"Kailangan namin ng tatlong family representative each group!" sigaw ng isang guro na siyang mamamahala para sa unang palaro. Narinig ko namang nagbulungan ang mga magulang sa aming likuran. Tila yata iniisip nang mabuti kung sino ang isasali dito.
Hindi pa man nakakapagdesisyon ay umabante na ang dalawang pamilya mula sa aming grupo. Isa na lamang ang kailangan ngunit wala pa ring naglalakas ng loob na sumali sa unang laro. Narinig ko muling nag-uusap ang grupo ng mga matatanda at batid kong nakatingin sila sa amin.
"Sila na lang kaya?" dinig kong tanong ng isang babae sa kanyang mga kumare.
"Mabuti pa nga. Mga bata pa sila kayang-kaya nila 'yan." singit naman ng isang matandang babae habang nakatingin sa amin.
"Ah iha, kayo na lang muna ang sumali." sabi nito habang nakangiti.
Tiningnan ko naman sina Cedric, Justin at Cindy at mababakas sa kanilang mukha ang pagiging desidido na manalo sa anumang palaro. Hinila ko si Justin sa harapan at sumunod naman sila Cedric sa amin.
"Sure ka ba Alliah?" natatawang tanong ni Cedric.
"Oo naman! Magandang simula 'to para sa atin." nakangiti kong sabi.
Kasalukuyan ng pinapaliwanag ng isang guro ang una naming laro. Ito ay tinawag nilang Egg Race na kung saan gamit ang kutsarang ilalagay namin sa aming bibig ay ililipat namin ang itlog sa kutsara ng iba naming kagrupo ng hindi nalalaglag.
"Medyo madali lang pala." dinig kong sabi ni Justin.
"Anong madali? Ang hirap kaya, masyadong malaki 'yung itlog" singhal ko.
Napangiwi naman ang iba naming kagrupo at saka pumuwesto sa kung saan sila nilagay ng nagsasalita kanina. Kasalukuyan kong nasa harapan si Cedric at nasa likod ko naman si Justin. Ilang minuto pa ang lumipas at tuluyan na ngang nagsimula ang aming unang laro.
Dumagundong ang boses ng mga tao sa loob ng gymnasium. Maririnig ang iba't ibang klasing cheer ng iba't ibang grupo. Nilibot ko rin ang aking mga mata at hindi pa man umaabot ng limang minuto ay nakita ko na ang ibang itlog na kung saan ay nalaglag na sa sahig.
"Alliah, ayan na kay Justin na 'yung itlog." sigaw ni Cedric na siyang naging dahilan kung bakit nabaling ang tingin ko sa aking kapatid. Inilagay ko na sa aking bibig ang kutsara at akmang sasaluhin ang itlog.
Dahan-dahan lang ang pagpasa ni Justin sa akin ng itlog. Iniisip ang bawat galaw upang hindi ito mahulog. Isang galaw lang ay nasa akin na ito.
I trembled as I walk towards Cedric. Makikita mo rin na gumagalaw 'yung kutsara dahil na rin siguro sa kaba.
Dahan-dahan akong naglakad papunta kay Cedric. Napatingin ako sa kanyang mukha at hindi ko maiwasang mamangha sa kanya. Ang hot niya kasing tignan habang kagat-kagat niya 'yung kutsara. Bunalik lang ako sa katinuan nang sumenyas siya na nag pahinto sa akin. Agad siyang bumaba para saluhin ang itlog. Doon ko narealize na masyado siyang matangkad at mukhang mahihirapan ako sa pagpasa nito.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinawakan sa aking braso. Konti lamang ang pagitan namin na siyang naging dahilan upang manghina ako. Nakaramdam ako ng bahagyang panlalambot ng mga oras na iyon. Tila bibigay na ang mga tuhod ko sa hindi malamang dahilan. Inilalayan ako ni Cedric hanggang sa tuluyan ko na itong napasa sa kanya.
"Ano ka ba Alliah? Ano bang iniisip mo? Umayos ka nga!" bulong ko sa sarili habang nakatingin kay Cedric. Akma na akong haharap kay Justin upang mabaling sa iba ang aking atensyon ng bigla akong tinawag nito.
"Tapos ka na agad?" tanong ko dito.
"Oo, alam mo kasi laging ganyan ang palaro sa amin dati. Kaya naman gamay na namin 'yan ni Cindy." nakangiti nitong sabi. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga binitiwang ngiti sa akin ni Cedric. Lalong bumilis ang kabog ng aking dibdib ng sandaling ginawa niya iyon.
BINABASA MO ANG
Dear Moon
FantasyAlliah De Cervantes, a girl who always make a wish to the moon, tried to find herself again after the death of her parents. She is not the type of person who shares her past with others until he met a man named Jasper, one of the messengers of Selen...