5

6 0 0
                                    

Ang sabi niya ay "huwag daw akong basta bastang nagtitiwala sa mga nakapaligid sakin dahil hindi daw natin alam kung totoo ang mga pinapakita sa atin." Hanggang sa pag gising ko kinabukasan ay hindi ko maiwasang isipin yun pero binalewala ko na lang dahil baka kung ano ano na lang ang kanyang sinasabi dahil matanda na siya.

Nagdaan ang 3 buwan na ganun lang ang aming ginagawa. Kumakain, tumatambay kung saan-saan at nagkwekwentuhan, pero sa lumipas na tatlong buwan hindi ko parin maamin sa kanya ang aking nararamdaman. Ayoko kasing mawala lang lahat ng aming pinagsamahan dahil lang sa may nararamdam na ko para sakanya. Kaya kahit gustong-gusto ko ng sabihin sakanya ay minabuti ko na lang na itikom ang aking bibig.

Pero kahit di ko man sakanya masabi ay pinapadama ko na lang sakanya kung gaano ko siya kamahal. Sana nga lang hindi siya makuha ng iba dahil sa pagiging torpe ko.

Araw-araw natatakot ako na baka isang araw ay mawala na lang siya sakin bigla, na kalimutan niya na lang ako basta basta at umalis ng walang paalam. Hayss ayokong isipin yun dahil baka hindi ko makaya na mawala siya sakin.

..........

Isang araw nakita ko siya na kausap niya ulit ang taong pinagseselosan ko yung sabi niya kaibigan niya lang daw. Masaya silang nagtatawanan at nagbibiruan, ang sakit pala talaga noh na makita yung taong mahal mo na masaya sa iba. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka mas napapasaya siya nito kesa sa akin.

Matapos ang araw na yun, kinagabihan gusto ko na lang sabihin sakanya na "huwag ka ng lumapit sakanya dahil gusto kita", pero di ko kaya eh sino ba naman ako di hamak na kaibigan niya lang naman ako, wala akong karapatan. Kaya ang ginawa ko na lang ay umuwi at nagmukmok sa aking kwarto.






Desyembre 7Where stories live. Discover now