Chapter 1
"Venice! Pinapatawag kana ni Senyora! Ubos na daw!"
Napaitlag ako sa pag tunga nga kasama itong asong si Bruno ng tinawag ako ni Aling Bibang.
Naglalako ako ng mainit na toron araw araw at isa ang napakaling modernong bahay nato sa pinag lalakoan ko.
"Andyan na po!"
Pinagpag ko ang lumang daster na suot ko dahil sa dumi doon dulot ni Bruno tumakbo agad kahit diko pa alam kung na ayos naba talaga ang damit ko.
Bumungad sakin ang magandang tanawin ng harden ng mga Vasquez. May isang round table na kung saan lagi'y naabutan ko si senyorang nag memeryenda. May mga halamang cactus din at ibat-ibang uri ng mga bulaklak.
"Hija bumalik ka bukas at may mga bisita ako uuwi ang mga anak at mga apo ko galing sa manila ipapatikim ko itong gawa mo"
Mabilis akong tumango. Ayos! Madadagdagan ang ipon ko para sa kubo. Nabutas iyong bubong na gawa sa nepa kaya napapasokan ng ulan yung silid mahirap tuloy gumalaw tuwing umuulan.
"Ah senyora alis napo ako mag hahanda pa po ako magdidilim nandin po kasi" pag papaalam ko tumango si senyora saka ngumiti hudyat na iyon para umalis ako.
Ngumiti ako kay Aling Bibang na ngumunguya ng toron na gawa ko nag okay sign lang siya dahil puno pa ang bibig niya, saka ko kinuha ang basket na may lamang bayad ni Senyora.
Bago tumulak kumaway nadin ako sa naka simangot na gwardya sa malaking gate nila bago nagpatuloy sa pag takbo, nasa dulo ng subdivision nato ang tinitirhan ko bakanteng lupa iyon ng napadpad ako dito kaya naisipan kung mag tayo ng kubo.
Simpling kubo lang iyon at walang gaanong gamit. Pang isahang tao lang. Wala namang bumibisita sa bahay kaya ayos lang. Matatawa lang ako pag may pumunta dito kasi imposibling imposibli yun.
Ayaw pakong payagan na mag tayo ng kubo dahil subdivision nga ito pero dahil sa tulong ni Aling Bibang naging okay iyon. Impluwesya nadin siguro ng amo niya na si Senyora. Malaki talaga ang tulong nila sakin.
Darating yung araw mapapa alis din ako dito, nag e expand na kasi ang subdivision, sa oras na mapansin iyong espasyong iyon hula ko ay tatayuan na din.
Nang dumating ako binuksan ko ang kawayang pintoan saka nilapitan at inayos ko din agad ang sako at lumang plywood sa butas na bubong.
Malabo itong tumagal dahil maulan at luma na din. Umupo ako sa kama at inayos ang higaan ko alas sinco pa naman ng hapon pero ganito na ang laging ginagawa ko maaga kung mag ayos.
Nagwawalis sa bakuran nag iigib ng tubig at bumibili ng pagkain para sa hapunan. Minsan din kapag may sobra akong toron yun nalang ang kinakain dahil mas nakakatipid pa ako.
Mulat ako sa bahay ampunan pero dahil sa kalupitan ng mga namumuno doon ay kabilang ako sa mga batang tumakas.
Dalawang taon na din ang lumipas at hindi naman ako nahanap siguro kapag nahanap ako walang silbi iyon dahil na sa tamang edad na naman ako.
Kinaumagahan namili ako sa palengke ng saging,ubos din ang oras ko sa pag sa-sideline. Pagbubuhat ng mga gulay sa suki at pag hiwa ng mga isda nila doon kahit ano pinapatos ko na. Kapag minsan naglalako din ako sa palengke pan dagdag kita.
Nang nagtanghali naligo at nag balot na ako ng saging para sa pagluluto.Natulog muna ako ng ilang oras bago naisipang magluton nakakapagod pero kailangan. Nag iipon din ako para sa pag aaral ko sa koleheyo. Malapit na iyon at first year college ako sa pasokan sa kursong Education.
Eksaktong alas tres na ng hapon at tapos na akong magluto, halatang tirik ang araw ngayon. Ganon naman lagi tirik ang araw maya maya uulan ika nga nila ang buhay weather weather lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/205209379-288-k879924.jpg)