KABANATA APAT

12 1 0
                                    


Dali daling tumakbo si Marga sa bulletin board para makita kung anong section nya.

Una nya agad itong hinanap sa ang pangalan nya sa pinakamababang section dahil hindi naman sya umaasa na magiging A Class sya kaya sa E Class agad nya tiningnan ang pangalan nya, pero wala ito.

"Try ko kaya sa A Class." sabi ni Marga sa sarili nya.

At agad ngang tiningnan ni Marga ang pangalan nya sa A Class.

"Margarethe.. Margarethe.. Margare--" natigilan si Marga ng makita nya ang pangalan nya sa A Class.

"O.M.G." hindi sya makasigaw dahil may sign doon na “SILENCE” kaya nagtatakbo na lang sya papunta sa dorm nila para ibalita sa kanyang ina.

Agad binuksan ni Marga ang pinto at nagsisisgaw "OMG!!! OMG!!! OMG!!!" sigaw nito.

Gulat na tiningnan ni Celine ang anak na gumugulong na sa tuwa habang sigaw ng sigaw.

"Oyy anong nangyari sayo?!"

"Papatayin mo ako sa gulat ehh, muntik na akong atakihin sa puso.." nakahawak sa baywang na sabi nito.

"Mama A Class akooooo!!" sagot ni Marga.

"Talaga aba good news pala ehh, sige sigaw kalang."

"HAHAHA grabe tong si Mama." biro ni Marga.

"Pero sweetheart congrats ha." nakangiting sabi ni Celine.

"Thanks Ma."

"Sige pasok ka na ako na ang bahala dito." sabi ni Celine.

"Ok Ma, thank you, and love you so much." sabi nito sabay yakap sa ina.

"Love you too sweetheart." sabi ni Celine at niyakap pabalik si Marga.

Kaya bumitaw si Marga sa pagkakayakap sa ina " Sige Ma, bye."

"Bye sweetheart."

Kaya naman dali dali lumabas ng dorm si Marga at agad naman niyang hinanap ang classroom niya.

"Miss saan po yung G-10 A Class?" tanong ko sa isang staff ng school.

"Ahhmm Madam dun po sa dulo may nakasulat po dun na A Class." magiliw na sagot nito.

"Ahh ganon po ba sige po thank you po, pasensya na po sa abala." 

Kaya naman dali dali kong pinuntahan ang A Class at nagulat ako nagbiglang may bumato sa noo ko ng isang papel.

Tiningnan lang ng masama ni Marga ang lalaki pero tumawa lang ito. Umupo nalang si Marga sa bakanteng upuan sa likod wala syang katabi dito kasi wala pa syang ka close.

Nagbigla si Marga ng may isang nerd na tumabi sa kanya.

"Miss bago ka dito no, siguro kabilang ka sa mga bagong dating dito." sabi ng lalaki.

"Ahh oo." nagaalangan sagot ni Marga.

"Ahmm by the way I'm Vince." at naglahad ito ng kamay sabay taas ng salamin nya.

Kaya naman tinanggap ni Marga ang kamay nito "Margarethe, Marga for short" nakangiting sagot nito.

"Ohh a transfereee.." sambit ng isang lalaki na may pangong ilong.

Tiningnan lang sya ni Marga ng nakakaloka dahil ayaw na ayaw nyang tinatawag syang transferee dahil ang magiging tingin sa kanya ng nga classmate nya dito ay pafamous sya.

"I'm Jameson, I'm---"

"The International Playboy." dugtong ng buong klase.

Inilapit nito ang muka nya sa muka ni Marga at agad naman tinulak ni Marga ito dahil naiilang sya.

"Ohhh palaban.." pagsingit ng isa sa mga kabarkada nya.

"And I like it." dugtong pa ni Jameson.

Napangiwi na lang si Marga sa sinabi ni Jameson at agad naman ang mangito umalis nang may dumating sa teacher.

"Class back to your seat." sambit ng teacher.

"Ok class I thought some of here already knows that we have a transferee." napangiwi nalang si Marga dahil ayaw talaga nyang tinatawag syang transferee.

"So let's wellcome her." kaya naman lahat ng tao ay nakatingin  kay Marga kaya naman pilit na ngumiti si Marga at tumayo papunta sa una para magpakilala.

Kangiti kay Marga ang buong klase at ang kanilang teacher.

"So please introduce yourself." nakangiting sabi ng teacher nila.

"Hi, I'm Margarethe Valencia, 15 years old and.. that's all thank you." pilit na ngumiti si Marga at dali daling umalis sa unahan dahil naiilang sya sa mga tingin sa kanya ng nga classmate nya.

Panibagong buhay nanaman ang kakaharapin ni Marga at ngayon palang ito nagsisimula.

HeardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon