6

6 0 0
                                    

After 1 month

Eto na ang pinakahihintay ng karamihan sa aming paaralan ang "High School Day" ang lahat ay busy sa pag-aayos ng kani-kanilang booth. Hindi ko rin siya masyadong nakakasama dahil vice president siya ng aming school organization. Pero ayos lang dahil kahit ganun ay nagkikita parin naman kami at minsan sabay na kumakain kapag nagkakaroon siya ng oras.

Sa mismong event na to ay balak kong sabihin na sakanya na gusto ko siya. Inaayos ko na ang aking gagawing surpresa at balak ko siyang dalhin kung saan kami unang nagkakilala. Sana lang maging maganda at maayos ang aking gagawin.

..........

Matapos ang 1 linggo ay dumating din ang pinakahihintay ng lahat. Kanya-kanyang kuha ng litrato at bili ng mga pagkain na para bang lahat ay gustong matikman. Di rin pahuhuli ang pagsakay ng nga rides at pagtrip ng bawat estudyante sa mga booth.

Hinanap kagad siya ng aking mga mata dahil baka sakaling makaporma ko at maaya siya sa wedding booth. Oo na ang baduy pero syempre kahit papaano maging asawa ko siya kahit isang araw lang. Oh diba asawa na kagad wala ng jowa-jowa pa, pero seryoso kanina ko pa siya hinahanap pero di ko siya matagpuan. Nagtanong narin ako sa mga kasamahan niya pero ang sabi ay hindi daw siya nakita.

.........
Nagdaan ang 1 linggo at
Natapos ang "High School Day" na wala man lang siyang paramdam. Iniisip ko kung anong nagawa kong mali pero wala namang akong maisip na dahilan para magalit siya sakin. Eto na dumating na ang kinakatakot ko na mangyari.

Eto na nga ba?

Desyembre 7Where stories live. Discover now