Chapter 4
Matapos ang iyakan namin nila Senyora ay dinala niya ako sa bahay niya. Hindi lang pala siya ang dumalo sakin pati ang buo niyang pamilya. Hiyang hiya tuloy ako dahil sa ginawa ko.
Niyakap ko si Senyora kahit ang dumi ko, malungkot ang mga mata ni Harith ng ngitian niya ako, samantalang ang kuya niya naman ay titig na titig lang sa akin at walang emosyong pinapakita.
Pagdating namin sa bahay nila ay pinaupo agad ako ni Senyora. Samantalang si Aling Bibang naman ay agad akong binigyan ng tubig. Ininom ko iyon at yumuko sa hiya.
"May idea kaba hija kung sino ang gumawa nito?"
Agarang tanong ni Senyora. Umiling lang ako, dahil wala naman talaga. Wala akong alam na pwedeng gumawa nito sa akin. Sino naman ang magagalit sa akin wala naman akong naging kaaway dito.
Napaisip din ako, subdivision ito. Panong may ibang nakapasok o may hindi naka halatang sinunog ang tirahan ko?
"Pasensya na po sa abala"
Paumanhin ko sakanilang lahat at hindi na inisip ang nangyari. Wala na naman tapos na at hindi na mababalik.
Ang iniisip ko nalang ngayon ay ang titirhan ko. Wala na akong ibang maisip kundi kapalan ang mukha ko kay Senyora. Hinarap ko siya at hinawakan ang kamay.
"Kung okay lang po sa inyong mamasukan akong katulong niyo Senyora"
Bago paman maka sagot si Senyora ay sumabat na si Maam Carmela.
"Mama kung okay lang sana sa akin nalang si Venice manilbihan. Kilala mo siya at may tiwala ako sa batang ito"
Diritsong saad ni Maam Carmela na parang siguradong sigurado na.
"Ma!"
Nagulat kaming lahat sa reaksyon ni Faustine. Anong problema? Hindi niya ba gusto ang ideyang yon?
"Bakit Samuel? May problema kaba roon?"
Napa kunot ang noo ko sa binangit na pangalan ni maam Carmela.
Akala ko ba Faustine? Bakit Samuel ang tinawag sakanya?
Tinapik ni Harith ang balikat ng kuya niya at umiling.
Kumunot ang noo ni Faustine at umiwas ng tingin sa inang nagtatakang tinititigan ang anak. Hindi pa din mawala sa isip ko na Samuel ang tinawag ni Maam Carmela sa anak. Pano?
"As i was saying, sakin ka mamasukan Venice kung okay lang sayo at kay mama"
Ngumiti sakin si maam Carmela bago tumingin sa Ina. Tumango naman si Senyora Carmelita sa anak.
Kaya sino ba ako para humindi, maynila na iyon at may tsansa pa akong makapag aral sa maayos na skwelahan kapag naka pag ipon ako doon kina Maam Carmela.
Na antig ang puso ko dahil kahit ganon ang nagyari sakin ay may mga tao palang kagaya nila na tutulong sakin. Bukas na bukas din ay agad ang balik ng pamilya ni Senyora sa maynila.
Kinabukasan ay nag handa na kaming lahat para sa pag alis. Bago ang damit na suot ko ngayon, may limang daster akong galing sa mamahaling Brand at limang sapatos din.
Hindi ako sigurado pero binili daw iyon ni Faustine para sakin nung umalis siya ng gabing iyon. Hiyang hiya ako at hindi pa nakakapag pasalamat dahil si Harith ang nag abot sakin ng lahat ng iyon pagkagising ko.
Naluluha pa si Senyora dahil aalis na daw ako at hindi siya sanay na wala ako dito. Mas naluha pa siya sa pag alis ko kaysa sa mga anak at apo niya.
