KABANATA TATLO

12 1 0
                                    


"Good Day Madam!" masayang bati ng sekretarya ng paaralan.

Tumango na lang ang magina bilang tanda ng paggalang.

"Ano pong pangalan ng anak nyo?" magalang na tanong ng sekretarya.

"Margarethe Valencia." sagot ni Celine.

Agad namang hinanap ng sekretarya sa kanyang hawak na book kung saan naka lagay ang lahat ng mga pangalan ng mga baguhang estudyante.

"Madam door 609 po kayo." tugon nito.

"Door?" mariing tanong ni Marga.

"Yes Madam dito na po kayo titira kasama ang guardian nyo." nakangiting sagot nito.

Nagkatinginan ang magina na parehong gulat sa sinabi ng sekretarya.

"D-Dito titira?" hindi makapaniwalang tanong ni Celine.

"Yes Madam." magiliw na sagot nito.

"At nasaan po yung mga gamit nyo?" dagdag pa nito.

"Ahh hindi naman namin alam--"

"Ahh naiwan namin kasi sobra kaming naexcited." sagot ni Celine.

Napakunot ang noo ni Marga sa sinabi ng ina dahil sa totoo lang wala talaga silang alam na dito pala sila titira, yes sa school mismo talaga sila titira hanggang makatapos ng pagaaral si Marga.

"Pwede mo ba kaming ihatid cause we don't know this place what if maligaw kami, what if mamatay kami dahil mali yung napunta namin.. diba.." at agad namang tinabig ni Celine ang braso ni Marga para maka sangayon ito.

"Ye-Yeahh." nauutal na sabi ni Marga.

Alam ni Marga na sobra ng ka OA ng mamamatay sila dahil naligaw lang sila pero kaylangan nyang gatungan ang sinabi ng ina para hindi sila mapahiya at magmukang ignorante.

"Ok po Madam, Kuya Simon!!" tawag nito sa isa sa mga staff ng school.

"Oh bakit?" tanong nito sa sekretarya.

"Paki hatid nyo nga po sila sa door 609." sagot nito.

"And I'm sorry I forgot this." inabot nito kay Celine ang susi ng dorm namin.

"Ok this way Madam." at inilahad nito ang kanyang kamay papunta sa direksyon ng daan, pinangunahan nito ang paglalakad nang magina kaya sumunod nalang sila.

Habang pinagmamasdan ni Marga ang buong ditalye ng dinadaanan nila hindi parin sya makapaniwala kung nasaan sya ngayon ang nasa isip lang niya ay siguro at napakayaman ng mayari ng paaralan na ito.

"Ok Madam this is your dorm, enjoy Madam." masayang sabi nito.

Tumango nalang muli ang magina para naman hindi sila magmukang bastos.

Agad na binuksan ni Celine ang pinto at bumungad agad sa kanila ang dalawang napaka laking kama at may nakaserve nang mga pagkain.

Napanganga nalang ang magina dahil mas maganda pa ito sa kwarto nila sa bahay nila.

"Woww!!" sabay na sambit ng magina.

"Tara na pasok na tayo Mama." hinila agad ni Marga ang ina at agad nitong hinubad ang sapatos tapos nagtatalon sa kama ng parang bata.

Tuwang tuwa naman si Celine na nakikita nyang masaya ang kanyang anak.

"So anong plano kaylan natin kukunin ang mga gamit natin?" tanong ni Celine sa anak.

Ngumiti lang si Marga sa ina at ipinagpatuloy ang ginagawa, napairap na lang sa kawalan si Celine sa inasta ni Marga.

"I'm asking you Marga!!" sigaw nito.

Napatingin si Marga sa ina naparang nagulat napanguso ito at umupo nalang sa kama.

Napangiti Celine sa naging reaksyon ng anak, umupo ito sa tabi nito at inakbayan.

"Ano masaya ka na sweetheart? Nandito ka na at sabay nating tutuparin ang pangarap mo." nakangiting sabi nito.

Napangiti si Marga dahil ang buong akala nya ay galit ang kanyang ina.

"Yes Mama sabay natin tong haharapin." nakangiting sagot ni Marga.

"So ano tayo na muna sa bahay hakutin natin ang yung mga gamit natin." natatawang sabi ni Marga.

Nagkatinginan sila ay nagtawanan.

HeardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon