Daniel's POV
*Riiinngg Riiinngg*
"Wait 5 minutes lang!" bulong ko sa sarili ko at inis-snooze kuna uli ang alarm ng 5 min.
*Riiinngg Riiinngg*
Okay fine! Wala na akong nagawa pa at bumangon na ako sa kinahihigaan ko.
TIMECHECK: 5:30am
After ng 3 months na vacation here we go again back to normal na uli. Back to school na.
Syempre i'm so excited kasi may mga bago nanaman kaming makikilala na transferees, malay nyo maging kaibigan pa namin. Tsaka marami din akong kekwento sa mga tropa ko tungkol sa aming happy vacation.
Although nakakapag chat naman kami nakakapag text, call, tweet pero syempre iba pa rin pag personal diba? Kasi parang feel na feel nyo talaga.
Okay back to reality na. Kumilos na ako ng mabilis at pagkatapos nun kumatok na ako sa room ni JC at niyaya sya mag-almusal.
*TOK TOK*
"Ahh. Kuya wait lang ah pwede mauna kana bumaba saglit nalang naman na ako eh." JC
"O, sige pala."
At nauna na nga akong bumaba at kumain na. Nakita kung naghahanda na ng breakfast si mommy.
"Good Morning ma!" bati ko.
"O, nak nasan ang kapatid mo?"
"Ah si JC po ba? Susunod nalang daw po sya."
"Okay. Sige mauna kana kumain."
At kasabay nun nakita naming bumaba na ng hagdan si JC at sumabay na sa pagkain.
Pagkatapos naming kumain umalis na kami sa bahay at hinatid na ng aming driver.
"Mga anak, ingat kayo ah! Sana maging masaya ang first day of school nyo."
"Syempre naman po ma tsaka hindi naman na po kami elementary noh!" JC
"Tama naman po si JC. Sige ma tnx po sa concern, bye!" sabi ko.
At sumakay na nga kami sa sasakyan.
Ilang minuto lang ang nakakalipas at nakarating na rin kami sa school.
Wala pa ring pinag-bago ang dami pa ring tao kapag first day. Malamang maraming nag-enroll.
At hinanap na nga namin sila Kath.
At nung nakita na namin sila, agad namin silang kinumusta.
"Hi Kath kumusta kana?" halatang nagulat sya sa sinabi ko. Pano ba naman kasabay nun ay ginulat ko sya. Namiss lang ako nyan.
"WAHHH! Ikaw lang pala DJ."
"Ang sabihin mo namiss mo lang boses ko."
"Wow ah! Kapal."
"Ui pre long time no see! Kumusta bakasyon?" Seth
"Ayos lang naman ako." sagot ko.
"Buti naman."
"Eh ikaw? Kumusta na?"
"Ayos lang din."
"Mga parekoy tara na, hanapin na natin ang classroom natin." Lester
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Best Friend
Novela JuvenilLove? Dumarating ito sa buhay ng isang tao. Minsan sa perfect place, perfect timing at sa tamang tao, pero minsan nagkakamali rin ito. May dalawang mag kaibigan, at napaglaruan sila ng tadhana. San kaya nito dadalhin ang friendship nila?