KABANATA PITO

6 0 0
                                    


"Anong paguusapan natin?" walang emosyong tanong ni Marga.

Umuupo muna si Bernadette sa harap ni Marga at tumingin ng daretso sa mata ni Marga kaya naman agad na napaiwas si Marga.

"Tungkol sa pagaaral mo, bakit ayaw mo?" sagot nito.

"Pwede ba wag ngayon, stress na stress na ako sa school at wag ka ng dumagdag pa." bored na sagot nito.

Akmang tatayo na ito pero pinigilan sya ni Bernadette.

"Bakit ayaw mong naging Top 1? Ayaw mong maging sikat? Ayaw mong maging proud sayo ang Mommy mo? Ayaw mong irespeto ka?" sunod-sunod na tanong nito kaya naman agad na napakuyom ang kamao ni Marga dahil sa mga tanong nito.

Hindi na pigilan ni Marga na manghina dahil yun talaga ang ayaw na ayaw ng Mama niya.

"Bakit kaya mo bang gawin yun lahat? Kaya mo akong gawing Top 1? Kaya mo akong gawing sikat? Kaya mong gawing proud sakin si Mama? Kaya mong pilitin ang mga tao na irespeto ako?!" pagbalik ni Marga sa tanong ni Bernadette.

Natawa nalang ng sarkastiko si Bernadette. "Bakit hindi?"

Napayuko nalang si Marga kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

"Alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya lahat ng yun, alam kong hindi mo ako matutulungan sa lahat ng yun!!" nanginginig na sigaw nito.

Kaya naman agad na nilapitan ni Bernadette si Marga at tinapik tapik ang likod nito.

"Marga ok lang yan, sabihin mo lahat ng nararamdaman mo sa akin, nandito ako para pakinggan ka"

Agad na niyakap ni Marga si Bernadette at nanlaki ang mata nito dahil hindi niya ineexpect na gagawin ni Marga yun.

Sobrang awkward na ng atmosphere sa apat na sulok ng dorm dahil kanina pa silang ganun ang pwesto at puro hikbi lang ng dalaga ang naririnig ni Bernadette.

"Marga tahan na, alam mo gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sayo." nakangiting sabi ni Bernadette habang tinatapik tapik ang likod nito.

"Oo, palaging ipinararandam ni Mama ang pagmamahal nya sakin, palagi nyang sinasabi na proud na proud sya sa akin.. " nagulat si Bernadette sa sinabi ng dalaga.

Bumitaw si Marga sa pagkakayap kay Bernadette at pinahid ang mga luha na patuloy parin sa pagbagsak.

"Pero kahit kaylan hindi ko yun naramdaman na totoo lahat ng yun.." napayuko na lang ito dahil sa panghihina na nararamdaman nya.

"Ngumiti lang ako na kunwari ramdam na ramdam ko yung mga sinasabi nya pero sa totoo lang hindi ko yun nararamdaman nikatiting na pag kaproud sa akin, h-hindi k-ko yu-yun nararamdaman.."

"Minsan iniisip ko nalang na wala akong kwenta, bakit pa ako nabuhay kung yung sarili kong ina hindi proud sa akin, feeling ko hindi ako enough.. kung buhay lang sana si Papa siguro sya ang No. 1 fan ko.." inangat ni Marga ang kanyang ulo at tumingin kay Bernadette.

"Ikaw naramdaman mo na rin ba yun, yung feeling na hindi ka enough, yung feeling na wala kang kwenta?" nagaalangang tanong ni Marga.

"Oo naman palagi." tipid na sagot nito kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

HeardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon