Ngumiti rin siya sakin pabalik at umupo sa harapan ko at sinara ko na ang libro kong binabasa tsaka itinuon ang atensyon ko sakanya. Inaya niya ko na pumunta sa kanilang tree house pag-uwi namin na agad ko namang tinanggap kahit hindi naman ako mahilig gumala.
Natatawa na lang ako sa sarili ko dahil yung mga hindi ko ginagawa dati ay nagagawa ko na dahil sakanya. Grabe naman kasi tong babae na to sobrang lakas ng trip tapos kung kumilos parang mas lalaki pa sakin, napapailing na lang ako pag naiisip ko siya.
Nahinto ako sa aking pagmumuni-muni ng tinawag niya ang pangalan ko. Tinawanan niya lang ako tsaka sinabing kailangan na naming bumalik para sa huli naming klase.
Sabay kaming naglakad na naka-akbay siya sakin, nakakabakla mang sabihin pero kinikilig ako ewan ko ba siguro nga nagugustuhan ko na siya kahit magkaibang-magkaiba kami ng ugali. Siguro ganun talaga noh opposite attracts.
Pero wala pa kong balak sabihin sakanya ewan di pa ko handa hindi ko alam kung paano ba ang dapat gawin masyadong bago sa akin ang mga ganitong bagay. Magiipon muna ko ng maraming lakas ng loob bago ko sakanya sabihin.
.......
Natapos ang aming klase at agad kong inayos ang aking gamit dahil hindi na ko makapaghintay na pumunta kami sa kanyang tree house, nahalata niya naman yun at inasar ako ng inasar na excited daw akong masolo siya. Napapailing na lang ako sakanya tsaka ginulo ang kanyang buhok at hinila na ito palabas.
Bago kami dumiretso sa kanila ay bumili muna kami ng mga pagkain at inumin, balak niya daw magpicnic kami. Ako naman si torpe palihim na lang na napapangiti, buti nga di niya nahahalata na nagkakagusto na ko sakanya eh may pagkamanhid kasi to hayss. Pero ayos lang mas maganda nga yun eh kasi baka pag nalaman niya layuan niya na ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nangyari yun.

YOU ARE READING
Desyembre 7
Teen FictionSana sa susunod na ika-pito ng desyembre ay tayo'y pag tagpuin muli at sana ay umayon na sa atin ang tadhana - Klint