IIWMBF : Chapter 27

78 3 0
                                    

Sorry late update.

____________

Kathryn's POV

This is it! Dahil pumayag na ako sa deal na yan wala nang urungan.

Hayy! Bahala na si batman kung anung mangyayari or kung saan mapupunta ito.

Dahil isa akong "DAKILANG BESTFRIEND" lahat gagawin ko mapasaya lang ang taong mahal ko, kahit sobrang sakit na.

Tanga na kung tanga pero nahulog ang loob ko sa maling tao. At sa BESTFRIEND ko pa.

Okay ang drama kuna.

Anyway nandito ako ngayon sa corridor ng campus at bigla kung nakita si Aria.

Syempre agad agad ko syang nilapitan.

"Musta?" wala na akong masabi. Agad agad?

"I'm fine. How about you?"

"Ayos lang!" napangiti nalang ako sa kanya.

"Ang bilis ng panahon 'no? 2nd yr high school na tayo, tapos hindi na natin mamamalayan na ga-graduate na pala tayo." Aria.

"Oo nga eh! Sadyang kay bilis talaga ng panahon."

Tahimik muna kaming dalawa dito.

Nagmumuni-muni.

Awkward.

Pero biglang dumating si asungot.

"Kath, Aria!"

"Daniel!" sabay naming sabi ni Aria.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Wait. Diba dapat kami yung magtanong niyan sayo?"

Okay mukhang ako na OP dito.

Kaya naman napagdesisyunan ko munang umalis.

Nilapitan ko muna si Daniel at may binulong sa kanya.

"Aria saglit lang ha." Ako.

"Go!"

Nilayo ko muna ang sarili ko at si Daniel, tsaka binulungan.

"O ayan moment muna yan. Pagbibigyan na kita ha! Bahala kana dumiskarte dyan. Labas na ako dyan ha."

"Kath thank you talaga ah! Sobrang the best ka talaga."

The best lang? Oyy ahh Daniel FYI sobra sobra pa dyan ang gagawin ko para sayo.

Unang hakbang palang yan ng deal natin.

Basta sana hindi ka makakalimot ah!

"Aria excuse lang ha may pupuntahan pa kasi ko eh. Mauna na ako sa inyo. Enjoy! Have fun!"

"Sige pala Kath! Ingat ka."

Nag-wave na ako ng kamay sa kanila at ganun din sila sa akin.

Tumalikod na ako at humakbang papalayo.

Bago pa ako tuluyang umalis papalayo sa kanila.

Lumingon uli ako sa pangalawang pagkakataon.

Kitang-kita ko na super close na nga sila. Masayang-masaya, naghaharutan, hindi ko tuloy maiwasang isipin na...

Bagay sila?

I'm Inlove with my Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon