Kabanata 37

13 1 0
                                    


"I need a new idea. These are all recycled from our previous dishes."

Nakatingin lang ako doon sa may folder na binigay ng marketing department. At for the first time, hindi ko nagustuhan 'yung mga pagkain na sinasuggest nila.

"Nasaan ba si Gia? Siya dapat 'yung kausap ko dito." umiinit na naman ang ulo ko dahil hindi ko siya makita.

"Ma'am, nasa vacation leave po si chef. Next week pa po ang dating niya." seryoso ko namang tinignan ang sekretarya ko. Napaiwas pa siya ng tingin sa akin.

"Tawagan mo si lola and tell her that we need their chef. Kailangan na nating magrelease ng bagong dishes within this week." nakita ko pang tumango siya bago lumabas.

"What are you still doing here? Go, kausapin niyo 'yung chef na dadating." I sighed and massaged my head. Nagsilabas na ang mga employee ng marketing department. Oh my god! This is terrible, dapat nagpapahinga ako ngayon.

"Ma'am, gusto po kayong makausap ng lola niyo." agad ko namang kinuha 'yung telepono sa kanya bago pumunta sa may window.

"Are you okay, Alliah? I told you naman na dito ka muna sa company natin." napairap pa ako dahil pinapangaralan niya na naman ako.

"La, it's been 5 years tapos 'yan pa rin 'yung sinasabi mo sa akin. I'm okay. I just need to take some rest. Don't worry, it's on my hand now. Unang beses pa lang naman 'to nangyari sa akin." pagdadahilan ko pa sa kanya.

"Gusto mo bang magbakasyon muna dito?" pag-aalok pa ni lola sa akin. Nasa States kasi siya ngayon para bisitahin si Justin and to fix some business issue na rin doon. Napailing na lang ako saka nagpaalam sa kanya.

"I need to go na po. Pasabi na lang kay Justin na namimiss ko na siya. Umuwi naman siya dito sa Pilipinas." tumawa pa ako bago binaba ang telepono.

"Vaness," tawag ko sa secretary ko na nasa labas.

"Yes ma'am?" binigay ko muna sa kanya 'yung telepono bago ako nagsalita.

"I told you not to call me ma'am kapag tayong dalawa lang o nasa labas ng kumpanya." ngumiti pa siya sa akin.

"Sorry na, hindi kasi ako sanay tawagin sa pangalan nila 'yung mga boss ko." natawa pa ako sa sinabi niya.

"May pupuntahan ako mamaya so just cancel my activities for today." kinuha ko naman 'yung bag ko para magretouch. Masyado kasi nag-init 'yung ulo ko kanina kaya feeling ko lumabas 'yung mga wrinkles ko. Tinignan ko pa siya sa may salamin na tumatango.

"By the way, gusto mong sumama?" she looked at me amused.

"I want but kailangan kasi naming magcelebrate ng birthday ni tatay." tumango na lang ako saka dumiretso sa may table ko. May kinuha ako doong paper bag.

"Here, it's my gift for your father." nanlaki pa ang mata niya bago tinanggap ang regalo. Vaness is my secretary since the first day I became a CEO of my own company. Nakilala ko siya noong nagtatrabaho pa lang ako sa company ni lola. And noong nagdecide naman ako na magtayo ng sariling business, isa si Vaness sa mga nagpalakas ng loob ko.

"Wow, you really know my father's favorite shoes." hindi ko naman maiwasang maging masaya. Naging parang tatay ko na rin si tito lalo na kapag binibisita niya si Vaness para dalhan ng pagkain.

"Gusto mong sumama sa bahay mamaya?" tanong pa nito sa akin. Umiling naman ako dahil nga may kailangan akong puntahang bar mamaya. Kakauwi lang kasi ni Alexa galing States so we need to celebrate na rin sa bar ni Angelina.

"Send my wishes na lang, may kailangan talaga akong gawin mamaya." tumingin pa siya ulit sa regalo na binigay ko bago lumabas. Tumayo naman ako at dumiretso ulit sa may bintana. Pinagmasdan ko lang ang langit. Hindi na gaanon kaliwanag dahil ilang oras na lang ay magagabi na. Tinignan ko rin ang suot kong singsing. May nakasulat na pangalan doon pero hindi ko naman kilala kung sino. Hindi ko na lang din hinubad 'yon dahil mukhang swerte rin naman sa akin. Naalala ko pa kasi nung binuo ko 'yung kumpanyang 'to grabe 'yung kaba ko na baka hindi maging succesful pero tignan mo ngayon, marami na akong franchise dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Kaya simula nang araw na 'yon ay hindi ko na hinubad 'yung singsing.

Dear MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon