KABANATA WALO

7 0 0
                                    


"Bernadette?"

Unti-unting humarap si Bernadette para masigurado nya kung ito na nga talaga ang tao na pakay nya.

"Mike, nice to see you again." nakangiting pambungad nito.

Tiningnan lang siya ni Mike ng may pagtataka sa mata.

"Anong sadya mo? May ipagagawa ka ba alit? Tapos ilalaglag mo nanaman ako?"

Napairap na lang sa kawalan si Bernadette sa mga tanong nito.

"Hindi ko naman sinasadya yun at syempre kaylangan ko lang protektahan ang sarili ko nung time na yun.."

"Kasi ayaw kong makulong.." dugtong pa nito.

"Pasalamat ka hindi ako kumanta sa mga tarantadong mga pulis  na yun." sabi ni Mike.

"Sinusumbatan mo ba ako?!" mariing tanong ni Bernadette.

"Obvious ba?" tanong nito pabalik.

Walang nagawa si Bernadette kundi manahimik.

"Ano bang sadya mo at bakit lumitaw ka alit ha?" paguulit nito sa tanong.

"Pwedeng umupo muna tayo?" pagiiba ni Bernadette sa tanong.

Napairap na lang sa kawalan si Mike at walang nagawa kundi umupo.

"Ahmm siguro naman natatandaan mo si Nouel Valencia."

"Of course sya ang dahilan kung bakit ako nakulong ng 10 taon?" bored na sagot nito.

"Pano ba naman pinatay mo ehh natural makukulong HAHAHAHA." sabi ni Bernadette habang tumatawa ng sarkastiko.

"Hindi ako makukulong kung hindi mo sya pinapatay sa akin!!" mariing sabi nito.

"Well he deserve that at maisingit ko lang bayad ka nun diba." pagbawi ni Bernadette.

"Tstt.. tingin mo nagamit ko ang pera mo sa prisinto?" mariing sagot nito sabay tutok ng baril kay Bernadette.

"Ok sige panalo ka na." natatawang sagot ni Bernadette habang nakataas ang kamay.

Agad na biniba ni Bernadette ang hawak ni Mike na baril. "Mike relax masyado ka atang mainit ngayon ahh." sabi ni Bernadette habang nagpipigil ng tawa nya.

"So kung itatanong mo kung anong sadya ko, natatandaan mo ba yung asawa ng ni Nouel?"

"Oo." maikling sagot nito.

"Good, gusto kong manmanan mo yung babaeng yun." sabi nito habang nilalaro laro ang baril ni Mike.

"S-si C-Celine Va-Valencia?" nagaalangan tanong nito.

"Exactly!!" sigaw nito.

Napahilot nalang si Mike sa sintido nya dahil talagang nababaliw na si Bernadette.

"Bakit yung mga Valencia nanaman na yun?!" sigaw nito sabay hampas ng lamesa na dahilan para magulat si Bernadette.

"Alam mo naman diba na hindi pa ako tapos sa kanila.. dahil sila ang sumira ng pamilya ko, kaya sisirain ko din sila sa mas malalang paraan, iisa-isahin ko silang mag-ina hanggang maubos sila." nakangiting sabi nito.

"Bernadette--" pagapila ni Mike.

"Hindi mo ko mapipigilan Mike, buo na ang desisyon ko si Nouel ang may kasalan kung bakit namatay ang asawa at anak ko." nagumpisa na maggalaiti si Bernadette.

"Ang kasalan ng isa pagbabayaran ng lahat." dagdag pa nito.

"Don't worry Mike susubaybayan mo lang naman ang bawat galaw ni Celine eh, wala kang dapat patayin dahil after ng mga plano ko for sure sila ng mag-ina ang magpapatayan." ngumiti lang si Bernadette kay Mike ng parang isang demonyo.

Napalunok nalang si Mike sa mga binabalak ni Bernadette.

"Alam mo, hindi na ikaw yan, hindi na ikaw ang una kong nakilala na Bernadette, ibang iba ka na!!" nanginginig na sigaw ni Mike habag dunuduro si Bernadette.

Napatayo si Bernadette sa kinauupuan nya dahil sa mga sa sinabi ni Mike.

Agad naman syang napayuko. "Sila ang bumago sa akin.."

"Hindi ko ginusto to, sila ang nagumpisa ng larong ito kaya naman this time ako naman ang tatapos." sabi ni Bernadette sabay angat ng ulo nito.

HeardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon