Please don't forget to vote, share and follow my instagram account _moonsandsmiles
***
Mikka's POV
"Bes. Nakikinig ka ba sa kwento ko? Bakit ka ba kanina ka pa tulala dyan?" Tanong sa akin ni Bella.
Kanina pa ako dito wala sa sarili. Iniisip ko parin yung nangyari kagabi. Hindi kaya nananaginip lang ako? Pero sure ako eh. Naramdaman ko . Pero bakit? Bakit niya yung ginawa? May family na siya. May anak na siya. Bakit niya ako hinalikan?
Bakit ko ba iniiisip? Baka dala lang ng alcohol. Alam ko naman na konting alcohol lang, tinatamaan na si Kenji. Masyado lang ako nag o-overthink.
Nandito pala ako ngayon sa condo ni Bella and August. Live-in na kasi silang dalawa since last month.
"Wala. Madali lang akong iniisip. Ay, oo nga pala, here's my gift." Inabot ko kay Bella yung gift ko sa kanya na naiwan ko kay Kenji.
"WOW! Big time ka na talaga bes! hahahaha Thank you so much!" She told me tapos niyakap niya ako ng napakahigpit. Namiss ko din 'to. Yung yakap ng bestfriend ko.
Kayakap ko lang sa Amerika eh yung mga unan ko. Minsan upuan pag nalasing na ako sa bar o kaya yung mga poste ng ilaw pag hilong hilo na ako galing sa inuman. Sa U.S kasi, pag trabaho, focus talaga sa trabaho. Minsan parang robot ka na sa kakatrabaho. Pagkatapos ng work hours, pahinga na o di kaya hanap ng pwedeng gawin para makapag relax.
Iba din kasi ugali ng mga foreigners. Mas straight forward sila sa mga bagay bagay compare sa mga pinoy na mas malambing at caring. Doon, kanya kanya kami ng buhay.
"Hindi naman bes. Syempre, tagal ko nawala and gusto ko naman special gift ko sayo." I told her
"hahahaha pero diba naiwan mo to sa car ni Kenji? So nagkita kayo?" tanong niya
Uhm. Sasabihin ko ba sa kanya yung nangyari sa amin kagabi? Kaso mang aasar lang tong si Bella. I know her. Medyo pikon pa naman ako pag inaasar niya.
"Yeah. Kinuha ko sa condo niya kasi nag aalaga ata siya ng baby." I told her. Kita ko sa mukha niya yung gulat. Expected ko na rin yang mukhang yan.
"Oh.... so may nangyari no?" Tanong niya sakin with matching nakakaasar na mukha. Ayoko patulan kasi mababasa niya agad yung mukha ko.
"Wala. Kinuha ko lang tapos umalis na ako agad. Ininvite ko na rin siya sa welcome back party ko. He said he's going so, ayun." I told her.
"Yes. Sinabi din niya sa akin pupunta siya. Anyway, naayos ko na lahat yung kailangan sa party mo, bes. Yung food and drinks na-plan and na-order ko na. Pati yung sound system. Excited ka na ba?" She asked and looked at me as if nag aantay siya ng yes na sagot.
Of course I'm excited. Ang tagal ko ding hindi nakasama yung mga college tropa ko. Sobrang busy na kasi nila sa mga kanya kanyang work. Pero kinakabahan ako at the same time sa pwedeng mangyari sa gabing yon lalo na, pupunta si Kenji.
BINABASA MO ANG
Kenji (SB19 Ken Fanfic)
Hayran Kurgu(Slow update) Umalis ako at iniwan ko siya kahit alam ko namang hindi niya kaya. Para naman to sa pangarap ko e. Pero bakit ganoon, bakit parang may mali? Bakit parang mali ang desisyon ko? Bakit parang hindi ako buo? Gusto kong humingi ng tawad per...