"Alliah, bakit nga pala hindi ka pumasok kahapon?" pagtatanong ni Angelina.
Kasalukuyan kaming naglalakad sa field ng mapansin ni Angelina ang pagiging tahimik ko.
"Ah-eh kasi sumama 'yung pakiramdam ko." bigla ko namang naalala ang lahat ng nangyari kahapon at ayoko na pag-usapan ito ngayon.
"Diba kasama mo si Ce-" hindi na natapos ni Angelina ang sasabihin niya nang bigla kaming tawagin ni Lorraine.
"Girls!" sigaw nito.
"Oh hi Lorraine." bati ni Angelina.
"Are you excited for the band later?" bigla ko namang naalala na ngayong araw pala gaganapin ang paskuhan dito sa University. Isang selebrasyon na kung saan ay nag-imbita ang school ng banda upang tumugtog. And hanggang ngayon, hindi namin alam kung sino ang dadalo.
"Sana Ben and Ben!" masiglang sabi ni Angelina.
"No, I think, IV of spades gonna rock the gymnasium." pagkontra ni Alexa.
"Sana sikat!" biglang sinabi ni Lorraine. Napatingin pa si Alexa sa kanya na parang sinasabi na hindi naman niya hinihingi ang opinyon nito.
"How about you Alliah? Anong banda ang gusto mo?" bahagya akong napaisip sa mga tinanong sa akin ni Lorraine.
"Ako? Kahit anong banda basta kilala ko." napuno naman ng tawanan ang paligid naming apat.
"Oh si Cedric!" sigaw ni Angelina nang makita niya si Cedric na papalapit sa amin.
Anong gagawin ko? I am not yet ready to face him. Alam ko na may alam siya sa sinabi ng mommy niya kahapon kaya nga tahimik kami buong biyahe. Pero paano kung bigla siyang umamin? Anong isasagot ko?
"Alliah." bati nito sa akin mula sa likuran ko. Humarap ako sa kanya at nginitian lang siya.
"Hi." matipid kong bati sa kanya.
"Alliah, puwede ba tayong mag-usap?" bigla naman akong kinabahan sa tanong ni Cedric. Bakit kami mag-uusap? Ayoko. Hindi ako ready. Please kailangan ko ng tulong.
"Alli-" hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya ng may biglang ingay kaming narinig sa loob ng gymnasium.
"Everyone, please come here at gymnasium. We're about to start the Paskuhan 2019." maluwag akong nakahinga nang narinig ko ang sinabi. Thank you, kung sino man ang nagsalita ay nagpapasalamat ako. You saved me from him.
"Alliah, kailangan kitang makausap." papunta na sana kami sa gym ng bigla niya akong hinawakan. Hindi ba talaga siya titigil. Kahit na best friend ko 'to e masasapak ko talaga siya. Manhid ang ungas.
"Alliah, mawawalan tayo ng puwesto." narinig kong sinabi ni Alexa. Tinignan ko si Cedric ng masama para bitawan niya na ako. Pero sa halip na bitawan ay may sinabi siya sa kanila.
"Sa akin na muna siya sasama. I need my best friend here." napakunot ako ng noo nang bigla niyang sinabi iyon. Nakita ko namang tumango si Angge at tuluyan na silang pumasok.
"Damn Cedric, what's your problem?" naiinis kong sabi dito.
"Alliah, kasi-" hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at tuluyan na akong kumalas sa kanya.
"Ano bang problema?" seryoso kong tanong sa kanya. Napansin ko naman ang ibang mga estudyante at outsider na pumasok na sa gym.
"Ah wala. Gusto lang kitang makasama. Enjoyin 'yung gabi na tayong dalawa lang. Tara na nga" hinatak niya ang kamay ko at tuluyan na kaming pumasok.
Bakit kaya bigla siyang tumigil? Alam ko na may sasabihin siya pero hindi niya magawang bigkasin. Pero siguro ay ayos na rin 'yon. Ayoko rin pag-usapan ang bagay na nangyari kahapon.
BINABASA MO ANG
Dear Moon
FantasyAlliah De Cervantes, a girl who always make a wish to the moon, tried to find herself again after the death of her parents. She is not the type of person who shares her past with others until he met a man named Jasper, one of the messengers of Selen...