Chapter 5
Kumunot agad ang noo ng Kuya ni Harith dahil sa tawa niya. Gusto kong sakalin si Harith dahil hindi ko alam bakit siya tumatawa, pero dahil magiging amo ko na siya ay baka palagpasin ko nalang ito.
Tinapik lang niya ang balikat ng kuya niya bago niya kaming iwan na dalawa. Nagsalita naman agad si Faustine pagka alis ng kapatid niya.
"You should rest"mahinang sinabi niya. Sa sobrang malumanay nito akala mo'y hinihele ka.
"Hindi ba ako magsisimula ngayon?"takang tanong ko.
"No"
Tumango lang ako at nilaro ang mga daliri habang nag aantay kong may sasabihin pa ba siya.
"Get in now. I'll rest too. Mamaya pa dadating si Mama kaya mamaya pa natin malalaman kung anong gusto niya para sayo"titig na titig niyang sinabi sa akin.
Ang walang hiyang puso ko naman ay kumakalabog na naman at parang lalabas sa dibdib ko. Nakakabingi sa sobrang lakas nang pintig nito.
"O-okay salamat Senyorito"sa kaba ko ay agad kong sinarado ang pintoan ng malakas.
Pati ako ay nagulat sa ginawa ko. Namilog ang mga mata ko nang naisip ang nagawa ko. Bakit ko naisipang pag-sarhan ng kwarto nang ganon si Faustine?
Ginulo ko ang mga buhok ko saka pabagsak na humiga sa malambot na kama at ipinikit ang mga mata. Nakakahiya ang ginawa ko sobra. Ano nalang ang sasabihin ni Maam Carmela kapag nalaman niyang ganoon ang ginawa ko sa anak niya?
At bakit ba ako kinakabahan? Kung si Harith naman ay ayos lang sakin. Bakit sakanya ganoon parati ang reaksyon ko. Walang mintis sa kaba.
Halos umiyak ako sa hiya sa sarili ko.Dahil sa pagod sa byahe ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Basta ay nagising nalang ako dahil sa mga katok sa pinto. Dali dali akong bumangon at inayos ang buhok bago pag buksan ang kung sinong kumatok.
"Hija pwede ba kitang makausap?" kinabahan agad ako sa sinabi ni Maam Carmela.
"P-pasok po muna kayo Maam"kinakabahan kong sinabi.
Pumasok naman siya at umupo sa kama. Nahiya tuloy ako, hindi pa kasi ako nakakapag ayos sa kwartong ito. Sumunod ako at umupo ng may distansya kay Maam Carmela.
Mabilis ang tambol ng puso ko baka dahil ay nagsumbong na ang anak niya at papa alisin na agad ako ni Maam Carmela dahil dun.
Huwag naman po sana. Kailangang kailangan ko ang trabahong ito. Natigil ako sa pag iisip nang nag simula ng mag salita si Maam Carmela pinigilan ko ang pag hinga ako at umupo ng tuwid.
"Aalis kasi kami ng asawa ko, pupunta kami ng ibang bansa at alam kong hindi kapa sanay sa Maynila kaya iiwan na muna kita sa mga anak ko. Bakasyon pa naman at baka sa pasokan na ang uwi namin ng asawa ko" huminga muna si Maam Carmela bago ipinag pa tuloy ang sasabihin.
Naibuga ko ang pinipigilan kong paghinga kani kanina lang. Jusko naman, akala ko kong ano na. Ngumiti ako at tumango lang sa sinabi ni Maam Carmela. Ipinagpatuloy niya agad ang mga mukhang bilin pa niya bago umalis.
"Nandito ang dalawang anak ko, si Samuel aalis yan pag uwi namin dahil nag aaral siya sa ibang bansa. Pero dahil silang dalawa pa ang nandito ngayon ay ang trabaho mo lang ay pagsilbihan sila. May iba't ibang gawain na kasi ang lahat ng katulong dito at wala akong ibang mabibigay sayo na trabaho"tumango ako at kalaunan ay nag salita din.