Kabanata 6

67 19 1
                                    

"Ate, bumaba ka na riyan at nandito na si Kuya Cedric." napabalikwas ako sa aking kinauupuan dahil sa sigaw ni Justin. Nandito ako sa aking kuwarto at kasalukuyang nakaupo sa harapan ng salamin habang naglalagay ng kolorete sa mukha.

"Ano ba kasing shade ng lipstick ang babagay sa akin?!" naiinis kong saad ng sandaling hindi ako makapili. Hindi naman ako ganito noon, ngayon ko na lang uli ginalaw ang mga pampagandang nakatago sa loob ng aking cabinet simula noong nawala si Mom.

Kinuha ko ang aking telepono at akmang tatawagan si Angelina para itanong ang bagay na ito. Ngunit naisip ko na aasarin lang ako ng lokong 'yun kapag dating namin sa school. Natataranta na ako ng mga oras na 'yun nang bigla kong nakita ang isang lip tint na kung saan ay ibinigay sa akin ni Angelina noon. Sinubukan kong ilagay ito sa labi ko at hindi naman ako nabigo sa resulta nito.

"Ayos pala 'tong binigay ni Angelina sa akin." napangiti naman ako sa salamin sapagkat ngayon ko na lang uli nakita ang sarili ko na ganito. Madalas kasing face powder lang ang ginagamit ko. Niligpit ko na ang mga make up na nagkalat sa aking harapan. Tinapon ko na rin ang mga tissue na ginamit ko para tanggalin ang mga lipstick na nilagay ko sa aking labi.

"Ate matagal ka pa ba diyan?" narinig ko na naman ang pagsigaw ng aking kapatid. Napakunot naman ako ng noo at sinabing

"Bababa na ako." doon kinuha ko ang ang aking bag na nasa kama at dumiretso na pababa sa sala.

"Kaya naman pala ang tagal eh, ngayon lang kita uli nakitang nag-ayos." hindi na nga napigilan pa ni Justin ang matawa. Napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Cedric at napansin ko na nakatingin lang siya sa akin. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha ng mga oras na iyon.

"Tara na?" pag-aaya ko kay Cedric. Ngunit bago pa man kami tuluyang nakalabas ay tinawag ako ni Justin.

"Ate, bukas na nga pala 'yung event sa school namin. Makakapunta ka ba?" tanong nito.

"Titignan ko pa, sige mauna na kami. Uuwi ako ng maaga mamaya."

Paglabas namin ni Cedric ay akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng kanyang kotse ngunit agad niya itong sinalo. Nahiya naman ako sa ginawa ng kaibigan kong ito pero kahit ganoon ay natutuwa pa rin ako.

"Alliah, you're pretty, bakit ayaw mong sumali ng pageant?" pagbasag ni Cedric sa katahimikang namumuo sa loob ng kotse.

"Ah-eh, pag-iisipan ko pa." nakita ko namang napatango na lang si Cedric sa mga narinig niyang sinabi ko.

Naging tahimik ang buong biyahe at tila ba nagkakailangan pa rin kaming dalawa. Alam ko na hindi dapat ganito sapagkat nagsisimula kaming muli ng panibagong yugto ngunit sa tuwing makikita ko si Cedric ay para bang may kung anong gumugulo sa isipan ko.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa University at muli niya na naman akong pinagbuksan ng pinto.

Sinalubong ako ni Alexa at Angelina sa hallway. Nagpaalam naman si Cedric na magpapark lang. Nang makaalis na si Cedric ay bahagya akong kinurot ni Angge at sinabing...

"Ang bongga naman ng binasted mo, hinahatid at sinusundo ka pa sa inyo." pang-aasar nito.

"Malapit kasi ang bahay ni Cedric sa amin. Walang malisya 'yon beh, magkaibigan lang kami." paliwanag ko.

"Eh bakit tila ayos na ayos tayo ngayon?" sabi ko na at mapapansin nila ang pagpapaganda ko ngayong araw.

"I realized kasi na I need to be beautiful." natawa naman kaming tatlo sa sinabi ko.

"Girls, tara na?" pagdating ni Cedric ay dumiretso na kami sa aming room doon sa 3rd floor.

Halos magkasabay lang kami ni Ma'am Shaina dumating. Ang teacher namin sa Business Math bukod pa doon siya rin ang pinakapaborito naming adviser ever since pumasok kami dito sa college.

Dear MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon