Ako si klint isa lang akong simpleng estudyante. Hindi ako katulad ng iba na kilala sa buong paaralan, wala rin akong kaibigan ang baduy ko daw kasi at puro libro ang kasama bukod pa dun ay napakatahimik ko rin at palaging sa silid-aklatan tumatambay.Lumipas ang isang taon ng aking ika-tatlong baitang ng highschool na walang nagbalak kausapin ako pero ayos lang sanay naman na ako, bukod pa dun matataas naman ang aking grado at nakakain ko ng tahimik ang mga paborito kong pagkain. Kaya masaya parin ako.
Akala ko magtatapos ako ng aking highschool ng ganun na lang pero hindi pala. Sobrang saya ko nung unang araw ng aking ika-apat na baitang habang akoy tumatambay sa silid aklatan ay may isang babaeng kumausap sakin, nagdalawang isip pa nga ako nun kung ako talaga ang kinakausap niya, pero nung tinuro niya ako doon ko nakumpirma na ako talaga ang kinakausap niya.
Tinanong niya ko kung ano ang aking pangalan at dahil hindi ako sanay na may kumakausap sakin, natameme ako ng limang segundo bago nakasagot yun ang unang araw na naging magkaibigan kami. Ang dami niya tanong at napakadaldal niya at ang dami niyang kwento na hindi ko mapigilan ang sarili kong matawa.
Sa kalahating oras na yun ay ang dami ko ng nalaman tungkol sa kanya. Mula sa paborito niyang pagkain, palabas at kahit panligo niya na ginagamit ay nakwento niya rin, nakakatawa noh pero sa kalahating oras na yun ay masasabi ko sa sarili ko na makakapagtapos ako ng high school na masaya.
YOU ARE READING
Desyembre 7
Teen FictionSana sa susunod na ika-pito ng desyembre ay tayo'y pag tagpuin muli at sana ay umayon na sa atin ang tadhana - Klint