Yes! This is it, ito na pupunta na kami ng tagaytay at susunduin na namin si Kath.

Papunta na kami sa kanya at nandito na kami ng tropa sa loob ng van.

Nagkukulitan, naghaharutan at kung ano-ano pang ginagawa nila.

Nanguha nalang kami ng driver namin baka kasi mapagod din kami sa byahe.

"Hoy ano ba, ang ingay ingay naman nila oh. May natutulog dito sa likod oh." pag-iinarte ni Lester.

"Sorry naman diba?" Julia

"Julia you don't need to say sorry, kung ayaw mo maistorbo sa iyong pagtulog dapat hindi ka nalang sumama at sa bahay nyo nalang ikaw natulog. Dun I'm sure walang mang-iistorbo sa iyo. or mag-iingay okay?" Bianca

"Che! Ewan ko sayo."

"Oi oi Lester tama na yan. Matulog ka nalang ulit dyan." Ako

"Huh?! Sus, naman pre sa tingin mo pano pa ako matutulog eh naabala na nga?"

"Pre naman malapit na tayo kila Kath matutulog ka pa ba?" JC

"Eh mahaba pa naman ang byahe papuntang tagaytay eh."

"Ang sabihin mo kulang ka sa tulog dahil nagpuyat ka nanaman kanina. Kaya ayan tuloy inaantok ka nanaman." Seth

"Tama." sabay sabay na naming sabi.

"Pre naman eh ang KJ KJ mo talaga." Kats

"Oo na! Whatever you say."

At hindi na namin namalayan na nandito na pala kami sa labas ng bahay nila Kath.

*BEEP BEEP*

At nakita na namin lumabas si Kath sa gate nila.

"Ayan na si Kath, ready na sya." Dindi

At pumasok na nga sya ng sasakyan.

"Hi Kath I'm sure excited kana mamaya?" Julia

"Oo naman."

"Ilang oras nalang ang byahe at malapit na tayo." Bianca

Tutal malaki naman ang sasakyan... Kaming mga lalaki ang nasa likod at ang mga babae naman ang nasa harapan namin.

Panay nga ang pangungulit namin sa kanila eh.

"Tss ano ba ang kulit nyo naman eh." sabi ni Kath. halatang naiinis na sa ginagawa namin sa kanila.

Oo nga naman sino ba naman kasi ang hindi makukulitan sa amin?

"Hayaan muna sila Kath, bumabawi lang naman si Lester sa amin eh." Dindi

"Huh? Bakit naman?"

"Eh kasi pano ba naman ang kukulit namin kanina dito yan tuloy naabala pa namin ang mahimbing nyang tulog." pagpaparinig ni Julia kay Lester.

"HAHAHA! Buti alam nyo. " Lester

"Hayy nako tama na nga yan! Ang mabuti pa kumain nalang tayo, ito oh sandwich." alok ko sa kanila.

"Wow Foods! Tnx Daniel." Kats

"Go Kats, lamunin muna yan." Seth

"Wow ah sama mo naman?" JC

"HAHAHA!!!"

"Oh ito pa inumin." Bianca 

Pagkatapos naming magkwentuhan, kumain, magkulitan at kung ano-ano pa natulog muna kami.

Mukhang mahaba-haba pa naman ang byahe.

Para naman mamaya eh may lakas uli kaming gumala, at tumulong sa mga bata sa ampunan.

"Oh, DJ hindi ka pa ba matutulog? Mahaba pa ang byahe natin." sabi ni manong driver.

"Ahh hindi pa naman po ako inaantok eh."

"Kung gayon eh maghanap ka muna ng malilibangan mo, dahil sabi ko nga kanina mahaba pa ang byahe natin. Tsaka isa pa tulog na rin silang lahat oh."

"Sige po." 

Matapos akong gumawa ng kung ano-ano at magpa-antok, sa wakas mabilis naman ako nakatulog dahil sa antok ko.

After an hours...

Ramdam kung may gumigising sa akin kaya naman naalipungatan ako. "...Hoy DJ gising na!" sus kung sino ka man sinusumpa kita, ang sarap sarap ng tulog ko dito eh.

Pagkamulat ko ng aking mga mata sila Lester at Kats pala yung gumigising sa akin.

"Dude naman later na, inaantok pa ako eh."

"Hep hep hep! Ang haba na nga ng tulog mo eh, sige na bangon na dyan nandito na tayo." Lester

"Oo nga naman. Yes ito na i'm so excited haha!" Kats

"Tara gala muna tayo tapos punta na tayo sa bahay ampunan para tulungan at bisitahin ang mga bata." Kath

"Sige pala mga iho at iha dito ko nalang kayo hihintayin sa sasakyan."

"Ok po!" sagot naming lahat kay manong driver.

At pagbaba namin ng van.

Wow lang ang dami mung makikita. Puro souveneirs at balak namin bumili nyan mamaya.

Naglibot-libot muna kami dito at nagtingin-tingin.

Picture picture din at marami pang iba. Hindi nga nakakasawa yung mga pinag-gagagawa namin dito eh.

Napaka-memorable naman ng day na 'to.

Sobrang saya naming lahat. Libo't dito libo't doon.

"Guys, bili tayo nun oh. Ang cu-cute eh." Bianca

"Sure tara!" Dindi

At bumili na nga kami ng kung ano-ano.

"Ako papasalubungan ko sila mama, papa pati na rin ang mga kapatid ko." Julia

"Kami rin." Lester, Seth, at Kats

"Kuya pwede na ba ito kila mama? Tsaka na rin kila Carmela at Maggie?" tanong sa akin ni JC.

"Mahal na mahal mo talaga ang mga kapatid mo noh?" tanong naman ni Kath kay JC

"Syempre naman! O, ano na kuya?"

"Oo naman! Pwedeng-pwede na yan, matutuwa na nyan sila."

Pano ba naman stuff toys at mga damit at kung ano-ano pang magagandang souveneirs ang ibibigay ni JC. Bait talaga. 

Matapos ang ilang oras pang gala at pag lilibot natapos na kami at lahat nag-enjoy.

Sa ngayon magpapahinga muna kami sa isang retreat house.

Tapos bukas pupunta na kami sa bahay ampunan kung saan namin bibisitahin ang mga bata.

________________________________________

ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. :)

READ|BE A FAN|VOTE|LIKE|COMMENT

I'm Inlove with my Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon