KABANATA SAMPU

4 0 0
                                    


"Oyy babae." bored na sabi ni Kai kay Marga.

Naiiritang tiningnan ni Marga si Kai at napakunot nalang ang noo nito ng mayroon itong inabot na pulang rosas.

Tinaasan lang sya ng kilay ni Marga. "Anong trip mo?"

"Ahh piece offering lang yan wag mong bigyan ng malisya." namumulang sabi ni Kai.

"Tstt piece offering?"

"Uso ba yun sayo." dagdag pa ni Marga.

Napairap lang sa kawalan si Kai dahil hindi nya inaasahan na masungit pala si Marga dahil din siguro nung binato nya ito ng papel nung first day.

"Ano ba tatanggapin mo ba o hindi?!" singhal nito kay Marga.

"Bakit ka ba sumisigaw?!" tanong ni Marga pabalik.

Bigla hinablot ni Marga ang rosas na hawak ni Kai at pagtalikod nito ay agad nya nakita ang isang lalaki na sa harap nya ngayon.

"Lyndon?" nagtatakang tanong ni Kai.

Itinaas ni Marga ang kanyang tingin dahil hanggang dibdib lang sya nito at nakumpirma nya na si Lyndon nga ito.

Naka taas ang kilay nito at nakapamewang na para bang anytime pwede nyang sampalin si Marga.

"Yes babe?" nanunuyang sabi ni Lyndon.

Sabay napangiwi sina Marga at Kai dahil sa hindi inaasahang 'babe' ni Lyndon.

"Ahh ok so may nangyayari palang bromance dito." out of hire na sabi ni Marga.

"Shut up bitch!!" mariing sigaw ni Lyndon.

Natawa nalang si Marga at naglakad ng marahan papunta sa upuan nya.

"Anong babe na sinasabi mo? Naka drugs ka ba?" natatawang sabi ni Kai.

Agad na binatukan ni Lyndon si Kai dahil sa pangbubuwiset nito sa kanya.

"Tara na sa upuan natin." sabi ni Kai.

Napairap na lang sa kawalan si Lyndon at sumunod kay Kai.

                    °•°•°•°•°•°•°

"Actually kahit hindi ka naman talaga maging Top 1 si Marga ok lang asa akin eh, basta ang halaga makapagaral ka sa Austria High at magkasama tayo." nakangiting sabi ni Celine habang nakatingin sa picture frame si Marga.

"Proud na proud ako sayo at for sure pati ang Papa mo." sabi ni Celine kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang mata.

Napatigil si Celine ng may kumatok sa pinto kaya naman agad nyang pinahid ang kanyang mga luha.

"Sino yan?"

"Si Bernadette to."

Kaya naman agad na binuksan si Celine ang pinto at pagbukas na pagbukas niya ay agad nyang nakita si Bernadette na agad na nakangiti sa kanya kaya ngumiti lang pabalik si Celine.

"Pasok ka." nakangiting sabi ni Celine.

Kaya naman pumasok si Bernadette at agad itong umupo sa sofa.

"Bakit napadaan ka?"

"Gusto lang sana kitang makausap."

"Tungkol saan?

"Tungkol kay Marga, ang gusto ko kasi iparamdam mo kay Marga na hindi ka proud sa kanya." seryosong sabi ni Bernadette.

"Uhh bakit naman?" naguguluhang tanong nito.

"Para gawin nya ang lahat ng magagawa nya para maging Top 1 sya." nakangiting sabi nito.

Tumayo si Celine at naglakad lakad. "Hindi naman importante ang maging Top 1 ang mahalaga makapagaral sya ng maayos at makapasa."

"Makapasa? Yun lang ba ang gusto mo?, Tandaan mo Celine pagnakapasa lang si Marga wala kang maipagmamalaki." talagang ipinagdidiinan pa ni Bernadette ang 'wala'.

Napatingin sa malayo si Celine at napahinga ng malalim.

"Ok sige yun lang ba?"

HeardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon