IIWMBF : Chapter 9

146 2 0
                                    

Grabeee nakita namin si Daniel Padilla at Seth Gothico sa personal nung August 24, 2012 sa Harbor Point, Ayala. Sobrang gwapo at cute nila promise tapos ang puti puti ni DJ. Worth it yung 3 hrs. na paghihintay. <3

(Tignan niyo na lang po yung picture nila Daniel at Seth--------------->>>)

__________________________

(SCHOOL)

Nandito na ako sa school at dumaan muna ako ng canteen upang bumili ng pagkain. Ayoko bumaba mamaya umiiral nanaman ang pagkatamad ko.

"Pabili nga po ng isang piatos at tubig tapos yung sukli mentos nalang po." at inabot kuna sa tindera ang bayad.

"Ito na oh!" sabay abot niya sa akin.

"Salamat po." sabi ko.

Pagkatapos nun umakyat na ako sa hagdan at pumunta muna ako sa locker. May kukunin at ilalagay din kasi ako dun.

"KATH!"

Napatingin ako sa may biglang tumawag sa akin. At pansin kong si......

"O, DJ ikaw pala!"

"Tulungan na kita diyan, ang dami mong dala eh." DJ

"Nako, wag na ok lang no."

"Sige na ok lang sa akin." Pagpupumilit niyang sabi.

"Sabi ko wag na nakakahiya kaya." para kaming mga bata na nag-aagawan ng laruan. Yun nga lang libro yung pinagtatalunan namin.

"Sus, Kelan ka pa nahiya sa Bestfriend mo. Ha, Kath?!"

"A-Ah Ba-Basta!"

"Sige na Kath para kahit ngayong araw lang maging gentleman ako. HAHA!"

"Haha! Baliw ka talaga." nag-aagawan pa rin kami ng libro.

Nang biglang............

"Yan kasi ang kulit kulit mo eh! Sabi ko kasing ako na, kaya ko naman kasi eh." pano ba naman nahulog yung mga libro sa sahig.

"At ako pa talaga ang may kasalanan ah! Eh kung binigay muna kanina pa yan edi wala na sanang problema."

"Ewan ko sayo."

Pupulutin kuna sana ang mga libro, pero bigla nalang akong nagulat nang tinulungan ako ni DJ. Ala nga namang titigan niya lang akong pulutin ang lahat ng ito.

Hindi na namin napansin na sabay na pala naming napulot ang libro, edi parang magka-holding hands kami ngayon.

Tapos nagkatitigan din kami ng ilang minuto.

Nang biglang........

*Riiiinnnggg Riiiiiiiinnnggg*

Buti na lang at biglang nag bell at dahil doon, bigla na lang akong natauhan.

At pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, agad na akong tumayo at umayos ng pagkakatayo ko.

"A-Ah I-Ikaw kasi eh." sisi kong sabi sa kanya.

"Ako?"

"Sabi kasi sayo ako na. Ok lang naman ako eh, tsaka kaya ko naman bitbitin yun ng mag-isa."

"Sus, pero Kath Bestfriend mo ako."

"Kaya dapat hindi kana mahihiya sa akin?!" Ano ba yan DJ yan na lang lagi ang sinasabi mo, magic word mo ba yan?" nakakainis na eh, paulit ulit na lang.

"Mag thank you ka na lang dahil tinulungan kita."

"THANK YOU!"

"Oh teka teka bakit parang labag sa kalooban mo yang sinabi muna thank you?!"

"Ano pa bang gusto mong thank you? Wag kana nga umarte diyan, atleast nagpasalamat ako sayo kahit papaano."

"O, Sige na nga! Tara na."

"Oo na."

"Ayy, galit?!"

"Hindi no."

"Para namang iniiwasan mo ako?"

"Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya.

"A-Ah eh W-Wala." nauutal-utal niyang sabi.

Yung huling sinabi niya hindi ko narinig ang hina eh. Ano kaya yun?

Pero hindi muna yun ang pro-problemahin ko, exam muna ang pagtutuunan ko ng pansin.

Papunta na kami sa classroom namin at habang naglalakad kami, para bang unti-unting nag fla-flashback sa utak yung mga nangyari kanina.

Lalo na yung nahulog yung mga libro at tinulungan ako ni DJ tapos yung mga kamay namin. Yung mga titig niya nakakatunaw.

"Ano ba naman yan Kath! Mag-focus ka nalang sa exam mo." bulong ko sa sarili ko.

"Hmmm... Kath may permit ka na ba?"

"Oo naman! Last week lang binayaran ni Mama."

Ah ok."

"Diba sabay din sila ni Tita?"

"Ah oo nga!"

At natapos na kaming maglakad, nakarating na rin kami dito sa classroom.

______________________

Abangan niyo na lang po uli yung next UD ko. Thank you po sa lahat nung nagbasa ng One Shot ko, sana po yung mga hindi pa nakakabasa nun basahin niyo na. Pls lang po tnx! :)

READ|BE A FAN|VOTE|COMMENT|LIKE

I'm Inlove with my Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon