Chapter 3

22 9 8
                                        

Chapter 3

"Yun ang sabi ni Lola. Isama daw kita"Dagdag pa niya.

Napanguso naman ako sa naisip. Sos, akala ko pa naman.

"Saglit lang"nilagay ko ang basket sa baba ng kama ko at lumabas na. Nakita ko siyang naka kunot noo na namang nakatingin sakin. Naglakad ako palapit sa kanya.

"Won't you lock the door?"

"Hindi na ayos lang naman yan. Walang mag nanakaw sa subdivision niyo senyorito"natatawang saad ko. Naglakad na ako at sumunod naman siya. Tahimik lang kami hangang sa makarating sa bahay ni Senyora.

Pagdating namin doon ay handa na ang lahat. Nakasakay ang pamilya ni Senyora sa isang itim na pampamilyang sasakyan. Kumaway pa nga sakin si Harith ng naabutan ko siyang papasok kanina, habang kami naman nila Senyora at Aling Bibang nasa pick up.

Ito yung ginagamit ni senyora pag pumupunta kami ng farm.  Sabado nga pala ngayon, hindi ko man lang namalayan ang araw.

Pagdating namin sa Animal Farm nila Senyora ay tumambad sa amin ang mga taohan nilang, abala sa pag bubuhat ng dayami, at kung ano ano pang pagkain ng mga hayop.

Masayang bumaba ang pamilya ni Senyora at agad na pasyahang pumunta sa bahay bahayang pahingahan ng mga trabahante para ilapag ang mga dalang pagkain.

Hindi naman kami agad na kumain, na pag pasyahan nilang mag libot libot sa malawak na animal farm nila Senyora.

Sila senyora ay pumunta sa baboyan dahil gusto raw tingnan ni Sir Mateo yun para sa pag ta transport ng karne sa maynila.  Kasama ni senyora iyong Si maam Carmela yung magulang nila Harith at Maam Evilyn na asawa naman ni Sir Mateo saka yung baby.

Kaming dalawa naman ni Aling Bibang ay nag aayos ng mga pagkain para sa pag balik nila Senyora.

Napatingin ako sa dalawang nag sasapakan sa malawak na lupain kasama ang dalawang kabayo. Pinag aagawan ata nila iyong puting kabayo.

Pabiro lang naman ang sapakan nila at tawa tawa pa. Titig na titig ako sa mukha ng kuya ni Harith habang naka ngisi ito. Mas lalong gumwapo at mas lalong naging maangas ang dating non para sa akin. Masaya na sana kung hindi siya lumingon sa gawi ko pero nilingon niya ako at nakita niyang nakatitig ako sakanya.

Umiwas ako ng tingin at pinag patuloy ang pag aayos, masyadong nakakasilaw ang titig niya.

Parang sikat ng araw na kahit anong lagay ng kamay ko sa mata ko para hindi masinagan ay tumatagos parin ang mga titig niya,  lalo itong umiinit at nanonoot sa akin.

Hindi ko na sila nilingon ulit pa. Nagsalin ng juice si Aling Bibang sa pitsel galing sa dispenser kaya tinulungan ko naman siya.

"Venice!"napabaling ang tingin ko kay Harith na sumigaw at kumakaway sakin.

"Mangabayo tayo!"kasunod na sinabi niya. Nilingon ko ang kuya niyang hinimas ang tila'y buhok ng kabayo.

"Ayoko! Hindi ako marunong!"ganting sigaw ko kay Harith na sumampa na sa kabayo.

Tumango naman siya at nagpa alam na para patakbohin ang kabayo. Kasunod niya naman ang kuya niyang seryosong naka hawak at nagpapatakbo ng puting kabayo.

Pagkatapos naming mag ayos ni Aling Bibang nag paalam ako para puntahan ang itikan nila senyora. Tirik na tirik ang araw ngayon kaya alam kung mainit ngayon sa itikan. May nag aalaga naman doon pero gusto kung silipin kung ano nang kalagayan ng mga 'to.

Pagdating ko, maingay na kumakain ang mga itik. Magulo din sila, panay ang talak ng mga bibig kahit kumakain. Maputik at madumi ang balahibo nila, siguro ay binasa ang lupa na kinulungan nila dahil tag tuyot't. Ilang araw na din kasing hindi umuulan.

UnshadedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon