Kenji - Chapter 1

842 39 2
                                    

To all Ken stans and OT5, I hope mag enjoy kayo sa mga updates ko <3
Please don't forget to vote and share this story! :) uwu


***

MIKKA'S POV

"Sis!! Asan ka na?? Scam ka naman e! Sabi mo sakin susunduin mo ko dito sa airport? Bakit 4 hours na akong nag aantay dito, wala ka parin. Sana nagpasundo nalang ako kina Mommy!" I told Bella over the phone. She's my bestfriend.


(Bes! Sorry na! Na-flatan kami ni August! Nagpapalit pa siya ng gulong. Mahal! Marunong ka ba talaga????!!!) aray. Ang sakit sa tainga ng sigaw niya


"Hay jusko, Osige. Wag niyo nalang ako sunduin. Mag grab nalang ako. I'll meet you nalang sa usual." I told her. 


Kung aantayin ko pa siya, baka abutin na ako ng madaling araw dito. Gabi na rin at kailangan ko na rin makauwi at makapag pahinga. 12 hours yung flight ko kaya sobrang pagod ako. Hindi na nga gumagana yung utak ko e. 

I hang up the call at lumabas ng terminal para mag book ng grab. As usual, ang bagal parin ng data dito sa Pinas kaya hirap na hirap ako mag book. Ang dami ding umuuwi dahil mag papasko na kaya pahirapan talaga makapag book ng grab. Kung magtaxi naman ako, for sure, sobrang mahal ng sisingilin nila. Banas na banas na ako kasi sobrang hirap mag book tapos dala dala ko pa tong napakalaki kong maleta. Maglakad nalang kaya ako mula Airport papuntang QC? Syempre charot lang yun. Nag heels pa kasi ako kaya and sakit ng paa ko. Bakit ba kasi ako nag heels? Jusko po Mikka.


"Mikka?" Someone called my name na naging dahilan ng pag lingon ko. I was shocked when I saw him. Yung puso ko, sobrang bilis ng tibok na hindi ko maintindihan.


"It's you." He said. "Hi." Then he smiled at me. 


"Oh. Hi." Maikli kong sagot.


There was a moment of silence between the two of us kahit ang ingay ingay dito sa loob ng airport. I don't know what to say next. Should I just leave? Pero parang ang bastos ko naman no'n.

"Umuwi ka na pala." he said. "Kamusta sa States?" Dagdag niyang tanong.


"Uhm. Okay naman. Sobrang busy kaya hindi ko na napansin yung panahon." I told him. Sumasakit na yung paa ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa heels ko o dahil bumigat yung pakiramdam ko kasi parang kinukuha ako ng lupa.


"Yeah. It's been 2 years." Sambit niya.


Tama.


Dalawang taon na mula nang iniwan ko siya. Ito ang unang paguusap namin pagkatapos ng gabing nag hiwalay kami.

Kenji (SB19 Ken Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon