Please don't forget to vote, share and follow my instagram account _moonsandsmiles
***
MIKKA'S POV
Pagkagising ko, napatulala nalang ako sa ceiling dahil wala akong maalala sa mga nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala na pinaulanan ko ng drunk texts ni Kenji. Sobrang sakit ng ulo ko at ang unang tiningan ko ay ang phone.
Puro kalat lang dito sa condo na ni-rent ni Bella for my welcome back party. si Bella, nasa sofa and tumba pa rin. Wala na yung iba. Mukhang umuwi na sila. Hindi manlang ako nakapag paalam.
Mikka, magpakain ka na sa lupa. Anong ginawa mo? Sobrang nakakahiya. I don't even know now how I'm gonna face Kenji. Hindi ko din maalala anong pinaggagagawa ko kagabi. Hindi ko alam if mab-bother ba ako na walang replies si Kenji sa mga drunk texts ko or should I be happy kasi baka hindi pa niya nababasa? Or baka nabasa na niya? Ugh I don't know pero he knows me so well. Alam niyang nag d-drunk texts talaga ako even before na kami pa so maybe naintindihan naman niya?
Pero sobrang lala ng mga messages ko. Kahit hindi maayos, mukha akong nagfflirt. MIKKA!!!! ANO BA?!! HINDI KA NA NAHIYA HUHUHUHUHU
Bumaba ako ng condo at pumunta sa coffee shop para bumili ng coffee para naman mahimasmasan ako or kabahan naman ako sa mga pinaggagagawa kong katarantaduhan. Minsan gusto ko na nga lang tanungin si Lord bakit parang ang kalat ko sa buhay ko.
Naghanap ako ng isang empty spot at doon ako umupo habang iniinom yung hot coffee na binili ko. HELP HELP HELPPPPPPP
"Mikka." Am I starting to hear things? I mean, ugh.
"Mikka." Uhm, ako ba yon? Lumingon ako ng dahan dahan sa side kung saan ko naririnig yung pangalan ko.
"Hi. It's you." Wait sino to?
"Uhm. Kilala mo ako?" tanong ko sa kanya
"Hindi mo na ba ako nakikilala?" tanong niya. Sinubukan kong titigan yung mukha niya habang nag si-sip ng coffee...
..
wait..
parang familiar....
"Hans?.... HANS??!!!!! IKAW NA BA YAN?!!!!!!!" sigaw ko. shit! Hindi ko na nacontrol yung boses ko. Nagtinginan tuloy sa akin yung mga tao.
"sorry po." Paghingi ko ng paumanhin sa mga nasa loob ng coffee shop.
O_O
"Akala ko nakalimutan mo na ako. hahaha" He said then smiled. Pati yung singit niyang mata, ngumiti din
"Shit! Hindi kita nakilala! Sobrang laki ng pagbabago mo!" I told him . He used to be this nerd na patpatin at napakaputi ng kutis. Parang sobrang fragile niya. If I'm not mistaken, may lahi siyang Korean pero hindi ko talaga alam yung buong kwento. I mean, ang laki ng pagbabago niya. Slim fit body at I'll be honest, Sobrang gwapo niya ngayon. As in.
"May I join you?" tanong niya sa akin
"Yeah sure!" I answered. Umupo siya sa kaharap na upuan ko then drank his Iced coffee.
"So, how was U.S?" tanong niya sa akin.
"Uhm. Okay naman." Maikli kong sagot. Hindi pa kasi gumagana yung utak ko ngayon. Pano ba naman, sobrang sakit pa rin ng ulo ko hanggang ngayon. Hindi ko maalala kung ilang hard drinks yung naubos namin.
BINABASA MO ANG
Kenji (SB19 Ken Fanfic)
Fanfiction(Slow update) Umalis ako at iniwan ko siya kahit alam ko namang hindi niya kaya. Para naman to sa pangarap ko e. Pero bakit ganoon, bakit parang may mali? Bakit parang mali ang desisyon ko? Bakit parang hindi ako buo? Gusto kong humingi ng tawad per...