"Kumain ka na iha."Napatingin naman ako kanila lola na kasalukuyang kumakain. Ngumiti na lang ako saka tumabi kay Justin.
"Saan ka pupunta ate? Akala ko nakaleave ka ngayon?" tumingin pa ako sa kanya bago ako sumagot.
"May dadaanan kasi ako kasama 'yung kuya ni Alexa para sa ipapagawa kong bahay." paliwanag ko pa dito habang kumakain.
"Ma'am may bisita po kayo." napaawang naman ang bibig ko sa narinig kong sinabi ng isang maid.
"Sino daw 'yon?"
"Kaibigan niyo raw po." paliwanag pa nito. Tumingin pa ako kanila lola bago sumenyas doon sa maid. Inubos ko na rin agad 'yung pagkain ko saka hinarap 'yung bisita.
"Engineer Davila, what are you doing here?" nakasuot lang siya ng black pants at black shirt na tinatago ng black leather jacket. Ang simple lang ng suot niya pero bagay na bagay sa katawan niya.
"May i-mi-meet tayong architect, right? Pati na rin 'yung ibang kailangan natin sa paggawa ng bahay." napatango na lang ako sa sinabi niya.
"But engineer, you don't have to go here. Puwede naman tayong magmeet sa isang lugar." napataas pa ang isang kilay niya.
"Ang seryoso mo naman. Jasper na lang ang itawag mo sa akin." napailing pa ako saka umirap.
"Kuya Jasper!" tawag ni Justin sa kusina. Sinamahan ko naman si Engineer Davila para yayain na rin na kumain muna.
"Kamusta, Justin?" tanong pa nito saka nakipagshake hands sa kapatid ko. Bigla ko namang naalala na schoolmate pala sila dati sa US kaya hindi na rin nakakapagtaka na medyo close sila.
"Are you Engineer Davila? 'Yung gagawa ng bahay ng apo ko?" tahimik lang na kumakain si lola. Omg, why so strict?
"Yes po. Nice to meet you, ma'am." lumapit pa siya kay lola para makipagshake hands din.
"Hindi mo naman sinabi Alliah na ganito kagwapo 'yung gagawa ng bahay mo." nasamid pa ako sa sarili kong laway nang marinig ko ang sinabi ni lola. What the hell? I don't have any plan to be her girlfriend. No offense, pogi siya at hot pero hindi ko pa nakikita sarili ko sa engineer na 'to. Dumalawa pa sa bahay ko. Napakafeeling close naman.
Napakamot pa ng batok si Jasper saka pumunta ulit sa akin.
"Sabi ko sa'yo, magpapakilala ako sa kanila." tumingin pa siya nang diretso sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.
"When did I say that?" tinaasan ko pa siya ng kilay. Napakamot na naman siya sa batok niya. Mukhang pinagsisihan 'yung sinabi niya kanina.
"Ah wala, sabi ko tara na." nag-ayos lang ako sandali saka sumunod sa kotse niya. Hindi na rin kasi siya kumain kasi busog pa siya.
"I told you, I can drive my own car. Hindi mo naman kailangan isabay ako sa kotse mo." seryoso lang siya na nakatitig sa daan habang nagmamaneho.
"Ayos lang naman sa akin. Mas maganda na iisang kotse lang gagamitin natin." hindi niya pa rin inaalis 'yung mata niya sa daan.
Hindi ko na rin siya inistorbo at nanahimik na lang buong biyahe. Naiilang ako ng konti pero iniisip ko na lang na kapatid naman 'to ng kaibigan ko. Wala naman ata 'tong gagawin na masama sa akin.
Napataas naman ang kilay ko nang bigla kaming pumasok sa isang mall. What the hell, akala ko may i-mi-meet kaming architect.
"Why are we here?" pagtataka kong tanong.
"Nandito kasi 'yung kakilala kong architect. Huwag kang mag-alala, magaling din 'yon." he smirked bago pa siya bumaba. Dumiretso siya sa kabilang door at pinagbuksan ako ng pinto. Nabigla pa ako pero bumaba na lang din.
BINABASA MO ANG
Dear Moon
FantasyAlliah De Cervantes, a girl who always make a wish to the moon, tried to find herself again after the death of her parents. She is not the type of person who shares her past with others until he met a man named Jasper, one of the messengers of Selen...