Kabanata 4

76 22 1
                                    

"Ate, ayos ka lang ba? Buti naman at gising ka na." naaninag ko agad ang nag-aalalang mukha ng aking kapatid nang sandaling minulat ko ang aking mga mata.

"Anong nangyari?" pagtataka kong tanong habang inililibot ang aking mga mata sa loob ng kuwartong ito. Hindi nga ako nagkakamali, ito na ang kuwarto ko sa Maynila.

"Sandali, diba nasa Zambales lang tayo kahapon? Anong nangyari Justin?" sunod-sunod kong tanong sa aking kapatid.

"Nahimatay ka Alliah, isusugod pa sana kita sa hospital apo kaso sinabi ng kapatid mo na hindi mo magugustuhan kung sakaling abutan ka ng umaga doon" bigla ko namang naaninag si lola na pumasok sa aking kuwarto.

Nang mga oras na 'yon ay pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi. Ngunit ang tangi ko lamang naalala ay kinamusta ni lola ang kalagayan ko.

"Alliah, I told you to see your doctor naman diba?"matapos ipaalala ni lola ang mga bagay na hinding-hindi ko na gagawin, isa lamang ang sigurado ako, walang pupuntahan ang usapang ito.

"Justin, wala ka bang pasok?" pag-iiba ko sa usapan. Batid kong napakunoot ng noo si lola ng hindi ako sumagot sa tanong nito.

"Ah-eh kasi ate nag-alala ako sa'yo. Wala naman kaming masyadong gagawin sabi ng mga kaklase ko. Ang mahalaga nandito ako sa tabi mo." batid ko ang pag-aalala sa mga mata nito. Tila hindi nga lubos akalain ni Justin na ganito ang mangyayari sa akin.

Lumabas si lola sa aking kuwarto dala-dala ang mga gamot na ininom ko. Nadapo ang aking paningin sa aking kapatid na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit na dinala ko sa Zambales.

"Justin, let me handle that. Kumain ka na ba?" pagtatanong ko.

"Ate, no I can do this besides wala na namang tutulong sa'yo kung hindi kami na lang ni lola. And yes, kumain na ako. Ikaw ba ate, nagugutom ka ba? I will get some foods na lang sa baba." pag-aalok nito.

"Hindi na baby boy, bababa na lang ako. Kaya ko naman na." napangiti ako ng bahagya habang nagsasalita.

Sumalubong sa aking pagbaba ang pag-aayos ni lola sa kusina. Alam kong lubha siyang nag-alala sapagkat hindi naman siya sasama dito sa Manila kung okay lang ako.

"La, ako na po riyan."

"Alliah, kumain ka na apo. Sandali lang at ipaghahanda kita." ngiting sabi nito.

"La, hindi na po, ako na po ang bahala." nakita ko naman ang pagtango niya.

"Alliah about the doc—"

"La, please, I don't wanna see any doctor." mariin kong sinabi.

"Pero apo..."

"Kaya ko po lola." hindi ko na muling narinig pang nagsalita si lola patungkol sa usapang ito.

"By the way Alliah, uuwi na ako mamaya. Mag-iingat ka lagi apo ah. Mag-ingat kayo ng kapatid mo." bakas naman ang mga ngiti sa labi nito.

Kinagabihan tahimik na muli ang bahay. Gaya ng isang normal na araw, tila ba wala na namang sigla ang bawat sulok nito. Umalis na si lola pagkatapos namin kumain ng hapunan. Gustuhin niya man daw na samahan na lang kami dito ay kailangan niya ng umuwi sapagkat may mga gawain siyang kailangang ayusin. Dumiretso ako sa kuwarto at agad na tinawagan ang mga kaibigan ko.

"Alliah hindi ka nagkukuwento sa akin, nagkita na pala kayo uli ni Cedric" batid ko ang kilig sa mga boses ni Alexa. Oo nga pala, wala si Alexa noong pumunta kami ni Angge sa bay walk kaya naman ngayon niya lang ako natanong about sa bagay na ito.

"Ano ka ba Alexa, nagdate na nga ang dalawang 'yan." panggagatong ni Angelina.

"Kayo talagang dalawa, nakamove on na raw 'yung tao. Hindi ko na rin gustong balikan pa ang mga araw na 'yun."

"Alliah, hindi natin maiiwasan 'yon. Lalo na at kaklase na natin uli 'yung mokong na 'yun."  nagulat naman ako sa mga tinuran ni Angelina.

"Totoo ba 'yan? Akala ko nagchange siya ng course?" pagtataka kong tanong.

"Paano mo nalaman? Ikaw beh ah, gusto mo rin naman 'yang si Cedric kunware ka pa."bigla naman akong napangiti sa sinabi ni Alexa.

"Teka nga, sagutin mo nga ako ng totoo Alliah. Kung liligawan ka ba uli ni Cedric ay sasagutin mo na?" pang-uusisa ni Angelina. Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Angge ang mga sinasabi niya pero bahagya akong napangiwi ng sandaling narinig ko ang mga sinabi nito.

"Sige na nga, maaga pa tayo bukas. Matulog na kayo. Bye!"

"Tila ang ganda ng ngiti natin ngayon ah." nagulat na lang ako ng biglang lumitaw sa harapan ko ang makisig na lalaki.

"Bakit nandito ka? Hindi naman kita tinawag."

"Alam mo binibini, nasisiyahan na akong dalawin ka tuwing gabi. Gustong-gusto kong marinig ang mga bagong kuwento mo lalo na sa masuwerteng ginoo na siyang dahilan kung bakit namumula ka ngayon." bahagya naman siyang tumawa sa mga bagay na sinabi niya.

"Loko! Anong masuwerteng ginoo?" tinago ko ang namumulang mukha ko sa lalaking nasa harap ko.

"Masuwerte ang lalaking mamahalin mo at ang magmamahal sa'yo." isang sincere na ngiti ang binitawan niya at halos matunaw ang mga mata ko nang sandaling nakita ko iyon.

"Jasper bakit ka nga pala umalis agad kagabi? Hindi ka rin nagpaalam sa akin." inis kong sabi dito.

"Bakit? Gusto mo ba na laging nasa tabi mo ako?" isang kindat naman ang binigay niya sa akin.

Hahabulin ko na sana siya para batukan kaso bigla ko na namang nakita ang ngiti nito.

"Can you stop smiling at me?Nakakainis!"

"Nakakairita ba?" dumiretso pa siya sa salamin at ngumiti ulit.

"Parang hindi naman, ang ganda nga ng dimples ko eh." tumalikod siya sa salamin at dumiretso sa puwesto ko. Lumapit ng bahagya si Jasper na tanging limang pulgada ang layo sa akin.

"Lumayo ka nga sa akin!" sigaw ko dito. Napansin ko namang natawa pa siya sa naging reaksyon ko.

"Maiba ako binibini, alam ko ang nangyari sa'yo kagabi. At hindi ko naman sinasadyang marinig ang usapan niyo kanina."

"Paano mo narinig 'yon?" pagtataka kong tanong sa kanya.

"May mga bagay na espesyal sa Moon Castle. Hindi lang kami basta messenger, ipinapakita o ipinaparinig din sa amin ng diyosa ang mga bagay na kung saan maari naming tulungan ang mga tao." paliwanag niya.

"Ano naman ang narinig mo?" tanong ko.

"Alliah, anong problema ng puso mo? At bakit hindi mo tinatanggap ang alok ng lola mo? Bakit ayaw mong pumunta ng hospital?" napantig ang mga tenga ko sa narinig ko. Hindi ko alam ngunit biglang napawi ang kasiyahan na nararamdaman ko kanina.

"Wala ka nang pakialam doon. Umalis ka na nga Jasper at matutulog na ako." isang malamig na boses ang binitiwan ko matapos sabihin ang mga bagay na iyon.

"Ngunit Alliah—" hindi ko na pinatapos ang gusto niyang sabihin tama na ang mga narinig ko. Ayaw ko na tanungin tungkol sa bagay na iyon. Hindi ako natutuwa.

"Alis! Hindi ko kailangan ng tulong mo" sigaw ko at tuluyan na siyang naglaho.

Nang nasiguro kong wala na si Jasper ay humiga na ako sa kama ko at sa parang bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko.

"Bakit ba ang kukulit nila? Sinabi ko namang okay lang ako. Kahit anong ipilit niyo hindi pa rin ako magpapahospital."

Tumingin naman ako sa litrato nila mom at dad sa may table ko. Ang ganda pa ng ngiti nilang dalawa. Hindi ko tuloy mapigilang maluha dahil ngayon hanggang picture na lang ang nakikita ko. Namimiss ko na sila!

"Mom, dad, hindi ko na alam kung kaya ko pa!"

Dear MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon