Masayang gumising si Marga at una agad na hinanap ng kanyang mata ay ang envelope na naglalaman ng confirmation sa Austria High isang sikat na paaralan sa buong mundo, isa kasi sya sa nakuha para magaral dito at para sa kanyang ina, isa itong karangalan kaya naman noon palang ay ito na ang hiling niya sa kanyang anak ang makapasok sa paaralan na ito.
Walang pinagsasabihan si Marga tungkol dito dahil ang gusto nya ay ang kanyang ina ang unang makakaalam nito dahil para sa kanya talaga ito kaya ginawa talaga ni Marga ang lahat para makamit lang ito.
Kaya naman dali dali itong bumaba at una agad niyang nakita ang kanyang ina nagluluto ng umagahan.
"Mama wala si Yaya Sabell?" tanong nito sa ina nya habang tinatago ang envelope sa likod nya.
"Oo ehh.. pupunta muna daw sya don sa probinsya nila kasi birthday daw ng anak nya." sagot nito.
"Ahh oo nga pala." pagsangayon nito.
Napansin ni Celine ang tinatago ni Marga sa likod nya.
"Ano ba yang tinatago mo dyan sa likod mo?" nagtatakang tanong nito.
Kaya naman inabot ni Marga ang envelope na hawak nya.
Lumawak ang ngiti sa labi ng ina nang mabuksan nya ang envelope.
"Do you like it?" nakangiting tanong nito sa ina.
"Nope." tipid na sagot at biglang nawala ang ngiti nito.
Napakunot na lang ang noo ni Marga kasabay ng paglungkot ng kanyang muka.
Akmang tatalikod na si Marga nang biglang nagsalita ang kanyang ina.
"Hindi ko na gustohan dahil gustong gusto ko." nakangiting sabi nito.
Lumawak ang ngiti ss labi ni Marga ng marinig nya ang sinabi ng ina.
Niyakap ni Celine si Marga at agad namang namang niyakap pa balik ang ina "I'm so proud of you anak." naluluhang sabi nito.
"Talaga po Mama?" tugon ni Marga.
"Oo naman kaya naman umaasa akong magiging mataas ang grades mo sa Austria High ahh.." nakangiti ngunit naluluhang sabi nito.
Bumitaw si Marga sa pagkakayakap sa kanyang ina at kinuha naman nito ang kamay nito at sinabing "Mama hindi hindi ko po kayo bibiguin promise." nakangiting sabi nito.
"Kaya ata tama ang disisyon ko na hindi na ako babalik sa Hong Kong eh." sabi ni Celine.
"Ha? Tama ba yung narinig ko hindi na kayo babalik sa Hong Kong?" gulat pero naka ngiting tanong ni Marga.
"Oo dito na lang ako para bantayan ka at gabayan ka sa pagaaral mo lalo na at sa Austria High ka na papasok." sagot nito.
"Paano po yung company natin don?"
"Ang ninong mo na ang bahala doon, sya na muna ang magmamanage nun habang wala ako tapos pag nakapagtapos ka na nang paaaral mo ikaw na ang mag mamayari ng company natin." paliwanag nito sa anak.
Nanlaki ang mata ni Marga sa narinig niya dahil hindi niya ineexpect na sasabihin ito ng kanyang ina.
"Talaga poooooo!!" gulat na sabi nito.
"Oo naman HAHAHAHA hindi mo ba gusto?" pagbiro pa nito.
"Ayy hindi po gustong gusto ko po damn I'm excited to get my diplomaaa!!" sigaw pa nito.
"Kaya dapat magsumikap ka, alam mo sweetheart kayang kaya kong lustayin ang pera ko makapagaral ka lang dun."
"Ayyy thank you po talaga ha."
"Kasi para sa future mo din naman yan eh at kasi pili lang ang nakakapag aral sa Austria High at pasalamat ka, nakapasok ka kasi kahit mayaman ka pero bobo ka at tatanga tanga hindi ka makakalusot dun." seryosong pagpapangaral ni Celine sa anak.
"Yeah right kaya Mama I'll do my best just for you and for my future." nakangiting sabi nito.
"Yan ang gusto ko sayo ehh.." naka ngiting inakbayan ni Celine ang anak para makaupo at makakain ng umagahan.
"Kain na tayo?" tanong ni Marga sa ina.
"Ok let's go!!" sigaw ni Celine.
"Wait so kaylan ang start mo sa school na yun?" pahabol na tanong ni Celine.
"Ngayon po." tipid na sagot ni Marga.
Gulat na pinagmasdan ni Celine ang anak habang kumakain.
"Ngayon?"
"Opo."
"Ohh anong ginagawa mo bilisan mo na baka malate ka pa!!" sigaw nito sa anak.
"Ok Ma chill, relax.." biro ni Marga.
Kaya naman binilisan ni Marga ang pagkain at halos mabulunan ito ng makita niya ang oras.
"Myyyy gaddddddd!!!" sigaw nito.
BINABASA MO ANG
Heard
RandomSya si Margarethe Valencia mayaman, maganda, at sikat. Pero paano nga ba tatakbo ang buhay nya sa storya na to? Ano nga kaya ang mga pagsubok sa darating sa buhay nya? Ating subaybayan ang daloy ng kanyang buhay. •°CHARACTER:°• MARGARETHE VALENCIA ...