Chapter 2

26 8 5
                                    

Chapter 2

Ngumuso ako at nag padyak na din. Sumusunod lang kung saan sila lumiliko.

Habang nag lilibot ang paningin ko napadako ito sa malapad na likod ng lalaking nasaharapan ko.

Tahimik lang ito habang si Harith naman ay walang tigil sa pag tatalak tungkol sa gusto niyang mangyari na lumabas ng subdivision.

Okay lang naman siguro iyon. Wala naman akong pamilya na mag hahanap sakin. Napatigil ako sa pag iisip ng nagsalita sa wakas ang magiting na tagapakinig.

"Mauna ka."

Saad niya sakin, hindi ko namalayang tumigil na pala siya sa harap ko. Nakita kung kumaway si Harith na nasa kabilang kalsada na pala. Kumaway din ako at ngumisi bago hinarap ang nasa harapan ko.

"Cross the street"

Bagot niyang sinabi, ngumuso naman ako bago nagpadyak para sa pag tawid. Wala namang sasakyan masyado kaya maayos akong nakatawid. Hindi na ako lumingon pa at nag tuloy tuloy na sa pag padyak para mapantayan si Harith.

"Anong sabi ni kuya?"

Nilingon niya ang kuya niya saka nag hintay ng sasabihin ko.

"Wala naman"

Nagkibit balikat ako at binilisan ang pag padyak. Iniwan ko silang dalawa doon.

"Ang daya mo!"

Sigaw ni Harith natawa ako at naramdamang sumunod siya kaya mas binilisan ko pa. Tawa ako ng tawa dahil rinig ko na ang tunog ng bisiklita ni Harith ang saya pala. Parang bumalik ulit ako sa pagka bata. Masaya iyong ganito, walang problema wala kang iniintindi sa pang araw araw.

"Dahan dahan lang"

Nagulat ako ng si Faustine ang nasa harap ko at hindi si Harith.

"H-ha?"

"Slow down"

Kalmado niyang sinabi at inunahan ako sa pag papadyak. Binagalan ko naman kaya naabutan ako ni Harith.

Ngumisi ito sakin na parang may nakitang nakakatuwa. Kumunot ang noo ko sa inasal niya napanguso na naman ako.

"Ano?"

"Wala naman" humalakhak siya saka nag patuloy lang sa pag papadyak kasabay ko.

Malayo ang inabot namin umabot pa kami sa Market City. Ewan ko sa dalawang ito sumunod lang naman ako. Pagod na pagod na ang mga binti ko sa pag balik namin sa subdivision. Nasa gitna nila ako pabalik nauna si Harith at huli naman ang kuya niya.

Pag dating namin sa bahay nila Senyora gabing gabi na kailangan ko na ding umuwi para mag handa ng haponan.

Pumasok kaming sabay at nilagay sa likod ng halaman na santan ang bisiklita. Masyado talaga akong pagod, hinilot hilot ko pa ang mga binti ko.

"Ayos ka lang?"

Tanong ni harith, tumango naman ako at nag okay sign.

"Uuwi na ako" paalam ko, bago makasagot si Harith ay lumabas si Aling Bibang sa pintuan.

"Andyan na pala kayo senyorito" salubong ni Aling Bibang. Ngumiti ako sa kanya ng nag gawi ang paningin niya sakin.

"Dito kana mag haponan hija sabi ni Senyora"

Hindi man lang ba mag tatanong si Aling Bibang kung saan kami nang galing? Hmm. Ipinag kibit balikot ko iyon saka sinagot siya.

"Nakakahiya naman po pero hindi po ako tatangi Aling Bibang, hindi kasi ako nakapag handa at gutom na din ako e" nahihiyang saad ko.

UnshadedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon