7

6 0 0
                                    

Nagdaan ang mga buwan na hindi na siya pumapasok sinubukan ko siyang hanapin kung saan saan pero hindi ko siya makita, napanghihinaan na ko ng loob. Siguro nga pinahiram lang siya sakin at kukunin din.

Nasan ka na kaya? naalala mo pa ba ko? naiisip mo ba ko? sana bumalik ka na dahil hindi na ko sanay na wala ka.

Babalik ka pa kaya? Babalikan mo pa kaya ako? Bakit bigla mo kong iniwan?

Yan ang mga tanong sa aking isipan na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan.

..........

Sinarado ko na ang aking laptop kung saan sinusulat ko ang kwento ko na dapat kwento naming dalawa.

Dalawang taon narin pala ang nakakalipas magmula nung nakilala kita, napakabilis nga naman ng panahon. Pero hanggang ngayon hinihintay parin kita, at hindi ako mapapagod na hintayin ka.

.........

Isang gabi ika pito ng desyembre habang akoy nakatayo sa labas ng aming bahay at tahimik na pinagmamasdan ang mga bituin.

"Napakaganda talaga ng kalangitan ngayon". nasabi ko na lang sa aking sarili

"Pero mas maganda ang iyong mga mata". sabi ng isang pamilyar na boses

Agad ako napalingon sa aking likuran at akoy nagulat ng makita siya na nakatayo at nakangiti sakin

"Panaginip ba to kung oo wag na sana kong magising". ang sabi ko

Tumawa lang siya at niyakap ako at sinabing "hindi ito panaginip nandito talaga ako".

"Ngunit paano? Saan ka galing at bakit ngayon ka lang nagpakita?".

"May gusto sana kong sabihin sayo klint".

"Ano yun?" Hindi makapag hintay na sabi ko.

"Isinumpa ako ng isang matanda na diwata pala dahil niloko kita, hindi ko talaga gustong kaibiganin ka dati, napilitan lang akong kilalanin ka. Nakipagpustahan ako sa sinasabi kong kaibigan ko na kasintahan ko talaga. Sana mapatawad mo pa ko, at gusto ko ring sabihin sayo na pinagsisisihan ko lahat ng ginawa ko kaya eto ako hindi mo ko makikita hanggat hindi pumapatak ang ika pito ng disyembre. Eto na siguro ang parusa ko kaya wag mo na kong hintayin pa at hanapin".

"Ngunit ayos lang sa akin hintayin ang ika pito ng desyembre palagi makita ka lang at makasama".

"Hindi na kailangan dahil nasaktan na kita at mas lalo ka lang masasaktan pa kaya heto na ang huli nating pagkikita at gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita, oo nahulog na ko sayo pero ayoko ng mahirapan ka kaya paalam na."

"Sandali wag mo kong iwan." yan lang ang aking nasabi dahil tuluyan na siyang nawala na parang bula at wala na kong nagawa kundi umiyak na lang ng umiyak.

Yun na rin ang huli at hindi na siya muling nagpakita. Pero sa bawat pagsapit ng ika pito ng desyembre hinihintay ko parin siya kahit alam kong di na siya babalik pa, kahit nasaktan ako sa sinabi niya alam kong pinagsisisihan niya na yun, pero hindi ako nagsisising minahal ko siya. Sana man lang naipagtapat ko ang nararamdaman ko para sakanya bago siya umalis.

Wakas

A/N: wahhh guyss sa wakas na tapos na rin siya. Sa mga nagtatanong kung bakit walang name yung ibang characters kasi about lang tong story kay klint hehe

Thank you guys for reading i appreciate it. Love lotsx

-RM

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Desyembre 7Where stories live. Discover now