Chapter 6
Agad na sumilay ang ngiti sa labi ni Faustine nang marinig niyang binangit ko ang pangalan niya, kahit pinipili niyang ngumuso ay nakikita ko pa din ang kurba ng labi niyang nagsasabing masaya ito dahil doon.
Lumayo siya ng konti at agad na kinuha ang first aid kit at pumanhik siya ng tahimik papunta sa banyo. Kaya ako naman ay napatunga-nga lang at pinakiramdaman ang ingay ng puso.
Pwede bang huminahon ito kahit saglit lang? Hindi kasi ako makapag isip ng maayos kapag nagiingay na ang traydor kong puso. Umiling uling ako at huminga ng malalim.
Sa sumunod na araw sa tingin ko okay na naman ang sugat ko pero ang sinabi sa akin ni Faustine bago ako nakalabas ng kwato niya ay bawal ko daw iyong basain kaya yun nga ang ginawa ko.
Ang hirap lalo na't naligo talaga ako, intinaas ko nalang ang paa para siguradong diko mababasa. Hindi naman mahirap gumalaw dahil malaki ang cr dito sa kwartong ito. May bathtub din pero hindi ko naman ginamit iyon dahil nakakahiya.
Buong araw ay inabala ko lang ang sarili ko sa pagtulong sa mga katulong dito, lahat naman sila ay willing akong tinuturuan sa gawaing bahay, marunong naman ako kaso hindi ako marunong paano gamitin ang mga high-tech na kagamitan nila.
Gustohin ko mang pagsilbihan ang mga anak ni Maam Carmela ay buong araw namang wala ang dalawa. Sa pagkaka alam ko ay nasa mining site sila at tinitingnan iyon dahil wala ang mga magulang.
Alas otso na ng gabi ay wala pa din sila Harith at Faustine. Kaya pumanhik na ako sa kwarto ko agad pagkatapos naming kumain kasabay ang mga katulong.
Nakatitig lang ako sa maliwanag na buwan galing sa bintana nitong kwarto dahil hindi pa naman ako dinadalaw ng antok.
Sa pagka bagot ko ay naisipan kong bumaba nalang muna ulit at magpahangin sa may pool side nila. Malaki ito at sobrang tingkad ng kulay asul na tubig dahil sa sinag ng buwang tumatama dito.
Wala na marahil ang mga katulong dahil oras ngayon ng pahinga. Umupo ako sa gilid ng semento at dahan dahang nilunod ang mga paa ko sa malamig na tubig. Tumingala ako at niramdam ang malamig na simoy ng gabi at ang tubig sa aking mga paa.
Ginuhit ko ang mga bituin na naka konekta sa bawat isa gamit ang aking daliri. Lagi ko itong ginagawa noon sa tuwing napapagalitan kami sa bahay amponan noon, pinapalabas kasi kami at doon kami nag papalipas sa palaruan nang halos dalawang oras bago kami pinapatulog dahil sa kasalanang nagawa.
Hindi ko lubos maisip na makakarating ako sa puntong ito lalo na't makaka abot ako ng maynila sa ganitong paraan.
Kahit masakit sa akin ang mawalan ng bahay ay may parte sa aking hindi na masyadong nanghihinayang dahil may mas malaking opportunidad na dumating naman pagkatapos noong trahedyang naranasan ko.
"What we're you doing?"nagulat ako nang marinig ang pamilyar na mababang boses ngunit kalmado parin ang dating nito, agad ko ding binaba ang kamay kong nasa ere kani-kanina lang.
Nilingon ko ang pinang galingan noon at nakitang naka pamulsang nakatayo sa likod ko si Faustine, nakatingala ito sa itaas na puno ng mga bituing nag bibigay liwanag sa madilim na kalangitan kasama ang buwan.
Imbis na sumagot ay pinilit kong dumungaw sa mukha niyang lalong tumingkad ang ka-kisigan.
Mamula mula ang mukha niya ngayon, kasama noon ay ang walang kupas na kapulahan ng kanyang manipis na labi na lagi kong napupuri sakanya, pati na din ang mapupungay niyang mata na ang kaibahan lang ngayon ay halata kong pagod ito at tila pinipilit nalang na magising ngayong gabi.
Tumayo ako at pinagpag ang pang gabing daster na bigay ng isang katulong kaning umaga. Nalaman nila ang nangyari sa akin dahil nagtatanong sila saan ako galing kaya napa kwento na ako.