Matapos ang 15 minutes at 7 bahay na nadaanan namin ay nakarating din kami sa bahay nila. Agad na bumungad samin ang aso niyang golden retriever na agad na sumampa sakanya, at heto na naman po tayo at kahit sa simpleng eksena na yun ay napatulala ko sakanya habang masaya na nakangiti.
Nabatukan niya naman ako at tsaka hinila na paakyat sa kanilang tree house. Hinanda na namin ang mga pagkain at naglagay siya ng maliit na table tsaka kumuha ng kumot sa ibabaw ng kanyang maliit na kabinet.
Nagkwentuhan lang kami magdamag at nanood ng movie sa kanyang laptop. Habang nanonood kami ay hindi ko maiwasang mapatitig na lang bigla sa kanya na focus na focus sa panonood. Nabalik lang ako sa realidad ng biglang tumunog ang kanyang phone na agad niya naman sinagot at nagpaalam saglit na baba muna.
Hindi ko maiwasang mapa isip kung bakit sobrang close nila nun kahit sinabi niyang magkaibigan lang daw sila. Alam kong wala kong karapatan na magselos dahil kaibigan niya lang naman ako, pero di ko parin mapigilang masaktan sa tuwing magkausap silang dalawa. Hayy ang hirap talaga pag torpe ka hindi ka makagawa ng paraan para makaporma sa taong gusto mo.
Nahinto ako sa pagiisip ng umakyat siya ulit at sinabing kailangan ko na daw umuwi dahil nag gagabi narin at parating na din daw ang kanyang mga magulang kaya kahit ayoko pang matapos ang araw na to ay umuwi na rin ako.
Habang naglalakad ako pauwi ay may matandang lumapit sakin na hinihingi ang iniinom kong tubig na natira sa mga binili namin kanina at walang pagdadalawang isip na binigay ko sakanya ito. Nagpasalamat siya at bago ko umalis ay may sinabi siyang na sobrang na paisip ako hanggang sa makauwi ako sa amin.

YOU ARE READING
Desyembre 7
Teen FictionSana sa susunod na ika-pito ng desyembre ay tayo'y pag tagpuin muli at sana ay umayon na sa atin ang tadhana - Klint