Part 23

460 18 0
                                    

NAGISING si Sara kinabukasan na kulong ng malalaking bisig ni Benjamin. Napangiti siya saka pinakatitigan ang pinakagwapong mukhang nasilayan niya. At nang mapadako sa mapupulang labi ng binata ang kanyang paningin ay mabilis siyang pinamulahan. Kagabi, nagawang punuan ng mga halik at haplos sa kanya ni Benjamin ang mahabang panahong pagkakawalay nila sa isa't-isa. Isa iyon sa maraming dahilan kung bakit hindi niya pinagsisisihang ipinagkaloob niya rito ang sarili niya. At kung sakali man halimbawang maibabalik ang virginity niya alam niyang walang pagdadalawang isip niyang ibibigay muli iyon sa binata.

"Good morning" nagulat pa si Sara nang marinig ang sinabing iyon ng katabi.

Lutang ka kasi kaya hindi mo napansing kanina ka pa niya pinanonood na nakatanga sa kanya. Ang kabilang bahagi ng isip niya.

"Good morning" ang napapahiya niyang sabi saka pasimpleng pinakawalan ang sarili mula sa mahigpit na pagkakayakap parin sa kanya ng binata.

Ngumiti si Benjamin saka gumalaw at umibabaw sa kanya. Napasinghap siya nang maramdaman ang bagay na nasa pagitan ng mga hita nitong nakadaiti sa kanyang puson. Namumula ang mukhang umiwas siya ng tingin rito pero tumama naman ang mga mata niya sa malapad nitong dibdib. Napansin niya ang contrast ng kamay niyang nakalapat sa morenong dibdib ng binata.

"Masyado ba akong maitim kung ikukumpara sa'yo?" ang aliw na tanong sa kanya ni Benjamin kaya siya napatitig sa binata.

Umiling siya. "Moreno ka, at gusto ko ang complexion mo" pagsasabi niya ng totoo.

Maganda ang ngiting pumunit sa mga labi ng binata. "Yeah?"

Tumango siya. "Oo naman" tawa pa niya.

Maaliwalas ang mukhang hinaplos ni Benjamin ang kanyang noo. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito sa nag-aalalang tono.

"Okay na ako, salamat sa pag-aalaga mo" aniya.

Umangat ang sulok ng binata saka nagsalita. "Ano lang pala ang kailangan mo eh" tukso nito.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig saka hinampas ng mahina ang braso ng lalaki. "Oy hindi ah!" aniya.

Hindi naniniwalang ngiti ang sumilay sa mapupulang labi ni Benjamin. "Talaga lang ha?"

"Oo naman no!" aniya.

Umiling ang binata saka tila nanunuksong sinimulang halikan ang kanyang mukha. "Hindi ako naniniwala" naramdaman niya ang kamay ni Benjamin sa kanyang dibdib kaya malakas siyang napasinghap.

"P-Please stop" aniyang namumula ang mukhang tinitigan ang binata.

Wala na sa mga mata ni Benjamin ang amusement at sa halip ay matinding paghahangad ang nakita niyang rumehistro doon. Dahil doon ay naramdaman niya ang mainit na likidong umagos sa kanya. At gawa narin ng patuloy na paglilikot ng kamay ng binata ay tuluyan na nga kumawala sa kanya ang isang mahinang ungol. Noon naman siya nito niyuko saka hinalikan.

"I want you again, Sara" bulong nito sa kanya.

Napasinghap ang dalaga nang maramdaman niya ang mainit na labi ni Benjamin sa kaniyang punong tainga. Kahit hindi niya aminin, talagang gusto niyang maulit ang nangyari sa kanila kagabi ng binata. At may palagay siyang nararamdaman iyon ng lalaki.

"B-Benjie, this is not right" aniyang nakagat pa ang pang-ibabang labi nang bumaba na sa kanyang leeg ang maliliit na halik ni Benjamin.

"We're engaged hindi ba?" paalala pa nito saka hinawakan ang mukha niya at maingat na iniharap dito. "masaya akong makitang suot mo parin ito" saka dumako sa dibdib niya ang mga mata ng lalaki.

Tumango siya. Ang singsing na ruby ang tinutukoy ni Benjamin. "Kahit kailan wala akong planong hubarin at alisin siya" pagsasabi niya ng totoo.

"Alam ko, hindi ko siya napansin kasi lagi siyang natatakpan ng damit mo. Parang tayo noon, nagtatago. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asang minsan isusuot mo rin siya sa daliri mo, kung saan siya nararapat" nag-init ang mga mata niya nang makuha ang ibig sabihin ni Benjamin sa sinabi nito pero nagpigil siya.

Nang yukuin ng binata ang kwintas para dampian iyon ng halik ang napasinghap siya. Pagkatapos ay itinaas muli nito ang mukha at mga labi naman niya ang inangkin nito. At doon na nga tuluyang nalunod ang kanyang pagtutol. Parang kagabi, tinugon niya ang maiinit na halik sa kanya ni Benjamin, habang ang mga haplos nito ay ginagantihan niya ng mahihinang singhap at ungol.

Sa ikalawang pagkakataon ay muling pinag-isa ni Benjamin ang kanilang katawan. At masasabi niyang noon niya naramdaman ang tunay na kaligayahan. Kumapit siya ng husto sa balikat nito dahil nanatiling kulong ng mga labi nito ang kaniya. Habang pikit-matang ninanamnam ang paraan ng pagpapadama ng binata ng pagmamahal sa kanya.

SABADO nang magising siyang wala na sa tabi niya si Benjamin. Simula kasi nang may mangyari sa kanila ay pirming doon na natutulog ang binata sa kwarto niya. Hindi naman nila pinagkasunduan ng binata ang tungkol doon pero wala siyang planong putulin iyon. May palagay kasi siyang nagkakaintindihan parin sila ng dating nobyo, kahit hindi sila mag-usap. At hindi iilang beses naring naulit ang nangyari sa kanila. At gusto niya iyon, sinungaling siya kung hindi niya aamining inaabangan niya iyong gabi-gabi.

Bumangon siya at sa banyo nagtuloy para maligo. Pagkatapos ay lumabas siya at saka nagtuloy sa kusina. Doon inabutan niya ang binata na gaya ng dati ay abala sa paghahanda ng agahan. Nakangiti siyang humakbang palapit rito saka mula sa likuran ay mahigpit itong niyakap.

"Good morning Benjie" ang naglalambing niyang sambit saka inilapat ang kanyang pisngi sa likuran nito.

Mula sa pagtitimpla ng kape ay pumihit paharap sa kanya ang binata. Nakita niya ang maganda nitong ngiti. "Alam mo talaga ang weakness ko" anitong dinampian siya ng simpleng halik sa kanyang mga labi. "good morning" anito pagkatapos.

Umikot ang mga mata ni Sara saka nanunuksong ipinaloob ang sariling kamay sa laylayan ng suot na tshirt ng binata. Maingat na kinapa ang matigas nitong dibdib saka iyon inihaplos pababa, sa tila pandesal na tiyan nito. "Mukhang ito ang gusto kong almusal Benjie" ang tinutukoy niya ay ang perpektong abs ng binata.

Tumawa siya ng mahina pero hindi ang binata. Sa halip ay nagmamadali nitong inangkin ang kanyang mga labi saka siya itinulak idinikit ng tuluyan sa kitchen wall. Nabigla man ay mas nanaig ang matinding excitement sa dibdib niya. Kaya para pagningasin pa ang pananabik sa kanya ng binata ay mas ginawa niyang mapusok ang paraan ng paghalik dito. At nagtagumpay naman siya dahil sa naging reaksyon ng lalaki sa ginawa niyang iyon.

Hinawakan ni Benjamin ang laylayan ng suot niyang bestida, itinaas, saka iyon inihulog sa sahig. Pagkatapos ay isinunod nito natitirang saplot hanggang sa wala na ngang maiwan. Siya man ay gumawa ng sariling eksplorasyon sa katawan ng binata. At hindi nagtagal pareho na nga nilang malayang napagmamasdan ang kagandahan ng bawat isa.

"Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin pero ayoko nang itigil ito Sara, hindi ko na gustong itigil ito" paanas at puno ng pananabik pang sambit ng binata bago siya itinaas at sa mabilis na paraan ay nagawa nitong pag-isahin ang kanilang katawan.

"Oh Benjie!" ang tanging nasambit niya. Inilapit niya ang mukha sa binata saka ito hinalikan.

Gaya nang mga nakalipas na, manipulado ni Benjamin ang lahat habang siya ang nagpapaubaya. Siya ang tumatanggap ng pagkatalo at siya ang nagbibigay. At walang anuman iyon sa kanya, dahil ang totoo gaya nito ay wala narin siyang planong itigil ang ginagawa nila, dahil mahal niya ito. Mahal na mahal niya si Benjamin.At iyon ang dahilan kung bakit hindi niya ito kayang tanggihan. Kung bakit gusto niya ang lahat ng gusto nito. At kung bakit willing siyang ipagkaloob ng kahit ilang ulit pa ang sarili niya sa binata.

UNBROKEN VOW (JOURNEY TO FOREVER SEQUEL: UNEDITED_TO BE PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon