To all Ken Stans, this book is dedicated for you. Uwu
***
"Ken, ano ba? Hindi mo ba naiintindihan yung gusto ko mangyari para sa ating dalawa? Saglit lang naman yun. Babalik ako" I told Ken. We are here inside my room. He's walking back and forth sa harap ko habang naka upo ako sa kama at pinapanuod siya.
"Babe. Naiintindihan ko pero alam ko sa sarili kong hindi ko kayang malayo sa'yo." He told me. He stopped and hold both of my shoulders. "I can't live without you".
His tears started to show up as if they're trying to convince me to not go.
I looked straight into his eyes and said, "Pero Ken.. Alam mo namang ginagawa ko 'to kasi ito yung pangarap ko." After noon, binitawan niya ako at tuluyan nang umiyak.
I can't stand not to cry. Masakit rin para sa akin and iwan siya dito sa Pilipinas ng mag isa lalo na tatlong taon na kaming magkarelasyon.
"Ko? Babe, Ko? Pangarap mo lang? Paano naman yung tayo? Babe, lahat ng pangarap ko, para sa ating dalawa. Nagsisikap ako para may mapatunayan sa'yo, sa family mo." Umupo siya sa harap ko habang nakaupo pa rin ako sa kama. Hinawakan niya ang parehas kong kamay habang umiiyak.
"Babe, please, Don't go. Hindi ko kakayanin." Nararamdaman ko ang nginig ng mga kamay ni Ken.
"Then, let's just break up." Hindi ko alam pero sa moment na yun, biglang lumabas nalang sa aking bibig ang mga salitang iyon. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Ken sa kamay ko pero huminto na siya umiyak. Ilang minutes tumahimik sa loob ng kwarto. Tanging tunog lang ng mga huni ng ibon sa labas ang naririnig ko.
Maya-maya, binitawan na ni Ken and kamay ko at tumayo.
"Ok." He said
Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero nung narinig ko ang "okay" mula sa kanya, parang lumubog ang puso ko. Hindi ako makapaniwala sa sagot niya. Hindi rin ako makapaniwala na binitawan ko and mga salitang yun.
Dahan dahan kong pinanuod na maglakad si Ken palabas ng kwarto ko. Bago siya lumabas, huminto siya ng saglit. Umasa akong babawiin niya yung sinabi niya, pero hindi. Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko nang hindi manlang lumilingon, na para bang hindi ako karapat dapat sa huling lingon para sa tatlong taong magkarelasyon kami. Lumabas siya ng kwarto ng hindi sinasara ang pintuan at naiwan ako sa kwarto kong nakaupo pa rin sa kama.
Pakiramdam ko, sa oras na tumayo ako, matutuluyan na akong bumagsak at hindi na makakatayo.
Tanging luha ko na lamang ang kasama ko sa loob ng akin kwarto.
Kenji, patawad.
***
BINABASA MO ANG
Kenji (SB19 Ken Fanfic)
Fanfiction(Slow update) Umalis ako at iniwan ko siya kahit alam ko namang hindi niya kaya. Para naman to sa pangarap ko e. Pero bakit ganoon, bakit parang may mali? Bakit parang mali ang desisyon ko? Bakit parang hindi ako buo? Gusto kong humingi ng tawad per...