Please don't forget to vote and share~
***
MIKKA'S POV
Tumawag si Bella kanina at gusto niya magpasama na bumili ng school supplies ng pamangkin niya sa mall. Sabi ko okay lang na samahan ko siya kasi may bibilhin din akong book.
2 weeks na rin ang nakalipas mula nung nakauwi ako dito sa Pilipinas. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong plano ko. Nandito lang talaga ako para magbakasyon. I was 25 noong nag decide ang company na pinagtatrabahuhan ko dito na ilipat ako sa States at ang magiging position ko roon ay assistant manager. It's one of the biggest coffee shop in US. After a year, nakitaan ako ng company na kaya kong maghandle ng tao so they're planning to promote me as a their manager.
All of my friends, lalo na si Bella, alam kung gaano ko ka-gusto maging manager. Pangarap ko na 'yon noong nag aaral pa lang ako. Noong nakaroon ng opportunity, I grabbed it immediately. Ang satisfying kasi sa pakiramdam na kaya mong mag manage ng kahit anong bagay. Parang kaya mong gawan ng paraan lahat ng problema sa buhay.
Alam ko namang mahihirapan si Ken sa decision ko noon. Alam ko din namang magiging bago sa kanya yung LDR lalo na't simula College hanggang sa nagtrabaho kami, halos magkasama kami palagi. That's why I talked to him about it. Pero ayun na nga, Naghiwalay lang kami. Isang bagay 'yon na hindi ko inaasahang mangyayari.
Mas nauna akong nakarating sa mall. Hinatid pa kasi ni Bella si Cindy, yung pamangkin niya, sa Taekwondo class niya. Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin naman siya. Kumain muna kami bago kami namili ng mga school supplies.
"Grabe na sa panahon ngayon bes. Nagulat ako sa sabi ni Cindy, two notebooks lang ang kailangan niya kasi computer based na sila sa school. Napaghahalataan na ba yung edad natin? Hahaha. Dati, lahat ng subjects, may notebook tayo tapos dala dala pa natin sa school. Konti nalang magkaka scoliosis na ako noon." Kwento ni Bella
"Sinabi mo pa. Yung kapatid ko nga, imbis na school supplies ang ipabili kina Mommy and Daddy, laptop and pinabili. Kakaiba. hahaha"Sagot ko naman
"Hayy. anyway, wala ka bang plano mag celebrate ng pagbabalik mo sa Pilipinas? Kinakamusta ka na sakin ng college tropa. Namimiss ka na daw. Baka naman sis. ano naaa?" She said habang nag s-scan ng magagandang notebook.
Simula kasi nung pumunta ako ng US, si Bella nalang yung nakakausap ko dahil busy na ang lahat tapos magkaiba pa yung time zone. Nag a-adjust kami ni Bella sa isa't isa pag gusto namin mag video call or mag chat manlang.
"Kailangan pa ba noon? Tsaka hindi ko alam kasi kung ano plano ko. Hindi pa ako sigurado kung babalik ba ako sa US or dito nalang mag work ulit. I mean, maganda na yung edge ko dito lalo na may experience na ako sa abroad.. Pwede na ako maghanap nang malalaking company dito para mag apply sa position na gusto ko." I told her.
"Hmm. May point ka naman dyan. Pero diba gusto mo maging manager? Kung doon ka, sure ako tiba-tiba ka niyan sa salary. Kung dito naman, malaki din naman ang sahod ng mga manager dito so, ano? Ang pinagkaiba lang, makakasama mo family mo dito. Doon naman, magandang experience at makakapag adventure ka pa Hahaha" natawa nalang siya sa mga pinagsasabi niya.
BINABASA MO ANG
Kenji (SB19 Ken Fanfic)
Fanfiction(Slow update) Umalis ako at iniwan ko siya kahit alam ko namang hindi niya kaya. Para naman to sa pangarap ko e. Pero bakit ganoon, bakit parang may mali? Bakit parang mali ang desisyon ko? Bakit parang hindi ako buo? Gusto kong humingi ng tawad per...