2

8 0 0
                                    

Matapos ang paguusap namin na yun ay palagi na kaming magkasama, sabay sa pag kain, sabay sa pagpasok, at paguwi. Kahit siya lang ang aking kaibigan kontento na ko dun dahil kahit papaano ay may matuturing akong kaibigan.

Isang araw nakita ko siya na kausap niya ang isa sa mga kaibigan niya sa likod ng aming eskwelahan. Aalis na sana ako ng marinig ko ang pangalan ko ngunit hindi ko natuloy ang pakikinig sa usapan nila dahil tumunog na ang bell na hudyat na upang pumasok kami sa aming mga klase.

Kahit nagtataka ay binalewala ko na lang at dumeretso na sa aking susunod na klase. Pagkaupo ko ay tsaka rin ang pagpasok niya at agad na tumabi sa akin, ngumiti siya sa akin ng tipid at nagsimula ng kunin ang kanyang kwaderno.

Habang nakikinig ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya kakaiba kasi ang ganda niya yung para bang kahit anong ayos niya o suot ay babagay sakanya. At habang pinagpapantasyahan ko ang kanyang kagandahan ay bigla siya napatingin sakin na may pag tatanong sa kanyang mga mata. Napa ngiti na lang ako at umiwas ng tingin dahil sa kahihiyan.

Natapos ang klase sa mahabang pagtuturo sa amin ng guro namin sa history na paborito kong subject  na kinabaduy naman netong katabi ko na ilang beses kong nahuling nakatulog.

Hindi pa ko natatapos sa pagaayos ng aking gamit ay kinukulit niya na ko na kumain na dahil kanina pa daw siya nagugutom dahil sa nakakatamad na history subject namin. Natatawa na lang akong nagmadaling inayos ang aking gamit at hinila na siya palabas ng aming silid.

Masaya kaming nagkwekwentuhan habang kumakain ng paborito naming turon ng bigla siyang tawagin ng kaibigan niya na may sasabihin daw sakanya kaya nagpaalam siya sakin at umalis.

Tinapos ko na lang ang aking turon at tsaka naisipang pumunta muna sa silid-aklatan at nagbasa ng Greek Mythology. Nasa kalagitnaan na ko ng aking pagbabasa ng may nagtakip ng aking mga mata, sa amoy pa lang ng pabango alam na alam ko na kung sino ito. Agad kong tinanggal ang kanyang mga kamay at ngumiti sakanya.

Desyembre 7Where stories live. Discover now