"Salamat Kuya Jeffrey." nakangiti lang ako sa kanya habang nilalagay ang mga gamit namin ni Justin sa compartment ng kotse.
"Ate, ako na ang magdadrive." tinaasan ko naman ng kilay si Justin pero hindi niya ako pinansin at tumuloy na sa driver's seat.
"Ma'am ayos na po ang lahat. Mag-iingat po kayo sa biyahe." sabi ni Kuya Jeffrey sa akin. Hindi kasi siya ang magdadrive sa amin papuntang Batangas. Uuwi rin naman kasi siya sa family niya to celebrate Christmas.
"Kuya, if you need a car you can use the sports car." nakita ko naman nagliwanag ang mata ni Kuya Jeffrey. Binigay ko sa kanya ang susi noong sports car at binalaan siyang huwag gasgasan 'yon kasi mayayari talaga ako kay lola.
Binuksan ko naman ang pinto sa back seat para lokohin ang kapatid ko na doon ako sasakay.
"Luh, ano ako? Driver mo?" natawa naman ako at lumipat na sa shotgun seat.
"Parang kakakuha mo lang ng license mo tapos magdadrive ka nang sobrang layo." tinaasan ko siya ng kilay bago sinarado ang pinto ng kotse.
"Gusto mo ikaw magdrive? Binigyan na nga kita ng pribilehiyo para makatulog ka habang bumabiyahe tayo." agad naman akong napaisip sa sinabi niya.
"You know the way?" seryoso tanong ko sa kanya.
"Seryoso? Anong ginagawa ng waze? Besides susundan naman natin kotse nila Alexa." napatango na lang ako at sinimulan niya ng paandarin ang kotse.
"Oh, I remember, dadaanan muna natin si Angelina." pagpapaalala ko pa sa kanya at agad naman siyang tumango.
Pagkarating namin sa bahay nila Angelina ay agad kong napansin ang dala niyang malaking maleta. Agad ko naman hinampas si Justin para tulungan si Angelina na ilagay 'yon sa compartment. Nakita kong napakamot pa siya ng ulo bago sumunod.
"Bakit ang laki naman ng maleta mo? Parang 3 days at 2 nights lang naman tayo doon." natatawa ko pang sabi kay Angelina pagkapasok niya sa backseat.
"Puro lang naman 'yon damit. Siyempre kailangan natin umawra doon, you know na maraming pogi." napairap naman ako sa kanya habang siya ay tawa nang tawa.
Dumiretso na kami sa gasoline station kung saan kami hinihintay ni Alexa. Pagkarating namin doon ay agad bumaba si Angge para magcr.
"Hindi ka ba bababa?" tanong ko kay Justin. Nakita ko namang nakasulyap lang siya doon sa store kung saan bumili si Alexa.
"May gusto ka bang ipabili? Gusto mo ng milktea o ano?" hindi pa rin siya sumasagot sa tanong ko kaya naman sinuntok ko siya sa braso.
"Aray!" napangiti naman ako ng bigla niya akong tinignan nang masama.
"Ano hindi ka bibili?" nakita ko namang tinanggal niya ang seatbelt niya at bumaba na rin sa kotse.
"Napakababaero mo." bulong ko sa kanya.
"What the hell, ate!"
"Tingin ka ng tingin kay Alexa. Alam ba 'yan ng girlfriend mo?" natatawa kong sabi sa kanya.
"Luh, epal!" bahagya niya akong tinulak palayo sa kanya at tumakbo na para bumili ng makakain doon sa convenience store.
Pagbalik namin sa kotse ay sinenyasan pa ni Alexa si Justin na sumunod sa kanila. Hindi rin ako nakatulog dahil binabantayan ko 'yung kapatid ko. First time niya rin kasi bumiyahe nang malayo kaya hindi ko rin siya matulugan.
"Ate, can you open the bottled water?" tanong niya sa akin nang hindi umaalis ang mata sa daan.
"Oh, sure." inalalayan ko siya makainom dahil parehas nakahawak ang kamay niya sa manibela.
BINABASA MO ANG
Dear Moon
FantasyAlliah De Cervantes, a girl who always make a wish to the moon, tried to find herself again after the death of her parents. She is not the type of person who shares her past with others until he met a man named Jasper, one of the messengers of Selen...